Neko
Pagka alis na pagka alis ko sa bahay. Dahil sa naalala ko habang naghahalikan kami ni kier. Isang lugar lamang ang pinuntahan ko.
Isang lugar na alam kung saan ko makikita ang sarili ko. At kung saan naroroon ang mga taong alam kung nagmamalasakit sa akin.
"Henry anak... gumising ka anak ko..." salubong sa akin ng isang boses ng lalaki ng sumulpo nalang ako sa pintuan ng kwartong ito.
Naluha ako dahil sa nakita ko. Isang matandang lalaki na nasa mid 40's habang hawak hawak ang kanang kamay ng isang lalaki na nakahiga sa kama na maraming nakatusok na aparato sakanyang katawan.
Hindi ko alam kung bakit ako naluluha habang lumalapit ako sakanilang dalawa. Hindi ba't ito rin ang gusto ko? Ang malaman kung bakit ako nagkaganito? Kung paano ako naging isang multo? At kung ano ang connection namin ni kier?
Pero bakit ganito? Bakit masakit ang puso ko? Nalaman ko naman ang totoo ah. Nalaman ko kung sino ang dahilan sa lahat ng ito... pero bakit? Bakit may parte padin sa puso ko na nasasaktan?
Dahil ba sa minahal ko si kier? Kaya ako nagkakaganito? Pero hindi dapat... hindi ko dapat siya minahal kung alam kung siya ang dahilan ng ito...
Lumuhod ako sa harapan ng lalaking umiiyak at sinubukang yakapin siya. Alam ko namang hindi niya mararamdaman ang yakap ko eh.
"P-papa..." tawag ko sakanya.
Kahit na tumagos ang katawan ko ay nanatili parin akung umiiyak sa harapan niya.
I know na may reason siya for leaving us. Kaya niya kami iniwan ni mama... dahil alam kung hindi niya rin gustong iwan ang nag iisa niyang anak rito...
Pero nangyari na ang dapat mangyari eh... iniwan na niya, kami ni mama ng kaming dalawa lang. At dahil sa hirap sa buhay ang nanay ko... bumalik siya sa dati niyang trabaho habang iniwan rin nito ang anak niyang nag iisa at walang karamay.
I felt so bad when i realize how life is important. Dahil hindi ko alam na ganito pala kaimportante ang buhay... na kahit mahirap ang buhay ng isang tao... May magiging daan upang umayos at gumanda ang buhay niya.
But it's too late. Dahil hindi ko alam na ganto ang kahihinatnan ng buhay ko. Hindi ko alam na nasa life and death situation na ako. Dahil tanging mga aparato nalang na ito ang nagiging susi para manatili akung buhay.
"Tito..." napatigil ako sa paghagulgol ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.
Ang taong kasa-kasama ko. Simula ng iwan ako ng aking magaling na ina. Si ian...
"Hijo... Bakit? May problema ba?" Agad na ibinalik ni papa ang kamay ko at inayos ang kumot ng hospital sa katawan ko.
Tumayo narin ako habang nakatalikod sakanilang dalawa na pinupunasan ang mga luhang pumapatak sa aking mata.
"No tito... wala naman pong problema... but two of my friends want to see henry" bigla akung napatigil sa pagpupunas ng mga luha ko ng marinig ko ang sinabi ni ian.
Kahit na nakatalikod ako ay alam kung papalapit rin sila sa kama. Kung saan naroroon ang katawan kung nakaratay at hinihintay nalang ang kanyang huling sandali.
"Dad... who are they?" Isang boses naman ng babae ang narinig ko.
Gusto ko na silang tignan sa mga mukha nila. Gusto kung makita ang mga mukha ng taong nagmamalasakit. Pero hindi ko kaya... dahil alam kung maluluha at babagsak nanaman ako sa sahig dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko.
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT MISTAKE
General FictionMistake. Have you guys commit a mistake? Ang isang pagkakamali na gusto niyong balikan? Yung bang tipo na kahit isang pagkakamali. Masayang alalahanin at balik balikan. Kaya lang. Masaya kayang balikan ang isang pagkakamali. Kung lahat ng FIRST TIME...