Mistake 12

1K 39 1
                                    

Ilang araw narin ang nagdaan at medyo komportable na ako kay Neko. Yung multo na bigla nalang sumulpot sa kwarto ko. Ipinangalan ko nalang sakanya yun kasi medyo mukha siyang pusa. Although na hilig niya rin yung palabas na 'tom and jerry' na cartoons. At lagi siyang tumatawa kapag naiisahan nubg daga yung pusa. Kaya naman naghanap ako kung anong pwedeng ipangalan sakanya. And i found the word 'Neko' in japanese and translated it in cat o pusa.

Hehe ang cute ano? Hindi niya alam na pusa ang tawag ko sakanya. Pero okay lang naman siguro iyun. Kaysa naman tawagin ko siyang multo o mumu.

"Arh... am boring naman dito sa bahay niyo kier... labas naman tayo oh" pagmamaktol ni neko sa akin. Habang ako nakahiga rito sa mahabang sopa sa sala.

Walang pasok ngayon. Kaya naisipan kung tumambay sa bahay buong magdamag. Kahit na inaaya ako nila jake na maggala kami. Tumanggi ako sakanila. Kasi naman eh. Masyadong hetic ang mangyayari sa susunod na araw eh.

Matapos kasi nitong linggo na ito kinabukasan ay monday. And that day would be our foundation day. Ang foundation day ng dilman university na hineheld once a year. Kapag sumapit ang buwan ng october.

"Ayoko nga. Alam mo namang bukas magiging busy kami diba? Kaya mas mabuti pang sulitin ko ang pahinga ko nuh. Kaysa mag gala-gala kung saan-saan" sagot ko kay neko.

Bigla naman akung napabangon ng wala sa oras na bigla niyang kilitiin ang paanan ko.

"What the heck neko?" Asar kung tawag sakanya.

Yes. He is different with other ghost. Dahil simula nung nakilala ko si neko ay hindi siya pangkaraniwang na multo. Kasi sa pagkakaalam ko. Ang mga multo ay tumatagos ang katawan nila sa mga tao. Kapag hahawakan o babanggain nila ito. Pero yung saamin ni neko ay iba. Kasi nahahawakan niya ako at pati rin ako ay nahahawakan ko siya.

"Sige na kasi? Punta tayo sa masasayang lugar please? Gusto kung gumala" napakagat ako sa ibabang labi ko ng makita ko ang puppy eyes ni neko.

Crap. Bakit mas nagmumukha siyang pusa kapag nagmamakaawa siya. Kamukha niya tuloy si garfield kapag naggaganyan siya eh.

"Geez... oo na oo na. Masaya ka na huh? Sabing huwag kang magpuppy eyes eh" inis kung sabi sakanya.

Tsk. Bakit ba siya nagpa-puppy eyes huh? Eh pusa ang tawag ko sakanya tapos pang aso yung mata niya. Nakakainis tuloy dapat pala hinango ko nalang yung pangalan niya sa sikat na aso. Si hachiko ba yun? Yung sikat na masunuring aso sa japan.

"K-kier? Okay ka lang ba? Bakit ka nagsasalitang mag isa diyan?" Para akung tinakasan ng dugo sa buo kung katawan ng marinig ko ang tanong sa akin.

Fck. Itong neko na ito talaga eh. Yan tuloy nagmumukha akung isang baliw sa harapan ngayon ni manang dahil sakanya. Kagigil tuloy.

"P-po? Ako? Nagsasalita ng mag isa? H-hindi po manang may kausap lang po ako sa phone ko hehe" putakte naman talaga oh. Bakit ba naman kasi ganun ang palusot ko kay manang? At kailan pa ako natutong magpalusot?

"Ahh ganun ba. Ah sige iho. Kung may pupuntahan ka ngayon. Baka pu-pwede akung magpasabay saiyo." Ngumiti ako kay manang at tumango sa sinabi.

Oh well, hindi ko naman talaga balak lumabas ngayong araw. Kasi nga tulad ng sabi ko sa pusang iyun. Gusto kung magpahinga. Kaya lang dahil sakanya ay mapipilitan rin akung lumabas dahil akala ni manang na aalis nga talaga ako.

Aish. Bakit ba kasi naging ganto na ang buhay ko simula ng makilala ko siya. Oo grateful ako kasi hindi na ako masyadong nabo-bored kapag nasa bahay ako. Kasi nandiyan siya. Kaya lang minsan napag kakamalan na akung baliw sa bahay. Hindi lang si manang ang nakakakita sa akin. Pati rin sila mama at papa. At kung minsan naman ay yung magaling kung kapatid na si kevin.

ONE NIGHT MISTAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon