Thirty Two

11.7K 201 51
                                        

LUNA's POV

Napakusot na lang ako ng mata. Kakagising ko lang at hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Napatingin ako sa wall clock, 8 pm na pala.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may masakit pa sa akin. Buti na lamang at wala na akong nararamdamang hilo at hindi na rin nanlalabo ang mga mata ko.

Nasaan kaya yung babae at lalaki? Si Ier kaya?

Bumaba ako sa kama at lumapit sa pinto. Bubuksan ko sana iyon ng may marinig akong usapan.

"Hindi ba delikado para kay Luna?"

Hindi na sana ako makikinig dahil hindi ko ugali iyon pero dahil narinig ko ang pangalan ko, napagpasyahan ko na ring makinig.

"I will not give you a hundred percent, but we will make sure to do everything we can just to make the operation sucessful."

Ooperahan ako?  Para saan? May sakit ba ako?

Sinilip ko kung sino-sino ang mga nag-uusap. Yung babae at lalaki, si Luigi at si Mr. Lye Frey. May kasama din silang babae na nakapang- doctor's coat.

"Okay then, set a schedule for her operation." Sabi noong lalaki.

Malakas kong binuksan ang pinto.

"Teka, have you ask my permission? Tsaka ano bang sakit ko? Bakit kailangan pa akong operahan?"

Bahagy pa silang nagulat dahil sa pagsulpot ko pero agad din naman iyong nawala. Lalo na doon sa babae at lalaki.

"Luigi, ano? Sagutin nyo yung tanong ko!"

Naramdaman kong parang tumibok ang ulo ko at bahagya akong nakaramdam ng pagkirot.

"Ma'am, please calm down. Don't stress yourself too much." Mahinahong sabi noong doctor.

"Sagutin nyo yung tanong ko!" May kataasang sabi ko. Napahawak na lang ako sa ulo ko ng bigla iyong kumirot.

"Please, Al, calm down. Makakasama sayo."

Huminga ako ng malalim. Ako lang din kasi ang nasasaktan kung patuloy kong hindi susundin ang sinabi ng doctor.

Nilapitan ako noong lalaki, binuhat nya ako at iniupo sa single sofa. Inabutan naman ako ng tubig noong babae.

Napatingin naman ako sa doctor ng may iabot sya sa akin na isang maliit na case. Tiningnan ko iyon. Mga capsule pala ito.

"Drink that, it can help to ease the pain."

Tumango ako at sinunod ang sinabi nya. Doctor na yan, magmamatigas pa ba ako?

Tahimik lang kami ng mga ilang minuto mukhang hinihintay muna nila akong kumalma.

"So, ano nga? Anong sakit ko? Bakit ako ooperahan?" Pambabasag ko sa katahimikan.

Nilapitan ako ng babae. Naupo sya sa handrest at inabot ang ulo ko. Sinandal nya iyon sa tyan nya.

"You have a Brain Tumor, Ma'am!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ng doctor.

Napatayo ako at wala sa sariling bumalik sa kwarto ko. Brain Tumor?

Naalala ko tuloy ang laman ng mga folder na kinuha ko sa kwarto ni Kuya Levi. Totoo pala iyong nagkasakit ako dati.

Napahiga ako sa kama at napayakap sa sarili kong tuhod.

"K-Kuya Levi, bakit mo ba kasi ako iniwan!"

Siguro kung naandito sya, mas magaan ang nararamdaman ko kasi nasa tabi ko sya.

Hiring: UGLY Secretary (PUBLISHED under IMMAC)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon