Mistake 11

1.1K 40 2
                                    

Mabilis tumakbo ang oras. Natapos kaagad ang klase namin. Kaso lang ay may kanya-kanyang gagawin ang mga kaibigan ko.

Kaya naman napagdesisyunan ko nalang din na umuwi ako sa bahay. Pumasok ako sa bahay na walang taong nakikita. I mean wala sila mama at papa dahil busy sila sa trabaho nila. Habang si kevin naman ay ewan ko kung saang lupalop siya naroroon. At syempre si manang every afternoon ay lagi siyang umaalis para mamili sa palengke.

Oh speaking of kevin nga pala. Kahit wala akung pakelam sakanya ay ito na siya. He started to enroll in other school. Oo nag eenroll na siya. Dahil sa pagkakarinig ko sa usapan nila mama noon ay plano na nilang ienroll si kevin sa isang private school. Since wala na itong planong bumalik pa sa canada.

He just wasting the good opportunity that awaits for him in canada. Kaya kahit gustong pabalikin nila mama si kevin sa canada ay hindi na nila ito mapipilit pa. Dahil si kevin kasi yung tipo ng tao na kapag nagpagdesisyunan niya na ay gagawin at gagawin niya ito. Kahit na may ibang taong nasasaktan o may mga bagay na pwedeng paghinayanganan sa desisyon niya.

Dahil sa boring ang araw ko nung umuwi ako sa bahay namin. Hindi ko namalayan ang oras at nakatulog ako sa kwarto ko ng hindi nagpapalit ng damit.
Pero hindi sana ako magigising sa pagkakatulog ko sa sahig ng maramdaman ko ang isang daliri na tumutusok sa pisngi ko.

"Ano ba? Kitang natutulog ako eh" antok kung reklamo sa tumutusok sa mukha ko.

Ramdam ko yung lamig nung sahig. Hindi ko alam kung bakit ako naririto sa sahig ng kwarto ko. Basta ang natatandaan ko. Nang pumasok ako sa kwarto ko ay bigla akung nakaramdam ng hilo. At ayun, nandito ako sa sahig malapit sa kama ko.

"Like duh mister? Natutulog ka kaya diyan sa sahig kaya kita ginigising. Baka mamaya magkasakit ka niyan eh" hindi ko pinansin yung boses na iyun at kaagad na naupo. Habang kinukusot ang dalawa kung mga mata.

"Tsaka bakit ba ang tagal mung umuwi sa bahay nyo? Hindi tuloy ako makagala ng malaya" medyo hindi nag sink-in yung sinabi niya sa akin.

Pero nagtaka naman ako dahil sa sinabi niya. Ako? Matagal umuwi? At sino namang baliw na tao ang mag aalala sa akin sa bahay na ito huh? Ni sila mama at papa nga ay walang pake sa akin kung nakauwi ba ako ng maayos eh. Pero itong tao na ito?
Dahil sa pagtataka ko sa sinabi niya. Idinilat kuna ng maayos ang mata ko matapos ko itong kusutin. Hindi kaagad rumehistro sa akin ang itsura niya. Dahil madilim ang paligid at kakamulat ko lang din naman. Pero habang tumatagal ay unti-unti kuna ring naaaninag ang mukha niya sa dilim. Nang makita ko ang kabuuhan ng mukha niya ay para akung tinakasan ng mga dugo ko sa katawan.

B-bakit... b-bakit siya naririto? Y-yung... y-yung nakita kong t-tao sa kabinet. Dun sa creepy na bahay. Y-yung hauted house na pinuntahan namin nila jake... y-yung sinasabi nilang naririnig nilang umiiyak kapag gabi...

"B-WAAAAAAHHHHH"




-----------------------------





"B-WAAAAAAAAHHHH" malakas kung sigaw ng makilala ko ang mukha nung nagsalita.

"B-bakit... bakit ka nandito? H-hindi ba't nandun ka sa c-creepy na bahay? Y-yung hauted house? Diba doon ka nakatira?" Utal kung tanong sakanya.

Crap. Why is it happening to me? Nung una akala ko weird lang ang nararamdaman ko nung makauwi kami galing dun. Tapos pinagtawanan ako nila jake kani-kanina lang kasi akala ko sinundan ako ng multo... at ngayon? Totoo nga na sinundan ako ng multong ito.

"P-pfffttt. Ano bang mukha yan? Para ka namang nakakita ng multo eh" pigil niyang tawa na tanong sa akin.

Seriously? Tinatanong niya ba talaga iyun? Kung para akung nakakita ng multo? Well, to answer his question. Yes. Nakikita ko siya. Ang multo roon sa hauted house na pinuntahan namin nila jake.

ONE NIGHT MISTAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon