Kabanata: XIII Bulawan

4.9K 217 7
                                    

Maaga kaming gumayak ni andula dahil inaabangan namin ang mga chinese na pupunta dito sa pangpang upang makipag kalakalan, hanggang hatinggabi hindi tumigil si Andula sa pag iyak dahil sa nangyari pero ipinaliwanag ko naman sa kanya na hindi ganon iyo. Wala akong balak paslangin ang aking sarili, hindi ko pa naman masyadong kinamumuhian ang mundo. Nagdala ako ng ilang ginto para pambayad sa mga kagamitan na gusto kong bilhin, ilang sandali pa auy hindi nga kami nagkakamali ni Andula, ilang minuto lang sa pag hihintay ay agad kaming nakakita ng barko sinasakyan ng mga insek na papunta rito. At ilang saglit pa ay nakarating na agad ito sa pangpang sa dagat, maraming kaagad ang nagkakagulo. Si andula lang ang dala ko na uripon at wala ng iba hindi katulad sa iba kong napapansin na maharlika may mga tig dalawang dala silang uripon upang mag buhat sa kanilang kagamitan.

Nasa ika pangalawa kami ni Andula sa pila, may nakita naman akong tagasalin ng salita upang mas mabilis ang kalakalan. Hindi naman nag tagal ang nauna at kaagad kaming sumunod.

"Magandang umaga Bae Arami..." Nagulat ako dahil tinawag niya ang pangalan ni Arami, kung gayon ay kilala niya si Arami. Marahil ay madalas si Arami mamili sa mga mangangalakal, binati ko naman ito pabalik.

"Ano ang nais niyong bilhin?" Tanong ng tagasalin.

"Maari bang bigyan niyo ako ng isang salamin? Isang kasuotan na rin." Wika ko, sinalin naman niya kaagad ang aking sinabi. Ilang sandali pa ay may pinakita sa akin ang mangangalakal ng iba't ibang klase ng tela, kaagad ko namang pinag pilian ang mga iyon. Napa tingin ako kay Andula sabay tinignan kong maari ba iyon sa kanya, nagtataka naman siya pero ngumiti lamang ako.

"Maari ko bang kunin ito?" Tanong ko, tumango ang naturang tagasalin, at ang insek. May nakita akong isang magandang kulay pulang tela na maaaring gawing isang putong, kinuha ko naman iyon. Nag dalawang isip ako ngunit kinuha ko naman iyon, nagawa ko pang makipag tawadan sa naturang insek at naka tawad ako ng ilang ginto. Hindi naman makapaniwala si Andula, nadagdagan din ang aking mga pinamili ng ilang ointment.

"Paano niyo iyon nagawa Bae Arami? Hindi ako makapaniwala!" Manghang saad niya.

"Kailangan mo lang ng tamang diskarte Andula." Wika ko sa kanya at tinapik tapik ang kanyang balikat. Nag patuloy kami sa paglalakad, maya maya pa ay nakasalubong namin si Makisig. Nag tama ang aming paningin, oo nga pala at niligtas niya ako kagabi. Labis ang pasasalamat sa kanya ni Andula pero hindi ko magawa, hindi ko naman kasi kailangan ng tulong niya. Ang ibig kong sabihin ay wala naman talaga akong balak magpakamatay, atsaka malay mo talagang nakabalik ako sa kasalukuyan tapos nasira niya lang. Napa buntong hininga ako, at nag iwas ng tingin.

"Hindi mo ba babatiin ang Ginoo, bae?" Tanong ni Andula pero napa iling na lamang ako. Nakarating kami sa balay at kaagad akong napa higa sa kama, niyakap ko ang unan at napa pikit. Maya maya pa ay naaalala ko ang binili kong damit kanina, kaagad kong kinuha iyon sabay binigay kay Andula.

"Para sayo iyan, paumanhin sa aking ginawa kagabi at labis kitang pinag aalala." Wika ko, napa kurap naman ng ilang beses si Andula.

"Bae Arami hindi ko po ito matatanggap!" Wika niya, tinaasan ko siya ng kilay.

"Isa itong kautusan." Wika ko sa kanya, napa kagat labi naman siya at tinanggap ang binibigay ko. Maya maya pa ay muli ko nanamang nakita ang pagtulo ng kanyang mata, napa iling iling na na lang ako at bumalik sa pag nakahiga.

"Oo nga pala, hindi ba nag papa alam ka sa akin na dumalo sa isang kasiyahan? Maari ba akong sumama?"

"Nais niyong sumama sa kasiyahan Bae?" Tanong niya na gulat na gulat, tumango ako.

"Bawal ba?" Tanong ko, umiling iling siya.

"Ayon naman pala ey, walang problema!" Wika ko, napa tingin ako sa pulang tela na aking binili. Nais ko itong ibigay kay Makisig upang mag pasalamat, ngunit huwag na lang.

Arg! Hindi ko alam!

Sa huli ay napag pasyahan kong tumayo sa aking kinahihigaan at sabay nag lakad papalabas ng balay. Nag lakad ako papunta kay Makisig na nakita kong nag e ensayo sa pakikipag laban, mabilis akong lumapit sa kanya. Pinag tinginan naman ako ng mga timawa pero wala akong paki alam.

"Maari ba kitang maka usap?" Tanong ko sa kanya, napa kunot noo naman siya ngunit kaagad namang iniligpit ang kanyang kampilan.

Dinala niya ako sa loob ng isang balay, umupo ako sa sala. Maya maya pa ay may dumating na isang uripon may dala dalang inumin, kaagad naman akong sinalinan ni Makisig.

"Ano ang iyong kailangan?" Tanong niya sa akin, napa buntong hininga naman ako.

"Maraming salamat sa iyong ginawa, isa iyong malaking utang na loob." Nilabas ko naman ang dala dala kong putong, nilapag ko iyon sa lamesa.

"Tanggapin mo iyon para sa aking pasasalamat." Wika ko, napa kagat labi naman ako sabay tumayo.

"Iyon lamang ginoo, maraming salamat at mauna na ako sa iyo." Wika ko sa kanya, bahangya pa akong yumuko. Akmang lalabas na ako sa kanyang pintuan ng bigla na lamang siyang nag salita, kaagad naman akong napa hinto.

"Kulang pa ito bilang kabayaran." Wika niya, napa kurap naman ako ng ilang beses. Nagulat ako dahil bigla siyang lumapit sa akin, at hinapit ang aking bewang.

Sa isang iglap lamang ay lumapat ang kanyang labi sa aking leeg, at maya maya ay naramdaman ko ang pag sipsip niya sa aking balat. Nanlaki ang aking mata sa kanyang ginawa, napa igting ako at sabay tinulak siya pero mas lalo niya pang hinigpitan ang pag hawak sa aking bewang. Ilang beses kong pinukpok ang balikat niya pero hindi pa rin niya akong binitawan. Tila lalong lumalakas ang dalon ng eletrisidad sa aking buong katawan, tila unti unti niyang binabawi ang aking lakas. Hindi ako maka paniwala.

Ilang sandali pa ay tila nanghihina ako sa kanyang ginawa, napa upo ako sa sahig at masama ang tingin sa kanya. Bigla naman niya akong binuhat sabay nag lakad palabas, dinala niya ako pabalik sa balay at laking gulat ni Andula ng nakita kaming dalawa.

Napa kagat labi ako, at napa kuyom ng kamao. Unti unti akong nilapag ni Makisig sa aking kama, at seryosong naka tingin sa akin.

"Akin ka lang Arami, walang maaring mag mamay ari sa iyo kundi ako." Anas ni Makisig, mas lalo akong napa kunot noo dahil wala siyang karapatan na angkinin ako. Napa kuyom ako sa aking kamao, marami akong kilalang katulad niya.

Mataas ang tingin sa sarili na akala nila pag mamay ari nila ang lahat, at maari nilang maging pag mamay ari ang nais nila. Ang mga taong pinaka iinisan ko sa lahat.

Way Back To 1500s (v.01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon