Matapos ng sinabi sa akin ni jake nung gabing iyun ay ilang araw ang pinalampas ko para kausapin si ian.
Sa ilang araw na lumipas. Pinag isipan ko pa muna kung ano ang sasabihin ko sakanya. Dahil hindi ko alam kung saan ko sisimulan.
Kung ang mga bagay bang iniisip ko ay konektado ba sa pagkatao niya at kay neko.
"Kier. Saan ka pupunta? Linggo ngayon diba?" Napatingin ako kay neko habang sinusuot ang sapatos ko.
Pati rin siya ay nahihiwagaan ako sakanya. Sa ilang linggo ko rin siyang kasama ay hindi ko talaga alam ang pagkatao niya.
Oo consider na wala siyang naaalala about sa nakaraan niya. Pero ganun ba ang lahat ng multo? Nakakalimutan nila ang nakaraan nila o nagpapanggap lang siya?
Im still wondering kung bakit ba ako lang ang nakakakita sakanya. Eh ni wala man lang kaming connection sa isa't isa.
"Kikitain ko lang sila jake ngayon" pagsagot ko sa tanong niya ng maisuot kuna ng buo ang dalawa kung sapatos.
Kaagad akung tumayo at pinagmasdan siya ng seryoso.
"Basta yung bilin ko sayo ah? Huwag na huwag kang gagawa ng ingay rito o kahit sa loob ng bahay maliwanag ba?" Bilin ko sakanya.
Sa ilang linggo rin kasing lumipas na kasama ko siya. Ilang beses narin siyang gumagawa ng ingay sa loob ng kwarto ko. Buti nalang at laging wala sila papa at mama. Kaya si manang lang ang laging nasa bahay at hindi nagtataka sa mga ingay na naririnig niya.
"Eh kung isama mo nalang kaya ako? Hindi ba yun pwede?" Umiling ako sa sinabi niyang iyun.
"No. You know naman na hindi ako makafocus kapag nasa paligid kita diba? So i have to be alone this time okay?" Pagsagot ko sakanya.
Kaya naman kaagad kung kinuha ang bag ko at dumeretso sa pintuan ng kwarto ko. Bago ko isarado ang pintuan ng kwarto ko ay nandun siya sa kama ko na nakaupo lang habang nakanguso ang labi niya.
I know na gusto niyang sumama. Pero i have to do this alone. Dahil para sa kapakanan niya rin naman ito.
Neko
Sa ilang araw na lumipas. Matapos naming pumunta ni kier sa parang haunted house ay para siyang nagbago.
Not literally na nagbago. Pero para bang bigla siyang nagtatago ng mga sikreto sa akin. Kaya kahit man anung pilit kung gustong malaman iyun. Hindi ko magawa kasi nirerespeto ko si kier.
"Hay. Bakit parang nagbago si kier? Nakakainis naman gusto ko sanang gumala sa labas at pumunta sa mga park" panghihinayang kung sabi sa sarili ko.
Hay. Wala rin naman akung choice kundi sundin si kier eh. Kailangan kung magstay lang sa kwarto niya buong gabi. Kaso dahil isa akung multo. Kailangan ko ring gumala-gala nuh na parang isang totoong multo. Tsaka ilang beses ko narin naman siyang hindi sinusunod eh.
Dahil isa akung mabait na multo. Kaagad akung tumayo sa kama na kinauupuan ko para umalis sa kwarto niya. Kaso may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ni kier.
"Kier, hijo? Nandiyan ka ba?"
Rinig kung tanong ng isang babae ng kumatok ito. Kaagad niya rin itong binuksan at pumasok.
Hindi ko maipaliwanag. Pero every time na umaalis si kier tuwing linggo ay lagi siyang kumakatok at pumapasok rito. At syempre sa bawat linggong pag katok at pag pasok niya rito sa kwarto ni kier. Lagi akung umaalis. Kasi paano ba naman ay wala akung alam kung bakit niya ginagawa iyun. Tsaka pasaway ako nuh.
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT MISTAKE
Aktuelle LiteraturMistake. Have you guys commit a mistake? Ang isang pagkakamali na gusto niyong balikan? Yung bang tipo na kahit isang pagkakamali. Masayang alalahanin at balik balikan. Kaya lang. Masaya kayang balikan ang isang pagkakamali. Kung lahat ng FIRST TIME...