Kabanata:XXX Guhit

3.4K 126 1
                                    


Amira's POV

Hindi ko alam kong panaginip lang ba iyon. Ngunit nakita ko sa aking panaginip na hinalikan ni makisig ang aking labi. Marahil ay isa lamang iyong panaginip. Hindi naman siya umuwi kagabi. Hindi ko alam kung saan siya namamalagi. Kasi pag gising ko ay wala naman siya sa aking tabi kaya hindi maaring hindi iyon panaginip.

Napaka bigat sa pakiramdam, ginawan ko siya ng haponan. Nag effort ako para sa kanya, tumupad ako sa aking pangako ngunit hindi naman siya interesado doon.

"Magandang umaga mahal na arami." Bati sa akin ni andula, wala akong gana kaya naman ay tumango na lamang ako sa kanya. Kailangan ko pa palang matuto kung paano sumulat ng Philippines script na badlit. Buti nalang talaga at masunurin akong bata kaya ginagawan ko ng pabor si arami.

Wala din naman akong magagawa ey. Kaya kailangan kong sundin.

****

Tinuturuan na ako ngayon ni ganda, ngunit kahit anong pakikinig ko sa kanya ay hindi ko maintindihan. Lumulipad ang utak ko.

"Hindi ka naman nakaka intindi arami ey!" Reklamo sa akin ni maganda, napa kamot na lamang ako ng ulo.

"Gusto mo hampas ko sayo ito? Upang mataohan ka? Bakit ba tila wala ka sa sarili?" inis na saad ni ganda at pinakita sa akin ang kawayan na naman naka ukit na badlit na itinuturo niya sa akin.

"Patawad ganda." saad ko, at hindi ko mapigilang umiyak. Kusang tumulo ang luha ko, hindi ko alam pero sobrang bigat talaga ng pakiramdam ko. Naninikip iyong dibdib ko.

"Ganda, ganon ba ako ka walang kwenta para ibaliwala lang?" tanong ko sa kanya. Alam kong napaka babaw, pero kasi hindi ko mapigilang mag isip kung bakit di niya ako sinipot.

"Hay naku arami. Hayaan mona ang bana mong hibang sa iba. Ang buong akala koba ay wala kang pag nanais sa kanya? Bakit tila nasasaktan ka dyan?" napakagat labi na lamang ako sa sinaad niya.

"Ganda, Mahal ko na ata siya." mahinang saad ko at sinubsob ang mukha ko sa maliit na lamesa. Lumapit si ganda sa akin at hinagod niya ang likod ko.

"Mukhang malaki talaga ang iyong suliranin."

*Dumaan ang ilang araw*

Kasalukoyan kong kaharap ang ang yellow pad at hawak hawak ang aking ball pen. Naka upo sa sahig na nakatapatong sa unan. Ilang araw na ding lumipas at halos hindi na umuwi si makisig sa tahanan namin. Pinipilit ko na huwag na lang isipin ang kanyang mga nangyayari. At pinag sasawalang bahala na lang na halos araw araw mag kasama si makisig at marikit. Siguro iyon na din ang tulong na magagawa ko. Ang manahimik na lang sa tabi. Kakagaling ko lang ngayon sa paaralan ko na nag turo ng panibagong kaalaman. At pag katapos ng isang oras ay andito ulit ako sa balay nag iisip kong anong ilalagay na mga impormasyon na ipapadala ko sa mga magulang ni arami. Hindi ko kasi maaring puntahan ang mag asawa dahil gaya nga ng saad nitong si makisig kailangan kasama siya pag pupunta ako. Kaya paano kami makakapag usap nun ng matino?

Kaya naman nag iisip mona ako kung ano ang ilalagay ko sa kawayan bago ko upadala sa uripon na pinag kakatiwalaan ng mag asawa.

Pero lintik na buhay ito. Imbis na bad side ang ilagay ko ay ang nangyayari lahat ng compliment ay nailagay ko. Seryoso?

Mabilis lang akong natuto mag sulat ng badlit, dahil magaling ding guro so ganda. Ngunit naiinis talaga ako sa aking sarili.

Kaya naman ay wala akong magawa kundi ang lukutin ang aking ginawa at itapon sa sahig dahil sa inis.

Natigilan nanaman ako sa pag susulat ng bigla kong na realize na mali nanaman ang sinulat ko. Binasaa ko ito at napa pikit na lang ako.

Seryoso?!

Way Back To 1500s (v.01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon