Kier Pov
Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay neko kahapon. Dahil bigla nalang itong sumigaw at umalis ng walang dahilan na sinasabi sa akin.
Nagtataka ako nung umalis siya ng araw na iyun. Hindi ko masabi kung dahil ba ito sa mga kaibigan ko o ano? Pero nung oras na nakita niya si ian ay para bang bigla siyang nagbago. Oo nakita ko ang pagbabago niya nung nasa mall kami.
Pero yung reaksyon ng mukha niya. At yung biglaan niyang pagsigaw ng makita si ian. Para bang may ibig sabihin iyun. Hindi ko lang masabi kung ano iyun. Pero nakakasigurado akung may kinalaman si ian sakanya.
"Ano ba neko? Bakit hindi mo ako kinakausap ngayon?" Lumalalim na ang gabi. Pero ito parin ako pinipilit si neko na kausapin ako.
Simula rin kasi nung araw na nakita niya si ian. Para bang nagbago ang pakikitungo niya. Yung dating makulit at madaldal na multong si neko. Ay bigla nalang napalitan ng isang tahimik at malungkuting multong si neko.
"Okay. Sige ano bang gusto mung mapag usapan natin huh? Neko? Gusto mo bang basahin ulit itong libro na nabili natin? O baka naman itong Lost Love? Diba paborito mo ang bida dito?" Pagkukumbinsi ko parin sakanya.
Sige na. Pagtawanan niyo na ako sa pinaggagawa ko rito ngayon. Kaso hindi ko lang talaga mapigilan na hindi siya kausapin. Sa tagal ba naming magkasama. Sino bang hindi maninibago sa inaasta niya.
Yung dating mapilit at madaldal na neko. Napalitan na talaga. Bakit nga ba? Dahil ba talaga kay ian? Teka. Kung si ian ang iniisip nito. Bakit? Anong kinalaman niya ba kay ian dati?
"So ganun? Hindi mo ako kakausapin? Okay fine. Bahala ka diyan" huling sabi ko bago ako sumalampak ng higa sa kama ko.
Kaagad kung kinuha ang phone ko at nagkunwaring may tatawagan ako. I know na magre-reak siya sa taong babanggitin ko. Pero kung hindi man siya magreak. Ibig sabihin ay hindi konektado si ian sakanya.
"Oh. Kamusta ka na ian?" Pagkukunwari ko ng ilagay ko ang phone ko sa tenga.
Tinignan ko ang reaksyon ni neko ng banggitin ko ang pangalan ni ian. At sa hindi inaasahang oras ay bigla itong napatingin sa direksyon ko.
"Ahhh. Yung kinukwento ko sainyong madaldal na pusa? Ay nako wala na yun pre. Pinatapon kuna kay manang dahil bigla nalang siyang tumahimik at malungkutin" pagpaparinig ko sakanya.
Hindi parin naalis ang tingin niya sa akin. Kaya naman kaagad ko ring ibinaba ang phone ko at naupo sa kama ko.
"So si ian ang problema mo ngayon huh?" Pagtatanong ko sakanya.
Kaagad din siyang tumingin sa ibang direksyon ng itanong ko iyun sakanya. What the heck. Ano bang problema ng multong ito? Ano bang nakita niya kay ian huh? Nakakainis na siya ah.
kaagad akung tumayo sa kama ko at lumapit sakanya. Kung saan nakaupo ito sa ibabang bahagi ng bintana ng kwarto ko. Nang makalapit ako sakanya. Kaagad rin akung lumuhod at tinignan siya.
"Bakit? Anong meron kay ian huh? Bakit iniisip mo siya? Dahil ba ito sa nangyari kahapon?" Malumanay kung tanong sakanya.
Kaagad siyang tumungin sa paanan niya at bumuntong hininga.
"Look neko. Nandito lang naman ako para pakinggan ka eh. Tsaka hindi ka ba masaya kung may kinalaman si ian sa pagkamatay mo? I mean malay mo may alam si ian tungkol sayo" dugtong kong sabi sakanya.
It's weird to said that. Kasi imposibleng masangkot si ian sa isang krimen right? Oo alam kung may pagkaseryoso at misteryoso ang isang iyun. Kaso kung tungkol sa pagpatay ang pag uusapan. Parang malayo yatang masangkot doon si ian.
Tsaka kung pagbabasihan mo rin kasi ang itsura ni neko nung nakita ko ang totoo niyang katawan. Para siyang itinapon sa isang ilog o di kaya ay nahulog sa bangin. Kasi base sa nakita ko sa mukha niya noon sa mall ay puro gasgas ang damit niya. Yung buo niyang katawan ay may dugo. Tapos yung ulong bahagi niya ay may dugo rin tsaka yung itsura ng mukha niya ay parang namumutla dahil sa kawalan ng hangin sa katawan niya.
"sige neko. Okay lang naman sa akin kung ayaw mung sabihin ang nasa isip mo ngayon eh...." pinutol ko muna ang sasabihin ko sakanya at kinapitan ang magkabila niyang balikat.
"Pero. Lagi mung tatandaan. Nandito lang ako okay? Ako lang ang nakakakita sayo at ako lang ang makakatulong sayo. Kaya please... kung may naaalala ka or what? Sabihin mo sa akin okay?" Pagpapatuloy ko sa sinabi ko.
Hindi siya umimik. Kaya naman napailing nalang ako dahil sa inasta niyang iyun. Well, i can't force him to tell me what he is thinking. After all we both stranger to each other. Ni hindi ko nga alam ang totoo niyang pangalan eh.
Akmak tatayo na sana ako para bumalik sa kama ko ng bigla niya nalang kamitan ang kamay ko. Napatigil ako sa pagtayo dahil dun. Kaya napatingin ako sakanya. Nakatungo lang ito habang hawak hawak ang kamay ko.
"Nung nasa mall tayo..." bigla siyang tumigil at tumingin sa akin.
"May biglang pumasok sa utak ko na isang scenario. I don't know kung ano iyun. Kung parte ba iyun ng nakaraan ko. I want to tell you about that yesterday. Pero iba ang pinagsasabi mo..." bigla akung natigilan sa sinabi niya.
Oo nga pala. Malalim ang iniisip niya kahapon. Kaso ako itong si pilyi ay bigla kung sinabi ang pinaggagawa namin. Aish. Bakit ba kasi ayun ang pinagsasabi ko sakanya.
"Then what did you see? Ano ang nakita mong scenario?" Pagtatanong ko sakanya.
Saglit itong napaisip at tumingin ulit sa akin.
"Nung oras na tumama ang red light sa mata ko. Pumasok sa utak ko ang isang scenario. It was a room. A room with red dim light. T-tapos may dalawang tao sa kwartong iyun... i think nasa kama sila nung panahong iyun... t-tapos may nakahiga habang yung isa naman ay nakapatong sakanya... sigaw ng sigaw ang taong nakahiga na 'tama na'... ewan ko kier... p-pero para bang may ganung pangyayari ang nangyari sa akin dati. Im not sure kung ano iyun..." matapos niyang ikwento sa akin iyun ay bigla kung napansin ang gilid ng mga mata niya.
May mga namumuong luha sa gilid ng mata niya. Kaya naman bigla ko siyang nayakap dahil dun. Im not good comforting person. Dahil never ko pang naramdamang may nagko-comfort sa akin.
"Sssshhhh... no need to cry neko... hindi mo kailangan umiyak okay? K-kung parte iyun ng nakaraan mo. You should be happy. K-kasi may alaala kang naaalala tungkol sa nakaraan mo... p-pero kung bad memories naman iyun. Hindi mo kailangan alalahanin iyun. Kaya wag mo masyadong isipin iyun okay? Let's just say that it was a nightmare. Isa lang iyung bangungot" pagbibigay ko sakanya ng payo.
Im not really sure if was part of his memory. Pero kung parte iyun ng nakaraan niya. Hindi niya iyun kailangang takasan. Dahil pwede niya iyung panghawakan.
Pero hindi lahat ng alaala ay pwede mung panghawakan. Dahil may mga alaala kang pupwedeng makasakit sayo. Hindi mo alam kung ano ang mga ito. at kung ano ang magiging sanhi ng alaalang iyun sa iyo pati narin sa mga taong nakapaligid sayo.
Pero may mga alaala rin namang masarap at masayang panghawakan. Kasi ayun yung tipo ng mga alaala na alam mung hindi mo pagsisisihang hawakan. At ite-tresure mo ang mga ganung bagay na alaala.
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT MISTAKE
General FictionMistake. Have you guys commit a mistake? Ang isang pagkakamali na gusto niyong balikan? Yung bang tipo na kahit isang pagkakamali. Masayang alalahanin at balik balikan. Kaya lang. Masaya kayang balikan ang isang pagkakamali. Kung lahat ng FIRST TIME...