Kabanata: LIV Ang handog

2.6K 77 8
                                    

              Third Person POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


              Third Person POV

MAG KASAMA si maisog at makisig na tahakin ang daan papuntang kanluran. Balak ni makisig na tahakin mag isa ang kanyang nais paroroonan ngunit nakita siya ni maisog at sumama siya kag makisig. Wala namang magawa si makisig dahil hindi naman din niya mapipigilan si maisog na sumama sa kanya.

Mabilis nilang narating ang kanluran at nakita nila kaagad ang kweba na sinasaad ng kanyang ina sa kanyang huling mensahe, wala silang inaksayang oras at agad na pinasok ito ng tahimik at dahan dahan.

Madilim ang paligid dahil walang liwanag ang nakakapasok rito mabuti na lamang at may mga solu na nasa paligid rito, marahil ay madalas ang punong babaylan sa lugar na ito.

Pinag patuloy nila ang pag pasok hanggang sa narating nila ang dulo nito, sa pag dating nila sa kweba ay natigilan si makisig sa kanyang nakita.

Nakita niyang naka handusay si marikit sa lupa, agad naman niyang nilapitan ito. Magulo na ang bawat sulok ng kweba, tila may matinding pag lalaban ang naganap rito.

Huli naba siya sa kanyang pag dating?

Lumapit siya kay marikit, may dugo sa bawat sulok ng labi nito.

"Marikit, marikit!" saad niya, dahan dahan namang inimulat ni marikit ang kanyang mga mata, at dahan dahang inangat ang kanyang kamay upang mahawakan ang pisngi ni makisig.

"B-uh-ha-ay k-ka-a...." nahihirapang saad nito sa kanya tumango naman si makisig.

"Oo marikit buhay ako, buhay ako. Kaya lumaban ka, dadalhin kita kay arami ipapagamot kita sa kanya. Lumaban ka." saad ni makisig, nakita naman niyang ngumiti si marikit habang tumutulo ang luha nito.

"N-ag-gag-gal-la-ak ako-ng-g mak-kit-ta kka a-ak-kin-n-g ir-rog-g, n-naga-agal-lak-k a-ak-kong m-mak-kit-ta ang-g pa-g-g a-al...ala m-mo s-sa a-akin. M-mas-saya a-ak-ko d-dahil b-buhay k-ka m-mak-kisig, mas-say ako at nas-silayan k-kita sa hu-ul-lin-ng pa-g-g k-kakatao-n n-ng a-k-king b-bu-hay." pilit na pag sasalita ni marikit, hirap na hirap na ito.

"G-ga-amot, a-rram-mi, p-pan-nga-anib, b-bab-ayl-la-an." huling saad nito bago unti unting pinikit ang mga mata at tuloyang binaba ang kanyang mga kamay.

"Marikit!"

"Marikit, marikit! Gumising ka! Marikit!" buong lakas na pag sigaw ni makisig, tumalo ang kanyang luha, kahit may pag aalitan ito parin ang matalik niyang kaibigan ito parin ang babaeng una niyang minahal. Tumulo ang luha ni makisig habang niyayakap ang walang buhay na katawan ni marikit.

"Pawatad, patawad." tanging saad niya na lamang.

Tinignan niya ang tinuro ni marikit at nakita niya ang isang maliit na banga, at pag tingin niya ay mga laman itong kung ano.

Marahil ito ang gamot na kinakailangan niya, ngunit bakit sinasaad niya si arami nanlaki ang kanyang mga mata.

"Maisog nasa panganib si arami!" saad niya kay maisog.

Way Back To 1500s (v.01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon