Mistake 23

704 31 0
                                    

KIER

"Totoo ba ang sinabi mo sa akin huh?" Pagtatanong ko dun sa taong kikitain ko.

May information kasi siyang ibinigay sa akin tungkol sa connection ni ian at henry.

At dahil sa kakaisip ko tungkol sa connection ni neko at kay ian. Hindi ko mapigilang maghagilap ng information tungkol sakanila. And to find the truth ay ito siya at kausap ko ang isang tao na naging malapit kila ian at kay henry.

"Yes, if you don't believe me? That's not my problem anyway. Im just here to help you lang naman. Specially sa kaibigan ko" sagot niya sa akin tsaka tumayo siya sa kinauupuan naming table.

"Oh before i forgot. Ito nga pala ang number ko" may inilapag siyang calling card sa table namin at umalis na roon.

Kaagad kung kinuha yun at tinignan ng mabuti.

Hailey Anderson
0935289****

At nang matapos ang usapan naming yun ay kaagad rin akung umalis roon.

Saktong pagkaalis ko sa cafe ay biglang nag ring ang phone ko. Saglit akung mapatigil sa paglalakad upang kunin ang phone ko. Tinignan ko muna ang tumatawag at ng makita ko ang pangalan ni jade ay kaagad ko rin itong sinagot.

"Oh ja---" hindi ko naituloy yung sasabihin ko kay jade ng magsalita kaagad ito.

"Hey loverboy. Want to hang out with us? Infairness ang ganda niya ah" napakunot ang noo ko sa sinabi niyang iyun.

Loverboy? T-tsaka maganda? What the heck....

Kaagad akung nagpalingon lingon sa paligid ko ng marealize ko ang sinabi niya sa akin.
At saktong pagtingin ko sa parking lot ay nasagi ng paningin ko ang pamilyar na sasakyan na kulay pink...

"I see" tanging nasabi ko lang tsaka naglakad ako sa kotse ni jade.

Iba rin kung minsan ito si jade ano. One of the boys na nga siya sa tropa namin. Pero hindi parin nawawala ang pagiging girly type niya. Masyado siyang mahilig sa pink.

"So how's your date huh?" Salubong sa akin ni jade ng makasakay ako sa back seat ng kotse niya.

"That was not a date jade. May pinag usapan lang kami" tugon ko sakanya ng isara ko yung pintuan.

Ilang segundo rin ang dumaan ay bumukas naman ang pintuan ng passager seat at umupo roon si harold.

"So are we ready guys?" Pagtatanong ni jade sa amin ni harold.

Tumango lang kaming dalawa ni harold at kaagad niyang pinaandar ang sasakyan niya.

Habang nasa byahe kaming tatlo ay hindi nawala ang kwentuhan sa amin. Siguro ay hindi narin namin namalayan ang oras at inabot na kami ng gabi ng ihinto ni jade ang sasakyan niya sa isang parking lot kung saan malapit ang isang club.

"Magka-clubbing tayo guys? How about jake?" Pagtatanong ko sa dalawa kung kasama ng bumaba kami sa sasakyan ni jade.

Saglit siyang tumingin sa akin at nagsalita.

"No need to worry kier. Siya rin naman ang nagpapunta sa atin rito. He wants to introduce her girlfriend to us" tugon sa akin ni jade at nagpatuloy sa paglalakad.

Napakibit balikat ako dahil sa sinabi niya. I didn't know na si jake pala ang mag aaya sa amin rito sa club. And to think na sobrang sipag nito sa pag aaral dahil sa course niya. Pero ito siya at may ipapakilala siya sa aming girlfriend niya.

Nakakatawa diba? Kasi kung sino pa ang taong sobrang sipag sa pag aaral ay siya pa yung unang magkakaroon ng girlfriend sa amin.

Pero habang naglalakad kaming tatlo papasok roon sa club ay hindi ko mapigilang mapatingin sa paligid. Hindi ko masabi. Pero para bang ang lakas ng pakiramdam ko na may ibang mangyayari rito sa club.

ONE NIGHT MISTAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon