Kabanata: XXXIII Ang aking damdamin

3.6K 136 14
                                    


Amira's POV

Tinahak ko mag isa ang banwa nila lolo, nag lakad ako ng mag isa sa gubat. Ano naman? Wala naman akong kinatatakotan, I can protect myself!

Na miss ko bigla yong bata at ang masayang bayan nila. Maybe maari naman ata akong bumisita sa kanilang tagong banwa. Tanging ang pag tama ng paa ko sa tuyong dahon at ang pag dampo ng hangin sa mga puno ang maririnig ko. Kung sana hindi low bat yung phone ko magagamit ko iyon pag lakbay, habang naka earphone.

Nadaanan kona ang butas kung saan kami nahulog ni maisog. Unting lakad na lamang at makikita kona ang naturang banwa.

Napa ngiti na ako nung nakita ko ang maari kong pasokan, ang lagusan, may mga halamang naka tabon sa butas ng kweba kaya naman hindi agad nakikita ito. Buti na lang at nilagyan ko ito ng marka.

Wala na akong inaksayang oras at agad kong hinawi ang mga halaman at pumasok sa naturang lagusan. Binalik ko din naman agad ito sa dati para hindi halata. Ito iyong dahilan kung bakit, tago ang kanilang lugar. Sa likod ng bundok, may naka kubli pala na isang banwa.

Hindi kona kailangan ng liwanag ang daan, dahil sadyang may mga ilaw na ito sa bawat pader ng lagusan.

Nag lakad nanaman ako hanggang sa maabot ko ang pinaka dulo ng lagusan, buti na lamang at alam kona kung paano makaka pasok nang di naliligaw.

Napa ngiti ako nung nakita ko na ang kanilang masayang banwa. Tulad nung una, tila napaka unlad nito. Pantay pantay ang turing ng mga tao rito, may mga uripon ngunit silang lahat ay may tahanan at may kasuotan. Walang pinag kakaitang ng kapangyarihan at mga ari arian.

Namumuno ng maayos ang kanilang datu, kaya naman ay iginagalang siya ng lahat. Patuloy parin ako sa pag lalakad, abala ang mga tao sa kani-kanilang ginagawa. Unang dinaanan ko ang pamilihan, hindi ko ito napansin sa una naming pag punta marahil ay pagkain lang ang iniisip ko nun, sa pamilihan kung saan may iba't ibang nabibili, ang mga nagtitinda ay abala sa pag hihingingkayat ng mga mamimili, kagaya sa nakikita ko sa mga korean drama, nasa gilid din sila naka linya ng maayos. Hindi naman ganito ka saya nung una kong tapak dito, mas maraming tao ngayon. At ang mga tao ay nakasuot ng mga magagarang damit, hindi lamang ilan kundi lahat, tila may pinag hahandaan ang mga ito. Napa kunot noo ako, at lumapit sa isa sa mga nag titindi ng mga tila na abala sa pag hihingkayat, may dala dala pa nga itong magandang tila na pinapakita sa mga tao.

"Maari ho ba akong mag tanong? Ano po bang meron?" tanong ko, naka kunoot noo ito, ngunit agad din namang ngumiti sa akin.

"Naku, isang kasihan binibini. Sa pag papasalamat sa mga diwata, laon, mga anito at bathala dahil binigyan nila kami ng masaganang ani." Tugon niya, parang bigla akong may naalala. Nanlaki ang mata ko, teka? Ngayon ba yun? Yung sinasaad sa akin ni malaya? Kaya pala tila nais kong pumunta rito. Sa totoo lang naka limutan ko ang tungkol rito, ang tungkol sa pag imbita sa akin ni malaya.

Napaka dami na kasing nangyari, at hindi ko ba alam kung sadyang mabait lang sa akin ang langit. Nag pasalamat ako sa matanda bago tuloyang mag lakad ulit.

Madaming nang aalok sa akin ng mga paninda nila, pero inayawan ko lahat. Wala kasi akong dalang bulawan o ginto kaya ganon.

Sa aking pag lalakad ay naramdaman ko na lang ang biglang pwersang mag tulak sa akin upang matumba. May bumangga sa akin. Hindi ko siya nailagan dahil sa abala ang mata ko sa kakalibot sa buong paligid.

Agad kong ininda ang aking pang upo na bumagsak sa lupa, ang walang hiyang, hindi man lang ako nito nilingon at pinag patuloy lamang ang kanyang pag takbo. Hindi ko akalain na may mag aabot sa akin ng kamay, upang tulongan ako sa pag katayo ko. Agad ko namang tinignan kung sino ito, at nakita ko ang naka kunot noong noo ni punong babaylan hindi ko pa napag alaman ang kanyang pangalan. Nag dalawang isip akong abotin yun pero inabot ko do din naman, pinag-pag ko ang saya ko dahil alam kung nadikitan ito ng dumi na galing sa lupa.

Way Back To 1500s (v.01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon