Nine

21.4K 322 7
                                        

LUNA's POV

Ilang buwan na rin ang nakakalipas since that day.

Iyong araw na nakita ko uli si Hanzel.

Iyong araw na nakita ko uli sina Mr. & Mrs. Knight.

At 'yog araw na muntikan na akong makilala ni Boss.

Mabuti na lang at hindi na niya ako kinulit. Naging busy kasi masyado sa opisina dahil may new project na i-la-lunch ang company. Hirap nga rin ako sa schedule dahil sa hospital na ako ni Hanzel umuuwi para makasama s'ya at maalagaan.

Si Luis naman ay palagi ring pumupunta roon para mag-dala ng bulaklak, prutas at pagkain. Sa pagkakaalam ko rin, malapit na siyang umalis. One month nga lang daw ang hiningi niyang bakasyon pero nag-pa-extend daw sya ng two week. So, ilang araw na lang s'ya rito.

Iyong parents ko? Well, hindi ko na alam kung nasaan sila at wala na ako pakialam sa kanila. Buti na lang nga at hindi sila pumupunta rito sa hospital. Yeah, it is rude, but if you are in my shoes, you'll feel the same.

"Luna? What is my next schedule?" Nadito pa rin kami sa opisina dahil 11:00 am pa naman.

"May meeting po kayo mamayang 8 pm sa Delicioux." Sabi ko.

Napatango naman sya. "You'll come with me."

Napataas ang kilay ko. Mabuti na lang at makapal ito kaya hindi gaanong halata.

"B-Boss, ano kasi. Magpa-paalam po kasi ako na maaga sanang umuwi. M-May pupuntahan po kasi ako, e."

Napakunot naman ang noo niya at tinitigan ako sa mata.

Shit! I hate that stare. Para akong binabasa. One month na simula nang titigan niya ako ng ganito.

Medyo napaatras ako dahil doon. "You know what, Luna. I have this feeling na parang may tinatago ka sa akin."

Pinanipis ko lalo ang labi ko. Guilty! May tinatago naman talaga ako, e.

At isa pa, bahagyang tumitibok ang ulo ko. Shit! It hurts.

"Lagi na lang gusto mong maagang umuwi, last time pumunta ako sa apartment mo dahil naiwan mo iyong paper bag na bigay ni Tiffany sa'yo, pero sabi noong kapit bahay mo ay bihira ka na raw nilang makita sa apartment mo tuwing gabi. Tell me, Luna."

Hindi ako umimik at nanatiling sinasalubong ang mapanuri niyang titig. Sunod-sunod na rin ang pag-lunok ko dahil feeling ko ay natuyuan ako ng lalamunan.

Narinig kong umingit ang pinto pero hindi totally na binuksan. Parang may sumisilip.

"Nag-tatrabaho ka ba sa bar tuwing gabi?"

Nanlaki ang mata ko at napaatras kaya napaupo ako dahil sa nawalan ako ng balanse.

Narinig ko naman ang tawa ni Luis sa labas.

Ano raw? Ako? Nagta-trabaho sa bar? What the!

"Ay, sabagay sa itsura mo pa lang mukhang hindi ka na tatanggapin doon."

Napayuko na lang ako sa narinig kong insulto. Pati si Luis na tumatawa ay natigil at nilapitan ako bago tinulungang makatayo.

"Kuya, don't say those words. Hindi mo s'ya kilala."

Hinawakan ko ang braso ni Luis na nakahawak sa braso ko para patigilin s'ya. Baka mabuking pa ako ng wala sa oras.

Dumilim naman ang mukha ni Boss bago niya kami tinaasan ng kilay. Sumandal s'ya sa swivel chair niya at nag-cross arms pa.

"What was that? May relasyon ba kayo?" Tinuro-turo pa niya ang magka-hawak naming braso. Dahan-dahan naman naming inalis iyon pero lalo akong napakapit nang sumigaw si Boss.

Hiring: UGLY Secretary (PUBLISHED under IMMAC)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon