Third Person's POV
SINALINAN ng uripon ang punong babaylan ng isang inumin na galing sa mga mangangalakal ng tsina. Pinag masdan niya ang pag lisan ni marikit sa kanyang naturang silid.
Nang naka labas na si marikit ay nakita niya ang pag pasok ng isa sa tapat niyang kakampi, isa itong timawa. Naging timawa ito sa kanyang tulong, ito ang kanyang taga masid at naka bigay sa kanya ng mga kaalaman na kanyang nararapat na malaman.
"Isang pag bati ng magandang gabi punong babaylan." saad nito sa kanya, tumango na lamang ang punong babaylan.
"Magandang gabi rin, anong balita sa ginoong makisig? Tiyak naba ang kamatayan nito?" tanong niya rito.
"Sa aking palagay punong babaylan ay wala nang hadlang sa iyong nais. Nagawa ng maayos ng datu ang kanyang nararapat nitong gawin." saad ng timawa, napa ngiti naman ang punong babaylan.
"Mabuti, halika at salohan moko sa aking pag inum, kailangan nating mag diwang dahil malapit na ang aking tagumpay." saad ng punong babaylan, agad namang lumapit ang naturang timawa sa punong babaylan upang salohan ito.
"Punong babaylan, tungkol kay marikit. Hindi kaba natatakot sa maari niyang gawin? Batid mong labis nitong iniibig si makisig, paano kung malaman nito na ikaw ang mag papaslang sa naturang iniibig niya at hindi si arami?"
"Hindi niya malalaman, at kung malalaman man niya ay huli na ang lahat. Hindi ko siya kinakatakutan, dahil kilala ko na si marikit, alam kona ang takbo ng utak nito. Madali ko lamang siyang mapatumba pag kakalabanin niya ako, ang nilalang na may labis ang pag hangad sa buhay ay madali lamang hanapan ng kahinaan. Isa lang naman ang mahigpit kong kalaban at iyon ay walang iba kundi si arami, may mabuti itong hangarin sa buhay at iyon ay mahirap kalaban. Dahil kapang ang isang tao ay may mabuting hangarin mahirap itong mahanap ng kahinaan, dahil ang kahinaan nito ang kanilang kalakasan." mahabanng litana ng punong babaylan, napa tango naman ang timawa.
"At kailangan kong pag handaan ang kanyang pag dating dahil hindi ko batid kung anong dala dala niyang suliranin."
*********
NAPA buga nga hangin si amira nang nakalayo na sila sa banwa ng datu tumang, hindi nila inaasahang may ganoong balak pala ang punong babaylan. Hindi parin siya makapaniwala sa mga nangyayari, mabigat parin ang kanyang puso dahil sa pagkamatay ni makisig. Tanging buwan ang nag sisilbi nilang liwanag sa madalim sa gitna ng karagatan at ang hawak hawak ang sulo.
Nais niya na lamang lunurin ang sarili dahil sa sakit ng kanyang nararamdaman.
"Kailangan nating bumalik sa banwa ng rajah palihim, kailangan nating makausap ang aking ina upang isaad sa kanya ang ating natuklasan. Kailangan na nating gumawa ng hakbang upang magapi natin ang punong babaylan." saad ni maisog ngunit tila hindi ito marinig ni amira.
Naka kalagitnaan sila ng karagatan, habang nag sasagwan si maisog ay nakatulala naman si amira. Napa buntong hininga na lamang si maisog.
"Arami! Nakikinig kaba?" pag pupukaw ni maisog kay amira, agad namang napukaw ang diwa ni amira at bumalik sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Way Back To 1500s (v.01)
Ficción históricaShe will do everything to be back from where she is from, but will she be able to risk everything? Nag lakbay labalik si Amira sa taong hindi niya aakalain, after figuring out where the hell she is. She finally realize that she's not in the present...