May mga utang na kahit anong takbo at pag tago natin ay kailangan pag bayaran, malaki ang utang na loob ko sa taong nag aruga at tumanggap sa akin ng buo. Hindi siya nagkulang sa pag paparamdam sa akin kung ano nga ba ang pagmamahal, kung ano nga ba ang pag papahalaga. Ang mundo kong walang buhay ay binigyan niya ng kulay at binigyan niya ako ng bagong pag asa. Naging sandigan ko siya sa masalimuot 'kong mundo, at hindi ako nagsisisi na makilala ang isang katulad niya. Mahigit apat na taon na ang nakalipas simula nung mawala ang taong iyon, apat na taon na ang lumipas nang makarating sa akin ang masamang balita na tuluyan na siyang inagaw ng mundo sa akin at kahit sa huling pagkakataon ay hindi ko siya makikita pa.Kasabay ng kanyang pagkawala, ay naiwan sa akin ang malaking halaga na kanyang pagkakautang at hanggang ngayon sa kasalukuyan ay aking binag babayaran. May kumatok na lamang sa aking pintuan at may dala dalang isang kasulatan at kasunduan Sinasabing sa akin hinabilin ang malaking halaga ng kanyang pagkakautang, at upang mabayaran iyon ay kailangan kong pumasok sa loob ng arena at lumaban. Sa unang taon ay labis akong nahirapan, hindi ko alam kung paano ako makaka bangon at makaka uwing may buhay.
Labis na nasisiyahan ang mga taong nasa underground na makita akong sugatan at duguan, hindi ko mabilang ang buto na nabali sa aking katawan. Gusto kong sumuko, ngunit hindi ko magawa. Ang maging buhay ang tanging paraan upang mabayaran ko ang malaking utang na loob ko sa kanya, kung kaya kahit nais kong sumuko ay hindi ko magawa.
Bigla ko na lamang naalala ang singsing na aking natanggap kahapon, kinuha ko iyon at humiga sa aking kamay. Sinuri ko ng maigi ang singsing, may disenyo itong tila isang ahas sa harapan, hindi ko maintindihan. Sinuot ko naman iyon sa aking daliri at kasyang kasya ito sa akin, na tila ginawa ito upang aking suotin.
Pumasok ako sa loob ng library ng tahimik, nabalitaan kong hindi pumasok ang aming guro kung kaya naman ay mas pinili ko na lamang na bisitahin ang library at magbasa ng libro tungkol sa medisina. Pangarap kong maging isang doktor balang araw, hindi ko maalala kung kailan ko ninais ang propesyong iyon ngunit nagising na lamang ako isang araw na iyon ang nais 'kong makamit sa buhay.
Habang sinusuyod ko ang shelves ay may narinig akong usapan, kinuha ko ang isang libro na naka agaw sa aking paningin sabay binuklat iyon. Tungkol iyon sa mga iba't ibang halamang gamot, hindi ko alam na may mga ganito palang libro rito. Natagpuan ko ang sarili ko na binabasa iyon, bigla akong nag karoon ng interes.
"So ito na nga, mag research daw kami tungkol sa pre colonial sabi ng guro namin. Hindi ko ba alam kung bakit kailangan pa natin itackled ang prehistoric era." Napa lingon ako sa babaeng nagsasalita.
"Sira, mahalaga kaya iyon. Huwag mong minamaliit ang mga katutubo natin." Anas ng kaibigan niya. Nag patuloy lang ako sa pagbabasa.
"Malaki kaya utang na loob natin sa kanila, walang lahing pilipino kung wala sila 'no" Dagdag pa ng isa, hindi ko na lamang pinansin ang dalawa at napag pasyahan na mag hanap ng pwesto upang magpatuloy sa pagbabasa. Nakaraan ang dalawang oras, at hindi ko namalayan na nalunod na ako sa aking binabasa.
Naputol lamang iyon ng bigla na lamang tumunog ang aking telepono na nakapatong sa lamesa, kaagad kong naramdaman ang titig ng kapwa ko estudyante sa akin. Kung kaya naman ay wala akong choice kundu sagutin iyon, at sabay lumabas sa library. Tinignan ko ang tawag at walang iba iyon kundi si Mr. Chu, napa buntong hininga na lamang ako at kaagad na sinagot iyon. Ano nanaman kaya ang kailangan ng insek na ito at may araw pa lang tumatawag na.
"Ano ang kailangan mo?" Deretsahang tanong ko rito, wala ng paligoy ligoy pa.
"Gusto ko lang ipaalam sa iyo na alas diyes ang iyong laban ngayong gabi, huwag mo sana akong biguin Amira." Napa irap naman ako.
"Huwag kang mag alala boss, hindi ako katulad mo." Anas ko sabay pinatayan ito ng tawag, hindi na umaabot ng isang milyon ang utang na dapat kong pagbayaran sa kanya at panigurado akong susulitin niya ang pagkakataon na gawin lahat ang nais niya upang mapakinabangan ako. Hindi niya magawang kunin ang pinaka nais niya sa akin kung kaya ganon na lamang ang pagpapahirap na binibigay ng matandang iyon upang bigyan ako ng leksyon, mas gugustuhin ko pang mamatay kesa ang ibenta ang aking katawan.
BINABASA MO ANG
Way Back To 1500s (v.01)
Ficción históricaShe will do everything to be back from where she is from, but will she be able to risk everything? Nag lakbay labalik si Amira sa taong hindi niya aakalain, after figuring out where the hell she is. She finally realize that she's not in the present...