Amira's POV
Wala akong magawa kundi ang umuwi na lang sa balay namin. Nakaka inis naman talaga oh! Hindi mo maimagine ang mga nasa utak ng lalaking iyon. Baka ano anong isipin niya ey hindi naman talaga ako ang naninilip sa kanya.
"Oh? Mahal na arami? Bakit ang bilis mo atang naka balik? Hindi kaba naligo?" pag salubong ng tanong sa akin ni andula. Napa simangot na lang ako at binigay sa kanya ang basket na may lamang abon.
"May naliligo doon. Ayokong maligo nang may kasabay." Saad ko sa kanya. Tinangap naman niya ang basket at sumunod sa akin.
"Ngunit bakit ayaw niyo? Sino po ba iyon?" tanong ni ulit kaya nilingon ko siya.
"Naku andula, hindi ka makakapaniwala sa aking sasabihin. Alam mo bang naligo si maisog doon sa ilog? Tapos habang papalapit ako doon. Nakita kong may dalaga na naka tago sa bato pinapanood si tiyo maisog na maligo. Ang buong akala ko si marikit iyon. Tapos hindi pala, isang babaeng may takip ang mukha at tanging mata niya lang ang makikita mo. Tapos bigla itong tumakbo. Pinag kamalan pa naman ako ni tiyo maisog na ako daw ang nanonood habang naliligo siya! Eh hindi naman ako iyon ey! Tumakas lang iyong babae!" inis na reklamo ko sa kanya. Nanahimik lang siya habang napa kurap kurap sa akin. Ang bilis ko kasing mag salita.
Tumalikod na lang ako at tuloyan nang pumasok sa aming balay. Seriously? Bakit ko kailangang maipit sa mga bagay bagay?
Dumeretso ako sa aking silid at doon ay nakita ko ang aking kama. Agad ko itong nilapitan at doon humiga.
"I hate this life." Saad ko sa aking sarili. Inamoy ko ang aking kili kili at napa sign relief ako dahil di pa naman ako amoy araw. Mabuti na lang talaga.
"Mahal na arami, inaanyayahan pala po kayo ng mahal na hara, nais niya po kayong dumalo sa isang piging mamayang gabi." napa kunot naman ako sa sinaad niya sabay umupo ako.
"Ano? Bakit? Anong meron?" tanong ko sa kanya, nakibit balikat lamang siya sa akin.
"Paumanhin mahal na arami, ngunit hindi ko po alam kung anong dahilan ng piging." Saad niya, kaya napa tango na lang ako. Sumimangot na lang uli ako.
"Hindi ko nais na pumunta, wala akong gana." saad ko sa kanya. Hindi koba alam pero gusto kong iwasan ang lalaking iyon. Baka kung ano pa ang sabihin niya ey. Pero napa isip ako bigla, baka pupunta ang babaeng iyon sa piging. Marahil ay pupunta iyon dahil mukhang isa itong maharlika. Hindi malabong inbitahan ito ng hara.
Nilingon ko si andula na naka upo lamang sa sahig na nasa baba ko.
"Nag bago na ang isip ko andula, nais ko nang dumalo sa piging. Ipag handa mo ako ng maisusuot." Saad ko sa kanya, tumango naman siya at ngumiti sa akin.
Patay ka sa akin babae ka pag nakita kita.
****
Taas noo akong nag lalakad, bawat taong nakakita sa akin ay binabati ako ng magandang gabi kaya napapangiti na lang talaga ako. Si andula ang may hawak ng ilaw habang ako naman ay tinataas ang damit ko para hindi sumagyad sa lupa. Nag papasalamat talaga ako at nang bumalik ako sa ilog kanina ay wala ng naka hubad na tao na naliligo doon. Hindi maaring pumunta ako sa isang piging na wala man lang ligo. Tulad nang parati kong ginagawa ko ay nag liptint ako tapos nag blush on na kaunti.
BINABASA MO ANG
Way Back To 1500s (v.01)
Historical FictionShe will do everything to be back from where she is from, but will she be able to risk everything? Nag lakbay labalik si Amira sa taong hindi niya aakalain, after figuring out where the hell she is. She finally realize that she's not in the present...