A/N: So First of all thank you thank you sa pag babasa nitong kwento kong, thank you kasi umabot sa last part na ito. Thank you for votes and comments na nilaan niya sa kwentong ito, na appreciate ko talaga lahat ng ito.
I hope you have learned some lesson to this story, kahit na pero ka ek ekan lang naman ito. Hindi ko parin akalaing naka abot ako sa huling part na ito, parang dati lang sinasabi ko sa sarili ko ma impossible na maka gawa ako ng kwentong ito salamat sa mga sumusubaybay, mahal na mahal ko kayo. Ayoko man na taposin ito pero ayoko nang dagdagan pa ang mga pasakit ni amira at ni makisig, don't cha worry mga dyosaa ko we will see you soon.
Sa ngayon let me finish a one book tapos babalik tayo sa book two nito. Yap! May book two po ito!
Jan 1 kopo ilalabas naks! Kasi po jan 1 ko din ito ginawa at ngayon natapos naaaa yehey!
Alam kong napaka cliche ng istorya kong ito kaya naman thank sa isang matyagang pag babasa.
Sending my virtual kiss and hugs to my dyos at dyosasss.
Mahal kopo kayo! Hanggang sa muli.
By the way add me on fb.
Arcane Williams
And sa twitter @arcaneeeee_let's chit chatttttttt 💓💓💓
Enjoy dyosaaaaa 💓.

DAHAN DAHANG NILAPITAN ng ina ni arami ang kanyang anak na naka handusay na ito sa sahig.
"Anak, anak! Arami! Gumising ka. Anong ginawa mo sa kanya? Anong ginawa mo sa anak ko? Walang hiya ka punong babaylan, mamatay nilalang. Hindi kita mapapa tawad sa iyong nagawa!" sigaw ng ginang sa punong babaylan na may puno ang galit sa boses at pag hihinagpis.
Lumapit naman ang punong babaylan sa kanya at sinampal siya.
"Ang mabuti pa ay lisanin mo na ang lugar na ito, hindi pa tuloyang namamatay ang iyong anak ngunit sa loob ng isang oras ay tuloyan na siyang papawian ng buhay. Kaya bago mangyari iyon hanapin mo si makisig at sabihin mo sa kanya na magkita kami sa bangin ng nayon na ito at idagdag mo narin na sabihin s kanya na nasa akin din ang kanya mahal na ama." Saad ng punong babaylan dito, tumango naman ito.
"Susundin ko ang iyon na basta mabuhay lamang ang aking anak." siyang saad niya bago niya nilisan ang naturang silid ng babaylan.
PINAG MAMASDAN ng ginoong makising ang walang buhay na katawan ni tapang, puno ng dugo ang sahig at nakita niyang maraming sugat ang natamo si tapang. Natumba si dino ng wala sa oras at unti uting tumulo ang kanyang luha, nanghin ni makisig sa kanyang nakita. Hindi siya maka paniwala na madadatnan niyang walang buhay na ang isa sa kanyang matalik na kaibigan.
May kampilan na hawak hawak ito at tila natalo ito sa pakikipag laban. Nasa silid sila ngayon ng kanyang amang rajah at walang kahit anong bakas na naroon ang kanyang amanf rajah. Marahil ay kinuha ang punong babaylan ang rajah at pinag laban iyon ni tapang na huwag siyang kunin kung kaya naman ngayon ay siya ang napaslang.
"Gumising ka tapang! Tapang! Narito na ang alak na iyong nais, dinalhan na kita. At narito na ang ginoong makisig buhay siya kaya nararapat na mabuhay karin, kaya sige na imulat mo na ang iyong mata." at niyugyug ni dino ang katawan ni tapang umiiyak ito ng walang humpay.
Umiiyak din si makisig habang pinag mamasdan ang kanyang kaibigang timawa, gaya ng pangako nito binantayan niya ang rajah at prinotektahan ito kahit kapalit ay ang kanyang buhay.
BINABASA MO ANG
Way Back To 1500s (v.01)
Historical FictionShe will do everything to be back from where she is from, but will she be able to risk everything? Nag lakbay labalik si Amira sa taong hindi niya aakalain, after figuring out where the hell she is. She finally realize that she's not in the present...