MAP 1

236 8 3
                                    

[Margaux's POV]

Mystic Peak Campus Square

"AAAAAAHHHHHHHH! Oh My God Oh My God!"

"Ano ba Marga, tuwing umaga na lang kung makasigaw ka wagas." saway sa akin ni Ella.

"Oo nga, move on na girl. Last week ka pa ganyan eh." dagdag pa ni Shiela.

"Huwag nga kayo, ang kj nyo." sabi ko sa kanila sabay pout.

"Di naman kami kj, ang sa amin lang kasi, 1 linggo na ang nakakalipas nung inaccept ni Spencer yung sinend mo sa kanyang friend request sa fb." -Ella

"Yun na nga friend, di ako maka move on kasi 8 months akong naghintay para iaccept niya ung friend request ko. Kyaaah." napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Feeling ko kasi namumula ako.

Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa di ba? Yung lalaking sobrang tagal mo ng crush, finally, friends na kayo sa fb. Ang tagal ko kayang hinintay yun. Ito namang mga kaibigan ko, alam naman nila kung gaano ko talaga inasam yun na mangyari tapos ito, pinapagalitan ako. T.T

"Friend, wala naman masamang maglabas ng labis na katuwaan, kaya lang, sobrang pagkadelay naman yata nung paglalabas mo, anong petsa na teh? 1 week na,1 week." sermon na naman ni Ella. Si Shiela naman patango tango lang habang yung isa, si Bettina, busy sa pagbabasa ng libro. Tss, sensya na bookworm yan eh.

"Fangirling lang naman yung ginagawa ko sa crush ko ah, wala namang masama dun." -ako

"Fangirling o obssession? Eh halos gawin mo na ngang homepage yung facebook niya eh." -Ella

Nagtataka siguro kayo kung bakit patay na patay ako kay Spencer noh? Nagsimula kasi lahat ng ito nung 1st year highschool ako. Maaga kami pinalabas nun ng teacher namin dahil 1st day ng school at dahil wala pa ako gaanong kaibigan nun ay naupo muna ako sa isang bench sa may MP Square. Dahil naiinip ako naisipan ko isulat yung 7 signs ko sa right guy para sa akin sa notebook ko. Nang matapos ako magsulat itatago ko na sana yung notebook ko sa bag ko ng malaglag ito at biglang lakas naman ng hangin. Sa sobrang lakas ng hangin may ibang page ng notebook ko ang napunit at linipad. Hindi ako magkandaugaga sa pagdampo dahil pati yung ibang gamit ko ay nahulog din sa pagkataranta ko. Napahinto ako sa pagkuha ng mga gamit ko na nahulog ng may dalwang pares na paa ang nakita kong tumigil sa harap ko. Tumingala naman ako sa kanya.

"Miss, sayo ba ito?"nakangiting sabi nung lalaki sa akin sabay abot nung papel na nakaipit sa notebook ko na linipad kanina. 

"Uhmmm, O-o."natulalang sabi ko sa kanya. Grabe, ang gwapo niya para siyang anghel na bumaba dito sa lupa. At ang tamis ng pagkakangiti niya sa akin. Matamis? Nalalasahan ba yung pagkangiti? Ay, basta. Ang gwapo niya talaga, promise. At para siyang kumikinang na dyamante. "Shine bright like a diamond", sabi nga sa isang kanta.

"Spencer, heto pa oh."narinig kong sabi nung lalaki na nasa may likod niya. Medyo kahawig niya yung lalaki pero kung siya ay mukhang anghel yung isa naman ay mukhang demonyo na naligaw dito sa mundong ibabaw pero poging devil naman.

Nakita ko naman na kinuha niya dun sa isang lalaki yung papel na inabot sa kanya at humarap ulit sa akin at inabot ulit sa akin yung mga papel na nahulog kanina. Hindi ko namalayan na natulala na pala ako sa kagwapuhan niya at hindi ko pa rin kinukuha yung mga papel ko sa kanya.

"Miss?"

*Kring...Kring...Kring...Kring

Napabalik ako sa diwa ko ng biglang magring yung school bell na hudyat na magsisimula na yung susunod na klase. 

I Ran To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon