Neko
Pagkapunta naming dalawa ni kier sa hospital. Kung saan isinugod ang tatay niya.
Bigla akung napatigil sa paglalakad ng makapasok kaming dalawa sa loob ng hospital. Hindi man lang lumingon si kier. Pero kahit ganun ay naintindihan ko siya. Dahil tatay niya ang ipinunta niya rito.
Pero yung pagkapasok namin sa hospital. May naramdaman akung kakaiba. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang naramdaman ko. Basta bigla nalang akung napatigil sa paglalakad at pinakiramdaman ang kakaibang nararamdaman ko sa loob ng hospital.
Para bang may kung anong bagay na kumokonekta sa akin rito. Ilang oras rin siguro akung nakatayo roon sa entrance ng hospital ng maglakad ako.
Sa bawat hakbang na gagawin ko. May mabigat na pakiramdam akung nararamdaman.
"Any sign tito? Gumalaw po ba ulit ng daliri niya?"
Sa ilang hakbang na ginawa ko. Nakakarinig ako ng mga pamilyar na boses.
"Wala hijo... after ng last sign niya ay wala ng sumunod"
Pinakiramdaman ko kung saan ko naririnig ang boses na iyun. Alam kung malaking imposibleng mahanap ko ang pinanggagalingan ng boses.
Pero pinilit ko parin itong hanapin. Lakad lang ako ng lakad. Hanggang sa makarating ako sa isang floor na kung saan ay masyadong uunti ang mga tao.
Kakaunti lang ang mga nurse rito. Pati rin yung mga doctor na nasa paligid.
"Excuse me miss..." napalingon ako sa likod ng makarinig ako ng isang boses ng babae.
"Yes ma'am? How can i help you?" Napatingin ako roon sa babae.
Kung saan naroroon siya sa harapan ng isang reception desk na merong nurse roon.
Napatingin ako sa isang gintong placard na nakalagay sa dingding.
"Executive V.I.P room" basa ko sa placard na nakalagay sa dingding.
Executive? Kaya pala ang unti lang ng taong naririto dahil executive ito. At isa pang v.i.p room. So ibig sabihin mga kilalang tao lang ang naririto.
Tulad ng mga artista... na ayaw malaman ng media ang mga sakit nila.
"Im looking for my brother's room. May i know kung saan iyun?" Tanong ulit nung pamilyar na boses sa nurse.
"Okay ma'am. May i know his name? Para mahanap ko po kaagad ang room niya" sagot nung nurse sakanya.
Naglakad ako papalapit sakanila. Pero nung marinig ko yung pangalang binanggit nung babae ay may biglang imaheng pumasok sa utak ko.
"His name is.... Henry.... Henry Greene Dilman"
Pagkarinig ko nun ay biglang may isang imaheng pumasok sa utak ko.
"Waaahhhh... Ikaw ang kapatid ko... ikaw si henry hindi ba?"
Bigla akung mapahawak sa ulo ko ng makita ko ang imaheng pumasok sa utak ko.
May isang babae na ubod ng ganda ang biglang yumakap sa akin.
"Excuse me... sorry but do i know you? Sorry ah. Wala kasi akung kilalang cheap na katulad mo"
Napatigil ako sa paghawak ng kamay ko ng marinig ko ang boses ko. T-teka... saan ito? Saan ito nangyari?
"Oh gosh. Kuya look oh. Ang ganda ng damit... look"
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT MISTAKE
Ficción GeneralMistake. Have you guys commit a mistake? Ang isang pagkakamali na gusto niyong balikan? Yung bang tipo na kahit isang pagkakamali. Masayang alalahanin at balik balikan. Kaya lang. Masaya kayang balikan ang isang pagkakamali. Kung lahat ng FIRST TIME...