Amira's POV
"Kailangan ko nang umuwi arami, hindi ako nararapat na mag tagal dahil kailangan ako ng aking panginoon." Saad ng diyan lamitan sa akin. Tumango na lamang ako sa kanya at niyakap siya.
"Naiintindihan kopo kayo." Saad ko, andito ako sa pandayan ngayon kung nasaan ang sinasaad ni iloy ni arami na dating niya. Alam kong wala ako sa lugar para gawin ito, ngunit kailangan ko itong gawin. Ginagawan ko din naman si arami ng pabor. Dahil base sa panaginip ko ay pinatay niya ang
ginoong makisig? Ngunit pinatay niya ngaba talaga?Hindi ko alam, ngunit sapantaha ko simula nung napa ibig ko sa makisig ay nabago kona ang nakaraan. Dahil bakit ko naman papatayin ang aking minamahal?
Agad namang lumapit sa akin ang sinasabing uripon ni diyan anira, tuloyan ng umalis ang ginang dahil hindi na nito hawak ang sarili niyang oras. Tumigil sa pag papanday ang naturang binata.
"Labis kong ikinagagalak ang iyong pag punta niibig kong arami." Saad niya sa akin at nagulat na lamang ako ng bigla ako nitong yakapin, hindi naman nag tagal iyon at agad tinulak siya upang maka kalas sa pag yayakap niya. Marahil nga ako si arami ngayon. Ngunit hindi ako ang babaeng minahal niya, ayokong mag panggap na ako ang totoong arami dahil kailangan ko nang kakampi. Alam kong hindi madali ang binabalak ko na patunayang inosente si datu lipayon, kaya kailangan ko nang kakampi.
"Baro, may kailangan akong ipag tapat sa iyo." Saad ko sa kanya, na ikinakunot ng noo niya.
"Bakit ganyan ka mag salita? Bakit tila nag iba ka?"
"Hindi lang tila nag iba ako baro. Dahil iba na talaga ako. Kailangan ko ang tulong mo, may ipag tatapat ako sa iyo, at sana tulongan mo parin ako." aniya ko sa kanya.
Third Person's POV
"Hanggang kailan ka iinum ng alak at mag papakalasing ginoong makisig? Walang humpa ang iyong pag inom, nakaka sama ang labis na alak sa iyong kalusogan." Saad ni dino sa kanyang panginoon na si makisig, nasa bahay aliwan sila at kahit na may araw pa lamang ay narito na sila. Hindi naman ganito ang ginoo nung ito ay iniibig ang uripon na si marikit, dahil kahit na sawi ito ay nagagampanan parin nito ang pagiging ginoo at nakakapag sanay parin ito. Ngunit nung iniibig na nito ang dating binukot ng lipayon ay mas malala pa ito, kung dati gabi gabi lamang itong umiinom ng tuba (klase ng alak)
ngayon mapa gabi man o maaraw ay wala itong pinipili. Sa halip na umuwi ito sa kanilang balay ay hindi nito ginawa. Napaka laki ng epekto ni arami sa kanya. Noong nag away sila ni arami, at hindi siya pinapansin nito o umuwi man lang sa balay nila labis din itong nag pakalasing.Mabuti na lamang at napag tanto nito na mahal nga niya si arami at hindi si marikit kaya naman ay walang pasugbili ay iniwan sila nito. Ang buong akala niya ay magiging masaya na ulit ang ginoo ngunit hindi nila inaakala ang parating na bangungot.
Ngayon lamang nila nakitang umiiyak ang ginoo, dahil daw sa ayaw na siyang makita ni arami dahil ang ama niya ang pumaslang sa ama nito.
"Dino, huwag mo na akong piliting pumaroon sa balay. Dahil mas gugustohin ko pang may katabing alak kesa naman walang katabi sa malamig na gabi. Labis akong nangungulila kay arami." Saad nito, naawa nadin si dino at tapang sa kanilang ginoo, labis talaga nitong nasaktan sa pangyayari.
BINABASA MO ANG
Way Back To 1500s (v.01)
Historical FictionShe will do everything to be back from where she is from, but will she be able to risk everything? Nag lakbay labalik si Amira sa taong hindi niya aakalain, after figuring out where the hell she is. She finally realize that she's not in the present...