Thirty Eight

8.7K 197 29
                                        

LEVI's POV

Everything happens so fast.

In just a blink of my eyes, Dad and Greg was pointing their gun on each other. Hahakbang sana ako papalapit ng hawakan ni Mommy ang kamay ko. Nilingon ko siya at na pinukol ng nagtatakang tanong pero umiling lamang siya.

"Paano ba iyan? Namiss kong barilin ka, pwede ba? Pero kahit humindi ka ay gaga--"

Hindi na natapos ni Greg ang sasabihin niya ng bigla siyang barilin ni Daddy sa hita dahilan para mapadaing at bahagyang mapaluhod ito.

"Why don't we turn the table, my dear bestfriend." Kitang-kita ko ang pagsilip ng malademonyong ngisi ni Daddy.

Bahagya pa akong napaatras dahil doon. Kahit kailan ay hindi ko pa nakitang maging ganito si Daddy. I mean, lagi siyang kalmado, seryos at minsan ay ngumingiti kaya nabibigla ako sa mga nakikita ko.

Nakita kong sumilip si Hanzel mula sa kwarto niya na nasa gilid lamang ni Greg.

Pumaltak si Greg at natatawang tumingin kay Daddy.

"You know what, hindi naman tayo aabot sa ganito kung binitawan mo si Yllana noon e."

Napakunot ang noo ko ng masali sa usapan si Mommy, napalingon din ako sa kanya ng bahagyang humigpit ang kapit niya sa braso ko. Matalim ang mga mata niyang nakatitig kay Greg.

"Greg, hindi mo talaga mapapabitaw ang isang tao sa taong mahal niya, lalo na't mahal ka rin ng mahal mo." May pagmamalaking sabi ni Daddy.

Bahagya kong inilibot ang tingin ko sa kabahayan. Alerto ang mga pinsan ko, hawak ang kani-kanilang armas. Masama din ang titig nila kay Greg na mas lalong nakapag-padagdag mg tensyon sa loob ng bahay.

"May asawa kang tao, Greg. Bakit kailangan mo pang sabihin iyan?" Sabi ni Mommy na kinalingon sa kanya ni Greg. Lumamlam ang mga mata nito, pero agad din iyong napalitan ng iritasyon.

"Asawa? Sino si Devonne?" Tumawa ito na para bang nakakatawa ang pagbanggit sa pangalan ng asawa niya. "Nakakatawa kayo. Hindi ko asawa ang babaeng iyon, ginamit ko lamang siya at alam mo Greg ang dahilan."

Para akong nabingi sa sinabi niya. Kahit papaano ay inalagaan kami ni Devonne Carter, kaya may kaunti akoong naramdamang awa sa kanya.

"She is nothing to me. I just used her." Pagkasabi niya noon ay pinaputok niya ang baril na hawak niya. Sa direksiyon ng dibdib ni Daddy.

Dalawang putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng bahay. Halos manlumo ako sa nakita ko.

H-Hindi, bakit...

Magkasunod silang bumagsak. Kahit si Daddy ay nagulat sa nangyari.

"H-Hanzel, dude. H'wag kang pipikit." Halos takasan ako ng hininga habang nakatingin sa kanya.

Iniharang ni Hanzel ang katawan niya kay Daddy. Nang tingnan ko si Greg Carter, dilat siya at nakatingin sa kawalan. Umaagos ang dugo sa ulo at bibig niya.

Tumingala ako para tingnan kung sino ang gumawa noon.

Lupaypay at iyak nang iyak si Devonne Carter. Nanginginig ang kamay niya at panay ang pagsabi ng 'I'm sorry!'

"Arg!" Napabalik ang tingin ko kay Hanzel. Hindi ko alam kung papaano niya nagawang maiharang ang katawan niya kahit nanghihina siya.

"T-Take..hah..ca..re of my b-babe. Pa..kisabi.ha..mahal na m-mahal ko siya."

"No! Hanzel don't you dare close your eyes." Pigil hininga kong sabi.

"Thank y-you...for...everyt..."

LUIGI's POV

Two hours had pass but the Operating Room still didn't swing open.

Kuya Lucius was walking back and forth. Ate Athena was sleeping on a chair, two seats away from me. Sabi ni Kuya Lucius, kailangan ni Ate Athena ng pahinga para sa kondisyon nito kaya pinatulog na niya ito. And yeah, pinayagan nila akong tawagin silang Ate at Kuya.

"Fvck! I forgot to call our family!" Kuya Lucius rub his palm on his face before he faces me. "Can you take care over them?"

Tumango lang ako bilang sagot. Teka!

"F-Family? Buhay ang pamilya niyo?"

"Well, buhay nga kami ni Athena so what do you expect. Anyways, I'll be back after 30 minutes, okay?"

"Okay!"

Malalaki ang hakbang niya ng umalis sa may Operating Room. Napatingin ako kay Ate Athena ng umungol ito at nasundan ng sunod-sunod na paghikbi.

"Ate!" Lumapit ako sa kanya at marahang tinapik-tapik ang pisngi niya pero tuloy-tuloy lang siya sa pag-iyak.

Hinubat ko ang suot kong jacket at ipinatong ko sa katawan niya. Pinunasan ko ang pisngi niya pero sunod-sunod pa rin ang pagtulo ng luha niya. Ano kayang problema niya?

"Fvck this! Athena, get--- what happened?" Nilapitan niya si Athena at niyakap. "Shh, tahan na. Nandito lang si Kuya. Shh, tahan na."

Hindi ko alam kung anong meron kay Ate Athena, pero isa lang ang masasabi ko. Mukhang sobrang hirap ang dinanas niya at binabangungunot siya ng dahil sa pinagdaanang iyon.

"K-Kuya.."

"Shh, tahan na. Nandito lang ako."

Patuloy si Kuya Lucius sa pag-alo kay Ate Athena ng bigla bumukas ang pinto ng O.R. Mabilis na inilabas doon ang isang strecher na kinalalagyan ng walang malay na si  Luna. Mabilis itong itinakbo ng mga Nurse kaya napatayo na lang ako sa gulat.

"K-Kuya ako na munang makikibalita." Walang lingong sabi ko. Dinig ko pa rin ang pag-iyak ni Ate Athena kaya alam kong kailangan siya nito.

Mabilis akong sumunod sa mga doctor at nurse. Ipinasok yung strecher sa ICU. Ilang minuto rin bago lumabas ang doctor.

"K-Kamusta po si Luna?"

"She's fine, for now. Kailangan pa namin siyang obserbahan. May bago kasing gamot kaming itinurok sa kanya. That medicine can help to preserve her memories. We still do need to monitor the patients vitals and beats."

"K-Kelan siya magigising?"

"We can't say, Mr. Frey. She's under the comatose stage due to the operation process on her cerebellum."

Napatango-tango ako habang humihinga ng malalim. She's fine now, ang paggising na lang niya ang kailangan kong hintayin.

Hindi ko na napansing umalis ang doctor. Nakatitig lang ako sa bintana ng pinto ng ICU. Kitang-kita ko ang mga malalaking hose na nakakabit ka kanya.

May benda ang ulo niya at sobrang putla niya. Malayo sa itsura ng panget na sekretarya ko at sa magandang kababata ko. Ang mahinang matapang na Althea Luna Knight ang nakikita ko ngayon.

I wish I could be like her. I wish I can conquer my fear too.

--

Subukan kong makapag-update as soon as possible. Sorry talaga natagalan.

P.S: Malapit na...

Hiring: UGLY Secretary (PUBLISHED under IMMAC)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon