Naka upo ang Hara sa harapan ko habang nag ma kaharap na inumin, napa kagat labi ako."Anong maipag lilingkod ko sa inyo Hara?" Tanong ko sa kanya.
"Nais ko lamang dalawin ang asawa ng aking anak, masama ba iyon?" Napa kurap ako ng ilang beses at napa iling iling.
"Manghihingi ako ng tawad sa pagiging masama ang trato sa iyo, pinatatanong ng Rajah kung anong nais mong kapalit sa pag ligtas sa akin."
"Hara hindi ba at nag pasalamat na kayo sa akin? Kung gayon ay maayos na iyon."
"Napag pasyahan kong maging mabuti na sa iyong byenan, at alam kong nag pasalamat na ako ngunit para sa akin ay hindi iyon sapat. Maari mo na akong tawaging iloy kung nanaisin mo Arami..." Napa kurap ako ng ilang beses, ano raw? Bakit parang ang bait niya? Talaga bang gusto niya ng maging mabuti sa akin? Sa totoo lang umaasa akong may katotoohanan ang sinasabi niya, nais ko rin may tinatawag na ina.
"Huwag kang mag alala, malinis ang aking intensyon Arami. Nais kong maging malapit tayo sa isa't isa, pakiramdam ko wala na akong makikitang katulad mo." Napa kagat ako ng labi at lumambot ang aking expression sa mukha.
"Ano ang nais mong makamtam bilang kapalit sa pag ligtas sa akin?" Tanong niya, napa kagat labi ako.
"Kung gayon may nais akong hilingin...."
Sa wakas na natapos na din ang pinapagawa kong silid paaralan kung saan ako mag tuturo ng panggamot sa mga tao rito. Ang saya lang dahil tinupad talaga ng raja ang aking kahilingan. Great! At gaya nga ng inaaasahan ko malaki itong silid na gawa sa kawayan ang bawat haligi at nipa naman ang bubog.
"Ano sapalagay mo arami?" tanong sa akin ng hara, napa ngiti naman ako sa kanya ng malaki.
"Hindi ako makapaniwala, mahal na hara. Maraming salamat." Saad ko sa kanya nginitian niya lang din naman ako. Katabi ko siya ngayon nakiki payong ako sa malaki niyang payong.
"Bukas na bukas, maari mo nang simulan ang iyong pag tuturo sa pang gagamot, may iba pa ba kaming maitutulong?" tanong niya ngumiti lang ako.
"Sapat na po sa akin ang mga kagamitan na aking kakailanganin mahal na hara. At nais ko ding malaman kung saan ako makaka kita ng harden ng mga halamang gamot?" tanong ko sa kanya.
"Maasahan mo kami sa ibang kagamitan na iyong kailangan, at may nalalaman akong isang tao na may harden ng mga halamang gamot, si maisog. Kabilang nayon kung nasaan ang kasiyan kagabi matatagpuan mo doon ang kapid (kapatid) ng ating raja si maisog." Saad niya kaya napa tango naman ako. Mabuti naman kung ganon.
"Ngunit paano ko matutunton ang hardeng iyon?" tanong ko.
"Huwag kang mag aalala papasamahan kita sa isa sa uripon ko upang matunton niyo ang harding iyon." Napa tango naman ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Way Back To 1500s (v.01)
Historical FictionShe will do everything to be back from where she is from, but will she be able to risk everything? Nag lakbay labalik si Amira sa taong hindi niya aakalain, after figuring out where the hell she is. She finally realize that she's not in the present...