Mistake 28

696 29 0
                                    

Neko

Nang makarating ako sa bahay namin ni kier. Napatigil ako ng makita ko ang nangyari sa sala. Ang mga upuan rito ay nakatumba. Yung mga librong nakapatong kanina sa mini table sa sala ay lukot-lukot na. Para bang dinaanan ito ng isang malakas na bagyo dahil sa ginawa ni kier.

Kaagad akung nagtungo sa kwarto naming dalawa. Pero kaagad rin akung nakahinga ng maluwag ng makita kung maayos ang lahat sa kwartong iyun.

Ang kwarto ko. Kung saan lahat ng bagay na naroroon ay may sentimental value sa akin. Dahil lahat ng iyun ay galing sa sarili kung sikap. Kaya sa oras na magulo ito hindi ko mapapatawad si kier.

Kaagad akung umalis roon at hahanapin ulit sana si kier. Kaya lang napatigil ako sa paghahanap sa loob ng bahay ng marinig ko ang isang hagulgol na iyak niya.

Pumunta ako sa kusina. Kung saan dun ko naririnig ang pagiyak ni kier. Pero nang pagpunta ko roon. Napatigil ako sa nadatnan ko. Ang mga basong pinagpaguran ko. Yung mga platong magaganda ang disensyo at mga kutsra't tinidor na may ginto ang disenyo ay nagkahulog hulog sa sahig. At yung mga babasagin ay basag na. Kaya halos mapuno na ito ng mga bubog sa paligid.

Umiling ako dahil sa nadatnan ko. Paanong nagawa ni kier ang gantong bagay? Ano bang dahilan niya para sirain ang mga gamit rito?

"I hate them... bakit? Bakit sila pa ang naging magulang ko? Bakit ginusto ni papa na maging ganto ang buhay namin? Bakit? Huhu" rinig kung sabi ni kier sa sarili niya.

Kaya kaagad kung sinundan ito. At nakita ko siyang nakasandal sa isa sa mga drawer rito sa kusina. Habang ang ulo niya ay nakapatong sa dalawa niyang kamay.

Para bang biglang piniga ang puso ko ng makita ko ang sitwasyon ni kier. Halos dumanak ang dugo sa paligid niya. Dahil sa mga bubog na nakuha nito.

Yung mga paa niyang may dumadanak na dugo dahil sa bubog. Tapos yung mga kamao niya ay puro may dugo rin. Tsaka yung braso niya ay may bahid narin ng dugo.

Ano bang nangyari sakanya? Ano bang nangyari nung nasa hospital kaming dalawa? Ako masaya ako... dahil alam kung may mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa akin. Dahil nakita ko ang mga taong importantesa buhay ko. At hindi lang isa ang nakita ko. Dahil dalawa silang naroroon.

Kaya lang ang tanong. Sino ang pinunta nila roon sa hospital? Si mama ba? Dahil nung simula ng maalala ko ang nakaraan ko. Pwera lang sa pagkamatay ko. Hindi kuna nakita si mama. Ang pagkakaalala ko lang ay lumayas na ako sa puder niya at nagpakalayo-layo sakanya. Kaya nung pinuntahan ko ang dati naming tinutuluyan ni mama. Hindi kuna siya makita. Hindi ko rin matanong kung saan siya nagpunta dahil isa nalang akung hamak na multo. At hinahanap ang kasagutan kung bakit ako nabubuhay sa mundong ito bilang isang multo.

"Kier" pagtawag ko sa pangalan ni kier at lumuhod rin. Kahit na may bubog roon sa niluhuran ko. Hindi ako nasugatan. Dahil isa nga akung multo. At sa pagiging multo ko. Tanging si kier lang ang nakakakita at nakakahawak sa akin.

Tumingin siya sa akin at lalo akung naawa sa itsura niya ngayon. Wala mang mga sugat sa mukha niya. Pero may talsik ng mga dugo ang mukha nito. Habang umiiyak siya ay kaagad itong yumakap sa akin. Kaya kaagad ko naman siyang niyakap para damayan.

Alam kung may pinagdaraanan si kier. Pero hindi ko matanong kung ano iyun. Dahil tanging paghagulgol at pagiyak lang ang ginagawa niya habang nakayakap sa akin.

"Bakit ganto? B-bakit n-neko?... m-masama ba akung tao? T-totoo b-ba a-ang sinabi n-narinig ko k-kay mama? T-totoo bang n-nakapatay a-ako?" Medyo nawindang ako sa tanong ni kier. Kahit na nauutal siya dahil sa pagiyak.

N-nakapaty? Teka... ito ba ang pinag daraanan niya ngayon huh? Na may napatay siyang tao? P-pero sino?

Napaawang ang bibig ko ng may marealize ako... t-teka... kaya ba nakikita ako ni kier... d-dahil?...

Napailing ako dahil sa mga iniisip ko. How come na si kier ang magiging sagot sa pagkatao ko? Tsaka paanong siya ang pumatay sa akin? Hindi ba't dapat sa humpisa palang malalaman kuna kung siya ang pumatay sa akin? Kasi tulad nung nangyari sa akin nung nasa club ako. Yung club na napuntahan ko ay ang dating pinagtatrabahuhan ni mama.

At dahil dun ay bigla kung naaalala ang nakaraan ko. Kaya kung si kier ang dahilan ng pagkamatay ko... bakit hindi ko maalala sakanya? Na siya ang naging dahilan... is it because i don't want to believe it? Na siya talaga? O baka naman nagkakamali lang ako?

"N-neko... h-hindi ba't Henry ang totoo mung pangalan?" Bigla akung napatigil sa pag iisip dahil sa tanong niyang iyun.

Oo nagpakilala ako bilang si henry. Dahil nung naaalala ko ang nakaraan ko. Naaalala kunarin ang pangalan ko. At nung may mangyari sa aming dalawa ni kier. Sinabi ko sakanya ang totoo kung pangalan.

"Yes. It is" pagsagot ko sa tanong niya at tumango.

Kaagad itong humiwalay sa pagkakayakap sa akin at tumingin ng deretso sa mga mata ko. Kahit na nagtataka ako dahil sa inasta niya ngayon. Tinitigan ko rin ang mga mata niya.

"Mama said... i killed someone... no... kevin and i killed someone.. " umiling muna ito na para bang nagdadalawang isip sa sasabihin niya.

Dahil sa inaasta niya. Kaagad kung kinapitan ang kanang kamay niya at yung kaliwang kamay ko naman ay ipinatong sa pisngi niyang may bakas ng luha at dugo.

"If it's true kier... then bakit hindi ko maalala? Kung ako ang tinutukoy mo... bakit hindi ko maalala nung una tayong magkita?" Pagtatanong ko sakanya.

Naikwento ko narin kasi kung paano ko naalala si mama at syempre. Si ian rin. Kung paano ko nakilala ang dalawang taong parte ng nakaraan ko.

At yung dalawang nakita ko sa hospital kanina. Ay yung ang nagpatunay kung paano ko maaalala ang nakaraan ko.

"Then kung ganun. Hindi totoong may napatay ako?" Tumango ako sa tanong niyang iyun.

Lalo akung lumapit kay kier at ipinatong ang noo ko sa noo niya. At yung kaninang kanang kamay kung nakahawak sa kamay niya ay inilapat ko sa dibdib niya.

"Yes... you can't kill someone kier... dahil wala sa personalidad mo ang pumatay ng tao... pero kung totoo man ang sinabi ng mama mo sayo?..." saglit akung napatigil at inilayo ang mukha ko at tinitigan siya ng mabuti sa mata niya.

"You have a reason why you'll do that... Reason to protect someone that you really love... or to protect yourself... remember this kier... lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ng isang tao ay may dahilan... kaya kung ano man ang dahilan kung bakit ka nakapatay... dahil may mga bagay kang protektahan. At sa oras na hindi mo iyun maprotektahan... pagsisisihan mo iyun sa huli..." dugtong ko sa sinabi ko sakanya. Bago ako tumayo at inilahad ang kamay ko sa harapan niya.

Yeah. It's true. People commit some mistake. A mistake that will protect there love one's. Pero sa oras na hindi mo iyun maprotektahan sa paggawa ng isang kamalian. Pupwede mo itong pagsisihan sa huli. At ika nga ng lahat. Nasa huli ang pagsisisi.

ONE NIGHT MISTAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon