Thirty Six

8.9K 232 31
                                    

A/n: Penge po akong comment at votes please.

LUNA's POV

"Al, bilisan mo!"

Hawak-hawak ni Luigi ang kanang kamay ko gamit ang kaliwang kamay nya. Umiiyak ako habang tumatakbo.

Halo-halo ang nararamdaman ko. Takot, kaba, at ang sakit ng ulo ko.

Sunod-sunod na putok ng baril ang naririnig ko. Pumasok kami sa isang eskinita at doon nagtago. Binitawan ni Luigi ang kamay ko at ikinasa ang baril na hawak nya.

"Al, dito ka lang ha. Babalikan kita."

"L-Luigi, natatakot ako!"

"Please, Luna. Don't be. Babalikan kita, okay? Dito ka lang." Hinalikan nya ako sa noo at hinaplos sa pisngi.

Nginitian nya ako bago sya umalis sa pinagtataguan namin. Iniayos ko ang hospital gown na suot ko bago naupo sa gilid ng mga nakatambak nakahon. Niyakap ko ang tuhod ko at doon iniiyak ang takot, kaba at sakit na nararamdaman ko.

Kamusta na kaya si Luigi? Si Lolo Lye kaya, nagamot na kaya ang sugat nya? Yung babae at lalaki kaya, asan na sila?

Hindi ko alam ang eksaktong nangyayari, pero isa lang ang malinaw sa akin. Nasa panganib ako at sinusubukan nila akong protektahan.

Ipinikit ko ang mga mata kong nagsisimula na uling manlabo. Pilit  kong kinakalma ang sarili ko kasabay ng pag-alala kung papaano kami napunta dito.

FLASHBACK

"Doc, the patient is ready for the test." Sabi noong nurse sa Doctor ko.

"Ms. Luna, please calm yourself we'll be doing some test on you so do---"

Hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng walang pasabing pumasok iyong lalaki. May hawak syang baril at kasunod din nya iyong babae. Nakaakbay si Lolo Lye sa kanya at kay Mr. Apollo. Dumudugo ang tagiliran ng matanda.

"Sir, bawal po kayo dito!" Pigil sa kanila ng nurse pero hindi nila ito pinansin. Lumapit sya sa akin at tinanggal ang dextrose ko.

"Get up, Althea. We need to get out of here." Sabi nya at walang kahirap-hirap akong iniupo sa kama.

"Sir, sandali lang po." Pigil ng doctor habang sinusuotan ako noong lalaki ng sandals.

"Anong nangyayari?" Takang tanong ko.

Binuhat nya ako at inilabas sa kwarto ko sa hospital. Sa may Fire Exit kami pumunta kasunod namin iyong babae. Parehas silang may hawak na baril.

"Asaan si Lolo? Anong nangyayari?"

Hindi ako nakakuha ng sagot galing sa kanila. Ibinaba ako noong lalaki at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Listen!" Huminga ng malalim iyong lalaki. "Run as fast and far as you can. Luigi will run away with you. Please be safe, my angel. I can't afford if I will lose you again."

Niyakap nya ako at hinalikan sa noo. Nilapitan ako noong babae. Niyakap nya din ako at hinalikan sa pisngi.

"See you again, angel dear."

"A-Ano bang nangyayari?"

"Sige na, Luigi. Tumakbo na kayo." Sabi noong lalaki habang nakatingin sa likod ko. Lumingon ako sa likod at doon ko nakita si Luigi may hawak din syang baril. Muli kong nilingon iyong babae at lalaki.

Nginitian nila ako at nagulat ako sa susunod nilang ginawa.

Sabay nilang tinanggal ang sunglasses nila at muli akong nginitian.

"See you again, my angel!" Sabi noong lalaki bago ako hatakin ni Luigi paalis.

Muli ko silang nilingon pero wala na sila sa pwesto nila. Sunod-sunod na putok ng baril ang mga narinig ko.

END OF FLASHBACK

Pinunasan ko ang pisngi ko at napatingala. Saktong pagtingin ko sa langit ay tumama ang mga mata  ko sa kulay emerald na bituin.

Napapikit ako at sa pagpikit kong iyon, muli kong nakita ang mga mata noong babae at lalaking iyon.

"T-Tulad kami ng mata." Napangiti ako.

Pero agad din iyong napawi nang marinig ko ang mga yabag na papalapit sa pinagtataguan ko. Hindi ako gumalaw.

Damn! Kumikirot ang ulo ko. Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ko ang pagdaing ko. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko.

Habang tumatagal ay papalakas nang papalakas ang yabag, ibig sabihin ay papalapit na ng papalapit ang maykanya ng mga yabag na iyon.

Napapikit na lang ako at tahimik na nagdasal na sana, sana ay hindi nila ako makita.

"Ahhh!" Tili ko ng biglang may humablot sa akin patayo.

"I already caught the target."

Agad akong sinakluban ng takot sa narinig ko. Hindi pamilyar sa akin ang tinig nya kaya isa lang ang ibig sabihin nito.

"Get the car now. We'll going to get what Mr. Carter want." Sabi uli nang may hawak sa akin.

Nag-pumiglas ako mula sa malalaking bisig nya pero isang suntok sa sikmura ang natanggap ko mula sa kanya. Agad akong nanlambot dahil doon. Nakadoble pa sa sakit ng ulo na nararamdaman ko.

"Get the car, now!" Utos nya uli sa kasama nya.

Dumoble ang sakit na nararamdaman ko.

Ramdam ko pa ang pagtigil ng isang kotse sa harapan namin. Binuhat ako ng lalaki at ipinasok sa kotse. Hindi pa nya naisasara ng maayos ang kotse  nang makarinig ako ng tatlong magkakasunod na putok ng baril.

Pilit kong inaaninag ang nangyayari.

Kahit malabo, nakita kong nakahandusay na sa kalsada yung lalaking dumampot sa akin kanina.

Mas lalong bumibigat ang talukap ng mata ko pero pilit ko iyong nilalabanan.

Dalawang tao ang naaninag kong lumapit sa kotse. Their emerald eyes that nailed on me was shinning whenever the police car's light passes.

"Althea, my angel!" Dinig kong sabi noong lalaki. "Althea, please hold on, n-nandito na si Kuya. Bumalik na si Kuya. Kasama ko pa si Ate."

Tinitigan ko sila.

Pero hindi ko mahalukay sa utak ko kung sino talaga sila. Hindi kaya sila sina...

Lucius Aldrix at Athena Lynx na kapatid ko daw? Pero patay na sila papaanong magiging sila ang mga iyon?

--

Hiring: UGLY Secretary (PUBLISHED under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon