Kabanata:LIII Pagmamahalan

2.6K 78 12
                                    

        Third Person's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Third Person's POV

NAKA TINGALA si amira sa kalangitan habang pinapanood ang mga bituin sa kalangitan, ramdam niya ang lamig ng hangin ngunit ang init ng bisig ni makisig, pakiramdam niya nanaginip lamang siya. Hindi parin tuloyang maproseso sa kanyang sistema ang mga pangyayari, hindi parin siya makapaniwalang nahahawakan na niya ang katawan ng kanyang kasintahan.

Narito sila sa kanilang tagpuan, dito ang huling nilang pagkikita. Sa gitna ng mga halamanan, dito niya tinalikuran si makisig dahil sa isang hiling. Hindi niya mabilang kung ilang beses na niya itong tinalikuran ngunit hindi niyang maalalang tinalikuran siya nito.

Hindi niya tuloy alam kung nararapat ba siya sa pag ibig ni makisig gayon wala naman siyang ibang ginawa para dito kundi ang saktan ito, hindi niya akalaing mabilis siya nitong matatanggap sa kabilang ng lahat.

"Batid ko ba ang kasabihan tungkol sa buwan?" tanong ni makisig kay amirah, tumango naman si amirah. Batid niya ang alamat na iyon dahil narinig niya na ito.

"Ang bakunawa at ang buwan hindi ba? Sino naman ang naman ang hindi makababatid sa alamat na iyon." saad ni amirah.

"May katotohanan ang iyong tinuran, dahil batid ng lahat ang alamat ng buwan at bakunawa. Sa ngayon tila ang bakunawa ay ang punong babaylan at ang buwan ang ating puod, unti unti niya na itong sinasakop at labis na siyang naakit sa kapangyarihan nito. Kaya naman kailangan nating mapigilan ang bakunawa bago pa mahuli ang lahat." tumango naman si amirah sa sinaad ni makisig.

"Sabay nating isasalba ang buwan at sabay nating patitigilin ang bakunawa makisig, mag tutulongan tayo upang siya ay mapuksa." tugon ni amirah.

Sa pag ihip ng malamig na hangin, na amoy niya ang mahalimuyak na amoy ng halaman na saka kanilang kapaligiran. Hindi niya na naisip na mauulit ang pangyayaring ito, labis siyang natutuwa na siyang kanyang ikinatakot dahil batid niyang may malaking lungkot ang kapalit nito.

Ngunit kahit ganon ay handa siyang maging masaya kahit sa isang saglit kahit may kapalit na kalungkutan. Sino ba namang nilalang ang hindi nais ng kasiyahan, may mga taong handang gawin ang lahat para sa saglit na kasiyahan lamang.

Gaya ng pinangako niya sa kanyang sarili gagawin niya ang lahat upang manitili sa tabi ni makisig kahit pa anong mangyari, pakiramdam niya ito na ang huling pagkakataon na makakasama niya na ito kaya naman hindi niya na muli itong tatalikuran pa dahil hindi niya kayang mawala pa ito sa kanyang piling, hindi niya na kakayanin.

Tahimik ang paligid at tanging ang mga kuliglig ang kanilang naririnig, nararamdaman ni amirah ang mahinit na hininga ni makisig sa kanyang batok.

Naka yakap sa likod si makisig habang naka balingkis ang braso nito sa kanyang bewang.

"Kung ako ay nasa panaginip, ayoko nang magising. Tila nais kong ihinto ang pag takbo ng panahon at habang buhay na manatili sa iyong tabi." saad ni makisig kay amirah, kaya naman nilingon ito ni amirah at nginitian.

Way Back To 1500s (v.01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon