Matapos ang kwento ni kuya kevin sa akin. Hindi ako makapag salita dahil sa mga narinig ko.
So it's true. Ako nga ang nakapatay kay henry. Ako ang dahilan kung bakit siya namatay. At kung bakit sa akin lang siya nagpapakita. Dahil ang lahat ng nangyayari sa aming dalawa ni henry ay dahil sa akin. Dahil kung pinigilan ko palang noon si kevin sa balak niyang gawin. Hindi na sana ito mangyayari sa amin.
At kung hindi sana ako pumayag sakanya na sumama noon sa party ng kaibigan niya. Wala sana akung connection kay henry ngayon.
"It's been two years kier ng mangyari iyun. I don't know what to do that time... basta nung araw na sinabi ko kay mama ang totoo. Ginawa niya ang lahat. Pinilit niya si papa na ako nalang ang pumunta sa canada. Dahil pupwede akung makulong. Pero kung sayo ibabaling ang sisi. Hindi ka makukulong nun. Dahil nasa 16 years old ka palang"
Sabi niya sa akin na ikinatungo ko.Kahit saang anggulo mo pala tignan ang nangyayari sa amin ay may kasalanan din ako. Oo labing anim na taong gulang palang ako noon. Nung hindi ko napigilan ang balak ni kevin kay henry at sa akin.
Ang akala ko nung panahong ginawa iyun ni kevin sa akin. Ay para paghigantihan ako. Para maranasana ko ang lahat ng bagay na nararanasan niya. Pero ngayon ay lumala pa pala ito. Dahil sa paghihiganti niya sa akin. May mga taong nadadamay. May mga inosenteng nasasaktan dahil sa gusto niyang mangyari sa akin.
At ito kami ngayong dalawa. May pagsisi sa ginawa namin noon. Ang akala lang namin ay kaming dalawa lang ang nasasaktan at nakakaranas ng gantong sakit. Pero meron din palang ibang tao ang nadadamay.
Tumingin ako kay kevin para tanungin kung alam niya ba kung saan ang bangkay ni henry. Nang may narinig kaming nagsalita.
"Akala ko noon. Umuwi siya ng mag isa sa bahay niya. Kaya hindi ko na siya hinanap pa sa party... pero nagkamali pala ako. Nagkamali ako na isama pa ang taong importante sa akin sa party"
Rinig namin ni kevin sa nagsalita. Kaya parehas kaming dalawa na napatingin sa taong nagsalita.
Nakita namin si ian na nakatayo sa pintuan papunta rito sa rooftop ng hospital. Habang nakatitig sa amin at may namumuong mga luha sa mga mata niya.
"Ian..." sabay naming pagtawag ni kevin sakanya.
Magsasalita pa sana kaming dalawa ni kevin ng sumugod si ian at binigyan kami ng tig iisang suntok ni kevin.
"IAN... A-ANO BANG NANGYAYARI SAYO? B-BAKIT MO KAMI SINUNTOK NI KIER?" Malakas na sigaw ni kevin sakanya.
Hindi ako umiik sa tanong iyun ni kevin kay ian. Dahil alam ko kung bakit nagawa iyun ni ian.
Yeah. Ian Dela Fuente. Ang taong malapit para kay henry. Ang taong akala ko ay isang mailap na tao. Yun pala ay may ganto pala siyang pinag daraanan.
Kaya pala nagreak siya nung unang beses niyang marinig ang pangalan ni henry. Dahil isa siya sa malapit na kaibigan nito. Aside sa amin na naging kaibigan niya nung grade 11. Hindi namin inaasahan na kaibigan rin pala siya ni henry.
"AT TALAGANG TINANONG MO YAN KEVIN HUH? T-TINGIN MO BA H-HINDI KO.... H-HINDI KO NARINIG ANG MGA SINABI MO KAY KIER?" Malakas na sigaw rin ni ian kay kevin.
Tinititigan ko lang silang dalawa na nagtitigan. Kevin doesn't know na alam ko ang connection ni ian kay henry.
Dahil hindi niya naman nalaman na magkaibigan silang dalawa sa simula palang. Ako? Nalaman ko lang ang relasyon nila ian at henry dahil ikinwento niya sa akin ito.
"SINABI ANG ALIN? ANG NAGAWA NAMING KASALANAN HUH? HEY DUDE. IT'S NONE OF YOUR BUSINESS OKAY? DAHIL LABAS KA DITO." Balik na sigaw ni kevin kay ian.
Lalong ikinuyom ni ian yung kamao niya dahil sa sinabi kevin. Yeah. Ian does have the right to be fierce to us. Dahil kaibigan siya eh. Kaibigan siya ni henry pero ako? Ano nga ba ako para sakanya?
"It's none of my business?" Pag uulit ni ian sa sinabi ni kevin.
Magsasalita na sana ulit si kevin. Pero bigla nalang akung sumingit sa sasabihin niya.
"No kevin.... may karapatan si ian para magalit sa atin..." singit ko sa sasabihin ni kevin. Kaya napatingin siya sa akin. Pati narin si ian na para bang nagtataka sa sinabi ko.
"What do you mean kier? Ni hindi niya nga kilala ang pinag uusapan natin eh" takang tanong sa akin ni kevin.
Tumingin muna ako kay kevin at umiling dahil sa sinabi niya. Tsaka ako tumingin kay ian.
"Yes... Kilala niya ang pinag uusapan natin. Dahil ian is henry's friend... Malapit na kaibigan ni henry si ian... sa katunayan nga ay first love ni henry si ian eh" pagkasabing pagkasabi ko nun. Para bang may kirot akung naramdaman sa puso ko.
It hurts to say na si ian ang first love ng taong mahal ko. Pero kahit ano namang gawin ko ay yun naman talaga ang totoo eh. Si ian ang unang minahal ni henry. At ako naman ang unang tao na gumawa sakanya ng isang malaking kasalanan. Kaya kahit pa balik-baliktarin ang sitwasyon naming lahat. Hindi ko mapapalitan sa puso ni henry si ian.
Dahil para kay henry. Si ian ang taong mahal niya. Pero ako? Ako ang taong gumahasa at naging dahilan ng pagkamatay niya. At kahit na walang naalala si henry sa totoong nangyari sakanya. Alam kung malalaman niya rin ito.
"What? Are you serious about that kier?" Pagtatanong ni kevin sa akin.
Hindi ko parin inalis ang tingin ko kay ian. Alam kung alam niya ang mga sinasabi ko. Kahit man hindi siya magreak tulad ni kevin. Alam kung alam niya yun.
"Yeah. Totoo yun kevin... pero..." natigilan ako sa sasabihin ko ng biglang bumalik ang mga alaala na kasama ko si henry. Si henry na tinatawag kung neko.
Na kung saan ay alam na naming ang buong katotohanan. Ang katotohanan sa pagkatao ko. Kung bakit ganto ang trato sa akin ng kinikilala kung kapatid na si kevin. At ang katotohanan sa pagkatao ni neko o henry. Na kung saan ay ako ang dahilan kung paano siya namatay.
Ang mga masasayang alaala naming dalawa. Hindi ko inaasahan na sa ganito pala magtatapos.
"Pero... pero wala na ngayon si henry... umalis na si henry sa mundong ito... iniwan na niya ako" bigla kung iniwas ang tingin ko kay ian at yumuko ako.
Hindi ko mapigilang mapaluha habang iniisip ko ang alaala ko kasama si neko. Si neko na laging masaya at nakangiti. Si neko na sinusuway lagi ang mga bilin ko. Si neko na laging nasa tabi ko kahit na pasaway. Si neko na minahal ko kahit na isa lang siyang multo...
"No... Hindi pa siya umaalis"
Bigla akung napatigil sa pag iyak ko ng sabihin iyun ni ian. Kahit na may luha pang pumapatak sa mga mata ko. Kahit na malabo pa ang paningin ko dahil sa luha ko. Tumingin ako kay ian at nagtanong.
"A-anong... anong i-ibig mung sabihin?" Pagtatanong ko sakanya.
Kaagad niyang ipinasok ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya.
Saglit itong tumingala habang nakapikit. Napatingin rin ako sa langit dahil sa ginawa niya.
Mag uumaga na pala. Dahil sa kwento ni kevin. At sa pagtatalo naming tatlo rito ay hindi pala namin namamalayan ang oras. At ito na. Malapit ng sumikat ang araw.
"Henry is in coma stage"
Habang nakatingin ako sa langit. Para bang biglang bumagal ang mundo ko sa sinabi ni ian...
Dahan dahan akung tumingin sakanya dahil sa sinabi niyang iyun.
H-henry? N-nasa coma siya? I-ibig sabihin.... ibig sabihin h-hindi pa siya p-patay?
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT MISTAKE
General FictionMistake. Have you guys commit a mistake? Ang isang pagkakamali na gusto niyong balikan? Yung bang tipo na kahit isang pagkakamali. Masayang alalahanin at balik balikan. Kaya lang. Masaya kayang balikan ang isang pagkakamali. Kung lahat ng FIRST TIME...