Mistake 9

1.2K 42 1
                                    

Since nandito naman din kaming lahat ay siguro wala naman ding mawawala diba? I mean hindi naman sigurong totoo na may umiiyak dito sa bahay na ito.

"Wow. Ang ganda naman pala ng loob nito" manghang sabi ni jade ng makapasok kami sa loob ng bahay.

"Hinding hindi tulad sa labas ng bahay nuh? Dito ang linis tapos nakaayos lahat ng mga bagay" dugtong naman ni harold.

Totoo naman din ang sinabi nilang dalawa. Aside kasi na mukhang creepy ang bahay na ito kung sa labas mo titignan. Yun naman din ang kaibahan sq loob ng bahay.

Napakalinis ng bahay. Tapos lahat ng bagay dito sa loob ay nakaayon sa lahat. Yung mga upuan. T.v na kahit maliit ay maayos at malinis din. Yung mga libro nakalagay sa shelves tsaka narin yung mga laman ng kusina sa bahay ay nakaayos din. Simula sa mga utensils pati narin mga kitchen ware ay nakaayos lahat.

Nakakamangha naman dito sa bahay na ito. Ibang iba sa ini-imagine ko na kapag abandonadong bahay ay mga walang laman o hindi kaya ay may mga alikabok o spider web sa paligid.

"Sabi kasi nung caretaker ng bahay naito. Simula ng may marinig silang umiiyak ay nililinis daw nila ito tuwing tanghali. Bale lahat ng nakikita niyo ay hindi iniwang ganyan. Dahil ang caretaker at yung mga kapitbahay ang naglilinis dito" pagsasalita ni jake sa gitna ng pagkakamangha naming lahat.

So ganun pala iyun. Akala ko simula nung iniwan ito ay ganto na ito. Yun pala ay hindi. Dahil nililinisan pa nila ito.

"Well, siguro mabait ang nakatira dito dati. Kasi tignan mo kahit mga kapitbahay ay nililinisan ito diba?" Sabi naman ni jade kay jake.

Siguro nga ganun. Kasi bihira lang naman na may ganung kapit bahay eh. Especially kung mabait ka talaga sakanila.

Pero teka lang. Bakit nila sinasabing may multo dito? Porket ba may umiiyak multo na kaagad?

"Sigurado ka bang may multo dito jake?" Bigla kung tanong sakanya.

Kaya nagtinginan ang tatlo sa akin sa tanong kung iyun. Nakakapagtaka lang naman kasi. Kung may multo dito. Diba dapat nagpaparamdam ito? Lalo pa't nakasarado lahat ng pinto at bintana ng bahay?

Yung bang tulad sa mga napapanood kung horror movies. Kahit may liwanag ng araw ay nagpaparamdam padin sila.

"Well, ayun ang sabi nila. Kaya naman hi--- huwag mung bubuksan yan" hindi naituloy ni jake ang sasabihin niya ng napasigaw ito kay harold.

Akmang bubuksan na sana ni harold ang isang pintuan rito sa bahay ng bigla siyang pigilan ni jake.

It's a one storey house. Kaya wala itong hagdanan papuntang second floor. Para bang typical na apartment lang siya para sa isa o tatlong katao lamang.

"W-why? Bakit? Nandito ba ang multo?" Nagtatakang tanong ni harold sakanya. Nilapitan naman namin siya roon na hindi namin alam na nabuksan niya ito ng bahagya.

"No. Not like that kasi sabi ng caretaker off limits daw ang kwartong yan. Dahil ayan lang daw ang hindi nila nalilinis... dahil tuwing naglilinis sila ay may naririnig silang mga nababasag na mga bagay diyan" biglang inisara ni harold at binitawan ang hawakan ng pintuan dahil sa sinabi ni jake.

Crap. Is it for real? Talaga bang may multo sa panahong ito? Hindi ba't sa mga palabas or imagination lang natin ang multo? Nakakaloko na ito ah.

"Mas mabuti pa siguro na maghanda nalang muna tayo ng makakain natin. But make sure na hindi nyo bubuksan ang ref dito ah. Dahil mabaho iyun" aya at bilin niya sa amin.

Kaya naman kaagad nadin kaming nagsikilos na apat dahil dun.

Kahit naman abandonado na ang bahay na ito. Nagpapasalamat kami dahil meron pang tubig at meron ding gas rito sa kusina. Dahil kung wala ang mga iyun? Baka mayari kami at sa ibang lugar pa makiluto.

Pero in all fairness ang binili ng dalawa ay napakinabangan rin namin. Lalo pa yung mga gulay manok at yung baboy na akala namin ay walang pakinabang.

Kaso lang ang wala rito sa bahay ay kuryente. Dahil ilang beses na namin pinaandar yung mga switch nung ilaw ay hindi gumagana. Kaya ang naging ilaw nalang namin ay ang flashlight. tapos yung salamin na binili nila ay idinikit nalang nila jade malapit dun sa banyo.

"Hmm... guys do you feel something?" Napahinto kaming lahat sa pagnguya ng pagkain ng magsalita si jade.

Nung natapos kasi ang pagkain namin ay nandito kami naupo sa kusina. Kung saan ay nagkasya kaming apat na kahit maliit lamang ito.

"Like what jade? Don't tell me mananakot ka narin tulad nilang dalawa?" Pagtatanong naman ni harold sakanya.

Napatingin ako sa relo ko sa braso. Sa pagkakatanda ko kasi kapag kumagat na ang dilim dito ay dun na nagpaparamdam daw ang multo. Kaya ito tinignan ko ang relo ko. Kaso lang parang may mali.

"Guys. Have you seen my watch?" Taka kung tanong sakanila.

Kaya napunta ang atensyon nila sa akin. Lahat sila ay biglang napalitan ang ekspresyon sa sinabi kung iyun. Crap don't tell me na misplace ko ang relo ko. Of course not dahil kahit nagtutulong tulong kaming apat sa kakainin namin. Alam kung suot ko iyun at hindi ko hinubad.

"Huhuhuhu" napatigil kaming apat sa paggalaw ng makarinig kami ng isang iyak.

So is it all real? Hindi lahat ay kalokohan. Hindi lahat ay kwento lang? Dahil ngayon ay totoo na?

"Damn. Even the flashlight are not working" biglang namatay ang mga flashlight na ikinabahala naming apat.

Walang sabi-sabi ay nagtatakbo kaming apat. Sila jade at harold ay magkahawak kamay na tumakbo. Habang kaming dalawa naman ni jake ay sa ibang direksyon nagtatakbo.

I said im not afraid in ghost. But the heck is this. Bakit ako nakakaramdam ng takot ngayon? Bakit pakiramdam ko ay nasa isa akung palabas at pinapanood kami.

Nakakainis. Saan ba ang daan palabas? Bakit hindi namin makita ito? Nakakainis naman oh.

Hindi ko alam kung saan ako nagpunta. Basta ng may naramdaman akung isang pintuan ay kaagad ko itong buksan at isinara.

Hindi ko alam kung ligtas sila jade harold at jake. Pero i know na hindi nila pababayaan ang isa't isa. At syempre hindi nila ako pababayaan. Dahil kapag ginawa nila iyun? They are suck. Makakatikim sila sa akin ng isang malulutong na sapak.

"Huhuhu" napatigil ako sa pag iisip tungkol sakanila ng makarinig ako ng iyak.

Kung kanina lang ay mahina nung nasa kusina kami. Pero this time ay parang ang lakas yata ng iyak niya.

Dahil dun ay nagpalinga-linga ako sa paligid kung saan nang gagaling ang iyak. Hanggang sa may nakita akung isang anino.

Im not totally sure if it a shadow of a person or what. Pero bigla kung pinuntahan ang aninong iyun at napatingin kung saan ako dinala. Nandito ako sa harapan ng isang closet na mas malaki pa sa isang tao.

"Huhuhu..." muli ay lalong lumakas ang iyak kaya naman walang pagdadalawang isip ay binuksan ko ang closet naiyun.

Pero sa pagbukas ko ay hindi ko inaasahan ang makikita ko.





Sa pagbukas ko ng closet na iyun ay isang panibagong pintuan ang sumalubong sa akin. Isang pintuan na maghahatid sa akin sa nakaraan. Ang nakaraang naging dahilan kung bakit naging ganito ang ugali ko sa kapatid ko. Ang pagkakamaling ginawa niya na tanging ako lang ang nakakaalam.

"B-but how?" Bigla kung nasabi sa sarili ko ng tumingin siya sa akin.

Hindi ko inaasahan na sa pagtama ng mga mata namin ay bigla nalang nandilim ang paligid ko. At naramdaman ang malamig na sahig.

ONE NIGHT MISTAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon