Kabanata: XXVIII Malupit na Magulang

3.7K 142 7
                                    


Amira's POV

"Maraming salamat sa pag dating mo kanina." Wika ko kay makisig, nasa sala kami ngayon habang ginagamot ko ang galos niya nung nakaraang araw. Dahil sa kagagawan ko. Mabilis kaming naka uwi, dahil mabilis ang taga sagwan ng aking asawa. Ginamit ko nanaman ang mahiwagang emergency kit ko para gamotin siya.

"Sabihin mo sa akin, matagal na ba nila iyong ginagawa sa iyo?" tanong niya kaya napa angat tingin ako. Nag tagpo ang aming mga mata nang inangat niya ang kanyang tingin.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Kunwaring walang alam na saad ko.

"Huwag mo nang ilihim sa akin. Alam kong sinasaktan ka ng iyong mga magulang. At pinipilit ka nilang sundin ang kagustohan nila. Anong dahilan? bakit mo sila sinusunod?" tanong niya, nginitian ko lamang siya. Wala dapat siyang malalaman. Kundi pati siya mag dududa.

"Wala naman akong balak na ilihim sa iyo ito. Wala akong alam kung bakit nila ako kinamumuhian. Pero sinusunod ko sila dahil magulang ko sila. Nalilito na lamang ako dahil wala akong ka alam alam kung anong nagawa na kasalanan." saad ko kay makisig.

"Susundin mo pa din paba sila kung masama ang kanilang inuutos?" tanong niya, agad naman akong umiling.

"Hindi, may sapat na akong gulang upang mag pasya sa aking sarili kaya alam kona ang tama o mali. Kung alam mong mali bakit mo susundin?" Pahayag ko.

"Mabuti naman kung ganon."

"Ikaw? Bakit mo sinusunod ang mga sinasabi ng iyong ama kung alam mong mali ito?" tanong ko, binaba ko ang bulak na may betadine na pinapahid sa sugat niya sa pisngi. Tinignan ko siya sa mata, pero nag iwas ito ng tingin.

"Ang ibig mo bang sabihin ang pangangayaw namin?" tanong niya, kaya tumango ako.

"Oo, ang pangangayaw ay nakaka gawa ng kaaway, maraming kaaway. Kaya bakit niyo ginagawa kung alam niyong maraming masasaktan?" lakad loob kung saad.

"Dahil kailangan para mabuhay." Isang sagot niya. Napa iling na lamang ako at niyuko ko ang aking ulo upang tignan ang bulak na kinukuha ko.

"Maraming paraan para mabuhay. Hindi niyo kailangang manakit ng tao upang gawin iyon." Saad ko.

"Kung ganon, anong puwede naming gawin upang manatili ang aming yaman?" napa simangot na lamang ako.

"Puwede naman kayong mag negosyo." Saad ko sa kanya, hindi ko alam kung anong reaksyon niya dahil kasalukoyan kong inaangat ang aking palda upang tignan ang aking galos sa aking paa. Paniguradong mag kakapasa nanaman ako.

"Ano ba ang negosyo?" tanong niya.

"Ang isang negsyo ay pag papapakarami ng kayamanan. Maari kang mag tayo ng sarili mong negosyo upang kumita ng maraming pera este bulawan pala. Halimbawa ng pag nenegosyo ay ang pag sasaka, maaring makipag kalakalan ka sa mga dayuhan. Mag kumpuni ng mga bagay bagay." saad ko sa kanya. Inangat ko ang tingin ko, agad kong binaba ang aking palda dahil masyado na pala iyong expose sa mata ni makisig.

"Kalimutan mo na lang ang sinaad ko." Sabi ko sa kanya. Nag iwas din ito ng tingin at namumula ang tenga niya.

"Huwag mo na lamang pansinin ang mga kabaliwan ko. Anong nais mong kainin mamayang gabi? Ipag luluto kita dahil tinulongan mo ako." nilingon naman niya ako.

"Marunong kang mag luto?" napa tango naman ako sa kanya.

"Oo naman." taas noong saad ko.

"Kahit ano, kakainin ko lahat." sabi niya. Kaya napa tango na lang ako. Okay, noted! Kinuha ko ang box ng band aid sa kit ko. Kumuha ako ng isa doon. Nakaka tuwa lang dahil may smile face ang naka lagay doon. Naging hobby ko na ito na lagyan ng smiley face ang band aid ko. Ito lang kasi ang nag bibigay ng lakas ng loob ko at palala sa akin na kailangan kong ngumiti kahit nasasaktan na ako. Ang band aid ang nag sisilbing maskara sa isang tao, tinatakpan nito ang sugat na nasa ilalim nito. Upang walang makakita at upang matakpan ang sugat.

Way Back To 1500s (v.01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon