Amira's POV
Nilapag ko ang mangkot na gawa sa glass sa harap niya at isang kutsara na gawa sa kahoy. At dahil sa maharlika kami kay kakayahan kaming bumili ng mga gamit na made up of glasses. Naka lagay ito sa isang tray na gawa sa kahoy. Hula ko nasa mga alas dyes na ng umaga pero itong asawa ko wala pang balak na bumangon. Malakas parin ang hilik nito. Mga alas nuwebe ako gumising kaya napag isipan ko na pag ipagluto siya ng lugaw. Pang pawala kahit papaano ng hang over.
Hindi ko ba alam pero nag aalala ako sa lalaking ito. Tsk! Kung hindi lang talaga ako mabait naku.
Pagkatapos kong ilapag ang tray ay agad akong lumapit sa kanya para gisingin siya. Hindi maikaka ila na may mga saplot ang bana ko dito sa bahay dahik bahay niya din ito. Kaya naman hindi kona kailangan ng mag utos samga uripon para kumuha ng mga ito. Binihisan ko na din si makisig of course sa pang taas lang hindi sa pang ibaba.
Napa ngisi ako sa kapilyahang naisip ko. Hindi ako pinatulog nito kagabi kaya naman ay pinisil ko ang kanyang ilong at tinakpan ko ang kanyang bibig. Tignan natin kung hindi kapa magising.
Gaya ng inaasahan ko, ilang saglit lang ay agad na inumulat niya ang kanyang mga mata at agad na tinulak ang kamay ko. Hingal na hingal naman itong napa upo sa sahig. Hinahabol niya parin ang kanyang hininga.
I flipped my hair.
Serves him right.
Inis itong nilingon ako. Pero ako naka taas kilay lang at naka cross arm pa.
"May balak kabang ako'y paslangin?!" inis na saad niya.
"Hindi naman, pero puwede din. Ang hirap mo kasing gisingin ginoo. Mataas na ang sikat ng haring araw oh at ito naka hilata ka parin." Ani ko sa kanya, napa sapo naman ito sa kanyang noo.
Umupo ako sa harap niya at hinila ang pagkaing dala ko.
"Ayan, inom kapa kasi. Hay naku pero di ko naman ikaw masisisi. Ngunit sana naman sa susunod na iinum ka huwag kang hihilata kung saan saan lang. Isa ka pa namang ginoo." Ani ko sa kanya, sapo sapo parin niya ang kanyang ulo.
Napa buntong hininga naman ako. At tumayo sabay pumunta sa likod niya at doon lumuhod sa sahig sa likod niya.
"Hayst! Ako na nga." sabi ko at kinuha ko ang kamay niya na nasa noo niya at sinapo ko ang noo niya galing sa likod. Hinilot ko iyon ng maigi.
"Kung hindi lang ako naaawa sayo. Tsk! Nakaka awa ka talaga ginoo. Bakit hindi ka na lang lumimot ng tuloyan? Iwasan mo siya upang kahit papaano ay maka limot ka. Para naman hindi araw't gabi ka na nasa balay aliwan. Hindi kaba natatakot? May nag babanta sa buhay mo. Ayoko namang mabalo ng maaga." Irap ko sa kawalan habang hinihilot parin ang kanyang ulo. Hindi naman ito umimik, kaya nag patuloy ako sa pag sasalita.
"Ano? Masakit paba ang iyong ulo ginoo? Mabuti nang kainin mo ang hinanda kong pagkain upang kahit papaano ay mawala ang sakit mo sa ulo." ani ko sa kanya. Natigilan ako dahil sa pananahimik niya. Kaya naman ay sinipit ko ang kanyang magkabilaang pisngi gamit ng aking palad at mahinang hinila iyon para maka lingon sa akin.
BINABASA MO ANG
Way Back To 1500s (v.01)
Historical FictionShe will do everything to be back from where she is from, but will she be able to risk everything? Nag lakbay labalik si Amira sa taong hindi niya aakalain, after figuring out where the hell she is. She finally realize that she's not in the present...