Amirah's POVNasa silid na ako ngayon, silid ng isang uripon na kagaya ko. Hindi naman ito kaliitan at hindi din naman ito kalakihan, sakto lamang sa akin at sobra pa.
Gabi na at ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko ang mapagod, pagod na akong mag isip, pag na akong umiyak, pagod na akong alalahanin ang nangyari, at pagod na pagod na akong hilingin sa taas na sana ay masamang panaginip na lamang ito.
Napa buntong hininga ako, sobrang sakit ng likod ko at wala na akong magawa kundi ang indahin iyon, wala na akong uripon na pag uutosan na gumawa nun sa akin, ang pag masahe nito.
Mahina kong pinukpok ang aking sarili. Gusto ko nang sumuko, parang gusto na lamang na mawala na parang bula pero alam kung hindi ko ito dapat iwasan. Ayokong mamatay o bumalik sa totong mundo ng walang ginagawa, ng hindi ko pinag babayad ang may sala.
Nag iisang lampara lamang ang nag sisilbing ilaw ko sa gabi, at tinitignan ko sa bintana ang buwan.
Narito ako nag iisa walang kasama. Hindi ko mapigilang umiyak ng lihim, crying in the silent ways is thr most painful one.
Sana kasama ko ang aking ina, para naman kahit papaano ay may kasama ako. Wala na akong pinag sasandalan sa aking sarili kundo sarili ko lamang.
Sa aking pag titig sa buwan, tila nakikita ang masasaya naming ala-ala na naipon namin ni datu lipayon. Nakikita ko ang naka ngiti niyang mukha at sinasabing mahal kita anak, sana patawarin mo kami sa aming ginawa.
Pilit kong pinapatahan ang aking sarili pero diko magawa, paulit ulit na bumabalik sa isip ko ang mga nangyari.
May narinig akong isang kaloskos ng at yapak ng tao papunta sa aking silid kaya naman ay agad kong pinunasan ang aking mata at tinignan kung sino iyon.
Hindi nga ako nag kamali, nakita ko ang isang uripon na katulad ko.
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya.
"Pinapatawag ka ni ginoong maisog sa labas." Saad nito sa akin, kaya napa kunot noo naman ako. Mag tatanong pa sana ako sa uripon ng nakita ko na nag lalakad na ito palayo sa akin.
Kaya naman ay wala akong ibang choice kundi ang sundin ang sinabi niya. Hindi man lang niya sinabi kung saan si ginoong maisog, sabi niya sa labas daw kaya baka nasa labas ito.
Ano naman kaya ang nais niyang iutos sa ganitong oras ng gabi. Tumayo ako sa pag kakaupo ko sa sahig at nag simula nang maglakad palabas ng aking silid.
Agad naman akong naka rating sa labas at nilibot ko ang aking paningin, wala akong makitang maisog. Wala akong oras sa pag loloko, niloloko ba ako ng isang uripong iyon?
"Ginoo, ginoo." pag hahanap ko sa kanya, pero wala paring sumagot kaya naman ay napa napa buntong hininga na lamang ako.
Nilanghap ko ang preskong hangin na nang gagaling sa labas. Wala akong nakikitang maisog kaya naman napag pasyahan kona lumisan na lamang.
BINABASA MO ANG
Way Back To 1500s (v.01)
Narrativa StoricaShe will do everything to be back from where she is from, but will she be able to risk everything? Nag lakbay labalik si Amira sa taong hindi niya aakalain, after figuring out where the hell she is. She finally realize that she's not in the present...