Mistake 31

766 29 0
                                    

After ng nabasa ko sa diary ay inayos ko ang sarili ko at umalis para pumunta sa bahay.

Hindi ko alam kung paano nangyari iyun. Kung paano naisulat iyun ni henry. At kung sakaling totoo ang lahat ng isinulat niya roon. Ibig lang sabihin ay may kinalaman nga ako sa pagkamatay niya. At kung totoo ang lahat ng narinig ko. Sa pag uusap nila mama at kevin. Ibig sabihin ako ang pumatay sa taong mahal ko?

"KEVIN... KEVIN NA SAAN KA?" Isang malakas na sigaw ko ng makarating ako sa bahay namin.

Kahit na madaling araw ngayon. Wala akung pakelam basta't makausap ko siya at si mama. Kailangan kung malaman ang buong katotohanan ngayon.

Ilang ulit kung isinigaw ang pangalan ni kevin. Pero walang ni isa ang sumagot. Pwera lang ng magsalita si manang galing sa kusina.

"K-kier... hijo... ikaw bayan?" Napatingin ako sa direksyon niya ng buksan niya ang ilaw sa loob ng bahay.

Kaagad akung lumapit sakanya at tinanong kung nasaan sila kevin.

"Manang. Nasaan po sila kevin?" Pagtatanong ko sakanya.

"Nasa hospital pa sila hijo. Bakit? May nangyari bang masama?" Pagtatanong sa akin ni manang. Kaagad naman akung nagpasalamat sakanya at umalis na sa bahay para pumuntang hospital.

Alam kung hindi ko dapat gawin ito. Lalo pa't nasa hospital si papa. Pero kailangan eh. Kailangan kung malaman ang buong katotohanan sa likod nito.
Hindi ko ito maaaring ipabukas. Dahil sa oras na ipabukas ko pa ito. Baka isang kasinungalingan lang ang isagot nila sa akin.

Nang makarating na ako sa hospital. Kaagad na akung nagtungo sa elevator para pumunta sa kwarto ni papa. Masamang magwala rito sa hospital. Lalo pa't maraming pasyente ang naririto. Nakakawalang respeto kung gagawin ko iyun.

"Honey... gusto mo bang tawagan ko si kier?" Rinig kung sabi ni mama ng buksan ko ang pintuan ng kwarto ni papa.

Hindi sumagot si papa. Kaya bumuntong hininga naman si mama dahil dun.

"I know honey. I did something terrible... pero hindi mo ba ako mapapatawad? Oo alam kung mali ang ginawa ko. Dahil inakit kita at pinatay ko ang mama ni kier.... p-pero i-it was an accident... h-hindi ko... hindi ko g-gustong mamatay si Diana... you know that right? A-alam mo yun... d-dahil naging k-kaibigan ko rin siya..." nagsimula ng umiyak si mama ng pumasok ako sa kwarto ni papa.

Dahan dahan akung pumasok roon at pinapakiramdaman sila.

"B-but... i-if you... if you still blame... t-that's okay... o-okay lang s-sakin honey... a-after all... ako naman ang mali eh... k-kasi... k-kasi a-ang lahat ng d-dapat na kay k-kier ay k-kinuha ko... a-at ibinigay s-sa anak ko..." dagdag ni mama sa sinabi niya.

Yeah. She does do that for her son. Dahil wala namang sigurong ina ang ayaw mapabuti ang buhay ng anak nila diba? may kasabihan nga na MOTHER KNOW'S BEST. At para sakanya ang ginawa niyang iyun ay para sa ikakabuti ng buhay ni kevin.

"E-even the things n-na ginawa ng a-anak ko... a-ay ipinaako ko kay k-kier... k-kahit na may n-nagawa siyang m-masama... s-si kier ang ginawa kung masama sayo... p-pati narin sa mga magulang mo at sa magulang ni diana...." wala paring tigil ang pag iyak ni mama habang sinasabi iyun kay papa na nakatingin lang sa bintana ng kwarto niya.

"Kahit na nakapatay si kevin? Ako parin ang isisis mo sa bagay na iyun?" This time ay bigla na akung sumingit sa pagdadrama ni mama.

Kaya kaagad silang mapalingong dalawa sa direksyon ko at gulat na gulat ang reaksyon.

"Totoo ba ang narinig ko sainyo mama? Totoo bang aksidente lang ang nangyari sa totoo kung nanay? At totoo rin bang si kevin ang nakapatay? At hindi ako?" Pagtatanong ko sakanya ng lumapit ako sa pwesto nilang dalawa.

ONE NIGHT MISTAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon