Eight

21.2K 326 2
                                    

LUNA's POV

Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Hanzel.

"B-Babe? Okay ka lang?" Mahinang tanong ni Hanzel. Nilingon ko siya at pinunasan ang luha ko.

"Ahm, Hanzel, babe. Aalis muna ako. B-Babalik din ako agad."

Agad humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "No please, babe. Stay here, please."

Huminga ako nang malalim at sinulyapan sila Mommy, Daddy at ang mag-kapatid na Frey. Nakita ko pang lumabas si Boss. Si Luis naman ay nakatingin lang sa'kin.

"Okay, b-bibili lang ako ng tubig. I need to calm down. I'll be back, okay?"

He squeezed my hand and slightly nodded his head. "Please be back. I will wait for you here."

Hinalikan ko siya sa pisngi bago nakayukong umalis. Lalagpasan ko na sana si Mommy ng hulihin niya ang braso ko. "Althea, talk to us please."

Nilingon ko si Hanzel. Nginitian niya lang ako at tumango.

"O-Okay po. Sa labas na lang po tayo." Tinanggal ko na ang kamay niya sa braso ko at naunang umalis.

Ano ba kasing ginagawa nila roon? At saka, bakit kasama pa nila sila Boss at si Luis?

Pumunta ako sa labas ng hospital. Sa kabilang side ng daan ay may Cafe roon. Lumingon ako sa likod at nakita kong nakasunod sa'kin sila Mom at Dad.

Dumiretso na ako roon sa Cafe at nag-hanap ng mapu-p'westuhan.

Nakita ko ang isang pwestong malapit sa may glass wall. Pang-apatan iyon kaya roon na lang ako umupo. Umorder na rin ako ng juice na agad nilang sinerve bago pa makaupo sila Mom at Dad. Uminom muna ako bago sila sinulyapan.

"Where have you been, Althea? Ang tagal mong nawala." Mom starts the conversation.

"Have you forgotten, Mom. Pinalayas niyo 'ko!" Ramdam ko na may bahid ng iritasyon ang mahina kong boses.

"I'm sorry, princess. Please umuwi ka na sa bahay." Dad begs.

My tears are now starting to fall. Agad akong tumingala para pigilan iyon sa patuloy na pag-tulo.

"Alam niyo, Mom, Dad. If I had a chance to choose where my life would be, I would choose the one where I am now. Iyong simple lang at pinaghi-hirapan ang lahat ng bagay. Iyong kahit sino, walang huhusga kung sino iyong pipiliin mong mahalin." Tumingin ako sa kanila. Dad gritted his teeth and Mom avoided my gaze. "You know what, wala namang problema kay Hanzel, e. Okay kami. Mahal namin ang isa't-isa. Kaibigan niyo pa ang mga magulang niya. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ayaw niyo sa kan'ya?"

"Dahil mamamatay na siya." Dad answer straightly.

Napaawang ang bibig ko at sunod-sunod na namang tumulo ang luha ko. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang paghikbi.

Bakit ganito si Daddy?

"Mamamatay na siya at maiiwan ka niyang umiiyak kaya ayoko sa kanya." He added.

Napayuko ako. Naiintindihan ko siya and I am touched that he's thinking of me. Pero, hindi ko pa rin tanggap.

"Bakit ka ganoon, Dad? Hindi naman niya ginusto na magkaroon ng sakit na gano'n. Handa naman akong alagaan siya."

He cursed and held my hand. "Hindi kita pinag-aral sa maganda at mamahaling paaralan para lang mag-alaga ng isang sakiting lalaki, Althea."

Napahikbi na ako nang tuluyan. Tiningnan ko si Mommy pero nakayuko lang siya at tahimik.

"You deserve someone better, Althea. And Hanzel is not in the list of a better man." Mom said

Napapailing na lang ako. "He is, Mom, Dad. He is a better man. A better person compare to the both of you."

Hiring: UGLY Secretary (PUBLISHED under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon