Sabay kaming lumabas ni Andula sa balay upang magkatagpo ang kanyang kaibigan na nang nagangalang anya na nag imbita sa kanya papunta sa isang kasiyahan sa kabilang isla, hindi ko alam na magkapatid pala si Andula at si Marikit. Kapa pala may pag kahawing ang dalawa, wala man lamang nabanggit sa akin si Andula.
"Magandang gabi sa iyo marikit." Bati ko sa kanya, ngumiti naman siya sa akin at bahangyang yumuko upang magbigay galang.
"Magandang gabi din sayo iyo mahal na Arami." Napa ngiti na lang ako sa kanya. Hindi parin ako sanay na tinatawag akong Arami ngunit wala naman akong magawa. Wala akong balak na kamuhian si Marikit gaya ng totoong Arami, dahil wala naman akong paki alam sa dalawa kahit pa may namamagitan sa kanila ni Makisig.
"Ang mabuti pa po ay sumakay na tayo sa bangka upang nakarating tayo ng maaga sa kabilang nayon, Andula at mahal na Bae Arami." Saad ni Anya kaya naman napa tango kami.
"Mas mabuti pa nga." Saad ko dito, nasa dalampasigan na kami ngayon at pasakay na sa hindi kaliitan at kalakihan na bangka. Hindi ko mapigilang hindi mamanga sa sinaunang panahon, dahil mas higit na malaya ang mamamayan dito. Wala kang makikitang diskriminasyon, rasismo, at iba pang problema sa kasalukuyan. Dito kahit naka hubot hubad kapa walang sasabihin sa inyo ang mga mamamayan, masagana rin ang pamumuhay. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapa isip kung ano ang pilipinas kapag hindi ito sinakop ng mga dayuhan.
Hindi naman kalayuan ang kabilang isla kung kaya naman ay mabilis kaming naka rating, idinaong namin ang banka sa dalampasigan. Hinila namin ni Malaya ang bangka papunta sa may buhanginan upang hindi ito madala sa anod, mukhang malaki ang kasiyang ang kasiyahang ito dahil maraming bangka na mas malaki pa sa sinakyan namin ang naka daong.
Excited naman sila Andula na naglalakad papunta sa mga balay kung saan nagaganap ang kasiyahan, sumunod lamang ako sa kanila. Isang pag iisang dibdib ng Datu ang nangyari kung kaya naman ay magarbo ang pag diriwang. Galing pa lamang sa baybayin ay rinig na rinig na namin ang tambol ng mga instrumento, mag kakasama kaming pumunta sa mga taong nag nasisiyahan. Napa tingin ako sa taas na may limang dalaga na nag sasayawan at likod nila may nag tutugtog ng instrument na gawa sa kawayan.
Maraming nag sasayawan habang may dala dalang kanya kanyang baso na may laman na alak, may makikita kang mga pagkain na umiikot hawak hawak ng mga uripon. Gaya ng piging ng Rajah Mabagsik, ngunit tila pakiramdam ko mas masisiyahan ako rito dahil malaya kong magagawa ang aking nais dahil walang mga matang naka tangin. Naka suot lamang ako ng pang uripon, kung silk na tela ang gamit ng mga maharlika dito sa pre colonial. Gawa naman sa cotton na tela ang sa mga uripon ang kanilang baro at makulay na sarong na sinusuot.
Napa indak indak naman si Andula sa tugtug at sa mga taong nag kakasiyahan, pagkakaalam ko ay halo halo na ang tao dito mapa uripon man at timawa. Malaya ang mga uripon ngayong gabi na mag saya rito, mabuti naman kung ganon.
Hinila ni Andula si Anya na sumayaw, nag pahila naman ito, napa iling na lang ako at hinayaan si Andula na mag siya dahil deserve niya iyon. Sa isang saglit lang ay nawala si Marikit sa aming tabi, naiwan akong mag isa kaya naman napag pasyahan ko na mag libot libot muna.
Habang nag lalakad lakad ay may narinig akong malakas na sigawan ng mga kalalakihan, hindi ko mapigilang hindi maki usyo kaya naman ay kaagad kong sinundan ang ingay. Natagpuan ko ang mga nag tatampukan na mga kalalakihan, isiniksik ko naman ang aking sarili upang makapunta sa pinaka harapan dahil hindi ko nakikita galing sa likuran ang mga nangyayari. At dahil sa paghihirap ko sa pakikipag siksikan at nais na makiusisa ay kaagad akong naka punta sa harapan, napa hinga ako ng malalim dahil sa wakas.
"Sino pa ang nais na makipag tagis lakas sa ating walang talong timawa?" Narinig kong sigaw ng isang timawa rin, naka bilong ang mga karamihan at pinagmamasdan ang pakikipag mano manong paglalaban. Habang hinihintay ang susunod na lalaban ay may bigla na lamang tumulak sa akin papasok sa bilog, nanlaki ang mata ko at napa tingin sa paligid. Biglang mas lalong lumakas ang hiyawan ng nasa paligid, napa tingin ako sa isang timawa na may mas malaking katawan sa akin.
"Hinahamon mo ba ng pakikipag laban ang ating timawa?" Tanong niya sa akin, napa kagat labi ako. Pamilyar ang pakiramdam na ito sa akin, imbis na makaramdam ng kahit anong takot ay tila nakaramdam pa ako ng pagkasiya. Hindi ko akalain na namimiss ko ang pakikipag laban, napa tango tango ako sa sinabi ng tila isang referee.
Hindi na rin masama ang makipag laban, nakita ko ang gantimpala ng panalo. Isang damuklan na ginto, maari ko iyong dalhin sa kasalukuyan pambayad ng utang.
"Kung gayon tinatanggap namin ang iyong hamon..." Nakita ko naman na seryoso ang aking kalaban, umatras naman ako ng ilang beses bago ako tumayo ng maayos na naaayon sa pakikipag laban.
Una niya akong hinagisan ng suntok, kaagad naman akong napa iwas. Muli niya ako hinagisan ng suntok kaya naman ay sinalo iyon ng isa kong kamay at sa aking pag salo kaagad ko siyang binigyan ng suntok galing sa ilalim kamit ang libre kong kamao. Tumama ang aking kamao sa kanyang panga, binitawan ko naman siya at nakita kong napa atras ang aking kalaban habang tila nahihilo sa aking ginawang pag suntok. Ako naman ang unang umatake, tatlong beses akong inikot ang aking paa sa pag sipa, panay atras naman siya. Tumayo ako ng matuwid, siya naman ang nag bigay sa akin ng sipa. Mabilis kong sinalo muli ang kanyang atake, hinawakan ko ang kanyang paa sabay hinila ito. Napa sigaw naman siya dahil sa sakit, mabilis kong inipit ang kanyang leeg gamit ang aking braso, pilit pa siyang mag pumiglas ngunit hindi ko siya binitawan hanggang mawalan siya ng malay.
Sunod sunod ang aking mga naging laban, sunod sunod ang nag tangka akong talunin ngunit walang nag tagumpay. Kinuha ko ang naturang ginto na ganting pala at nakibitbalikat na lang ako dahil wala ng balak na makipag laban sa akin. Akmang aalis na ako sa mga nag kukumpolan na tao nang bigla na lang may naramdaman akong papalapit sa akin. May balak akong saksakin sa likod? Mabilis akong humarap at inipit ang maliit na punyal gamit ng dalawa kong daliri na hintuturo at ginta, nasalo ko ang maliit na punyal.
Nanlaki ang mga mata ng mga timawa at mandirigma sa aking ginawa na pag salo o sa pag bato sa akin ng maliit na punyal.
Nakita ko ang lalaki na naka ngisi sa akin may hawak hawak itong mangga sa kanyang kamay at inihahagis sa ere kalaunan ay sinasalo rin, parang familiar ang lalaki sa akin. Feeling ko matagal ko na siyang nakita, hindi ko lang alam. Hindi ko din masyadong maaninag ang mukha niya dahil tanging sulo lang ang nag papa ilaw ng paligid. Pagkatapos tignan ang naturang punyal ay kaagad kong binalik ko sa kanya ang kanyang maliit balaroa, habang nasa ere ang mangga ay saktong doon iyon lumanding, natusok at sinalo niya ang mangga na may nakatusok na maliit na punyal.
Ngumisi ako sa kanya.
"Mukhang pag mamay ari mo iyan." Sabi ko sa kanya at tumalikod na, walang magawa sa buhay ang lalaking iyon? Ano kayang naisip niya at hagisan ako ng ganon? Paano kung hindi ko iyon nasalo?
Nagsihawian ang mga tao habang nag lalakad ako paalis, nakikita ko parin sa mga mata nila ang pagka mangha sa aking ginawa. Parang gusto ko tuloy mag lakad ng nasa red carpet na nasa hollywood. Muli kong hinanap sina Andula sa kasiyahan, nakita nila ako at mabilis na hinila. Wala naman akong magawa kundi ang maki sayaw sa kanila ng sabay, mas mabuti ng sulitin ko ang araw na ito.
"Hindi ganyan dapat sumayaw Andula, ganito." Sabi ko sa kanya sabay tumuwad upang turuan siyang mag otso otso, hindi ba uso ito sa kasalukoyan dati? Ginaya naman ako ni Andula, sunod ay ginalaw ko ang aking bewan. At sinunod niya iyon, napa tawa naman ako at napa palakpak, kung ano ano lang talaga ang tinuturo ko kay Andula na kalokohan. Sunod naman ay tinuruan ko siyang mag twerk, aba dancer kaya ako.
BINABASA MO ANG
Way Back To 1500s (v.01)
Historical FictionShe will do everything to be back from where she is from, but will she be able to risk everything? Nag lakbay labalik si Amira sa taong hindi niya aakalain, after figuring out where the hell she is. She finally realize that she's not in the present...