Amira's POV
"Saan mo ba kasi talaga ako dadalhin? Parang ang layo na ng nilakad natin ah." tanong ko kay ganda, na naka simangot. Hindi ko alam kung saan kami papunta pero may tiwala naman ako sa kanya. Siguro naman di niya ako ipapatay dahil lang alam ko sekreto niya. Tsk! Nadadaanan namin ang mga malalaking puno pero malinis ang kapaligiran, walang nagtataasang damo na maaring maka sugat sa iyo.
"Huwag ka nang mag tanong, malapit na tayo." Saad niya, kaya wala akong magawa kundi ang mapakamot na lang sa ulo ko at mag crossarm pagkatapos.
Sinusundan ko lang siya, wala naman kasi akong magagawa kundi ang sumunod na lang talaga sa kanya. Pasalamat talaga siya at kailangan ko nang mapag kakaabalahan.Sumunod lang ako sa likod niya, ilang saglit pa ay bigla na lang siyang huminto. Nilingon niya ako na may ngiti sa labi.
"Narito na tayo," saad niya, napa kunoot noo naman ako.
"Huh? Andito? Bakit wala akong nakikitang magandang tanawin?" tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at nilagay ang dalawa niyang kamay sa balikat ko.
"Mag tiwala ka lang sa akin." ngiting saad niya, pinangliitan ko siya ng mata. Kumilos ulit ito at pumunta sa likod ko. Tinulak niya ako, naka lapat ang palad niya sa likod ko.
"Ano bang ginagawa mo? Bakit mo ba ako tinutulak?" nalilitong pakli ko sa kanya, ilang saglit pa ay bigla na lang niyang hininto ang pagtulak sa akin at hinarap ulit ako.
"Nais ko lang ipakita sa iyo ang mahiwagang lagusan dito sa lupa." Saad niya sa akin, at binaba ko ang tingin ko sa lupa. Hindi nga siya nag kakamali, may malaking butas lupa, hindi naman iyon kalaliman pero sapat iyon para hindi ka maka akyat, malawak ito at sa palagay ko pag nasa loob ka nito mas malawak pa ito.
"Ano namang meron dyan?" poker face na tanong ko. Ngumisi siya sa akin.
"Alam mo bang ang butas sa lupa na iyan ay naging tagpuan ng isang diwata at ang isang tao? Napaka halaga niyan. At sabi sabi daw sa puod na ito. Ang sino man ang makulong dyan ay mamahalin nila ang isa't isa, habang buhay." Tinignan ko ang lupa sa ilalim, wala namang ispesyal dito. Paanong may ganong kasabihan? Tinignan ko si ganda.
BINABASA MO ANG
Way Back To 1500s (v.01)
Historical FictionShe will do everything to be back from where she is from, but will she be able to risk everything? Nag lakbay labalik si Amira sa taong hindi niya aakalain, after figuring out where the hell she is. She finally realize that she's not in the present...