MAP 23

49 4 0
                                    

[Margaux's POV]

Norwich Mansion

Nang huminto na sa tapat ng bahay nila Spencer yung kotse nila ay agad siyang bumaba ng kotse at pinagbuksan ako. Ang gentleman talaga ni Spencer my loves ko. Ang sarap siguro niya maging boyfriend. 

"Salamat."Nahihiyang sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin. Kyyyaaahhh....ang gwapo talaga niya. Ngiti pa lang ulam na.

"Let's go?"Pagaaya niya sa akin. Tumango ako sa kanya at sumunod na din kami pumasok sa loob ng bahay niya dahil yung ibang SSB ay dumeretso na sa loob ng bahay. Dahil siguro madalas naman sila napupunta dito kaya feel at home na sila sa bahay nila Spencer.

Nagtaka kami ng biglang napahinto yung ibang SSB sa may sala at parang mga nakakita ng multo. Tumingin din ako kay Spencer at nakita kong kahit siya ay napahinto din sa paglalakad. Tinignan ko yung tinitignan nila.

Nakatingin sila ngayon sa isang babaeng nakaupo sa sala nila Spencer habang nakadekwatro at nakacrossed arms pa. Wow...ang ganda ganda niya at ang puti. Para akong nakakita ng artista ngayon. 

Tumayo siya at nagsimulang maglakad palapit sa amin habang nakatingin sa amin. Tapos ang tangkad pa niya. Model kaya siya? O baka naman artista talaga siya? Yung mga mata din niya ang ganda ganda. Parang nakita ko na yung mata na yun? 

"Oh? Para kayong mga nakakita ng multo? Sobra naman yata akong maganda para maging multo?"Nakangising sabi niya sa amin. Napakunot naman noo ko dahil sa sinabi niya. Sino kaya siya? Tsaka ano kaya ginagawa niya sa bahay nila Spencer?

"Ate/Ate Sap?"Sabay sabay nilang sabi.

Ate daw? Tama ba dinig ko kay Spencer? Ate tawag niya dun sa babae? Meaning siya yung Ate nila Spencer na nasa ibang bansa. Kaya pala parang kamukha nila Spencer, naging babae nga lang at medyo matured. At yung mga mata niya...alam ko na kung sino kamukha niya ng mata, si Spade.

"Mukhang hindi yata ako namiss ng favorite kong little brother."Pinalungkot niya yung sinabi niya sabay extend ng dalawang kamay niya na para bang hinihikayat na lumapit si Spencer sa kanya.

Nakita ko na lumiwanag yung mukha ni Spencer at patakbong yumakap sa Ate niya."I miss you so much Ate."

"I miss you more."Gumanti din ng yakap ang Ate niya sa kanya. Habang kami ay pinapanuod lang ang reunion ng magAte.

"Namiss ka din namin Ate Sap."Sabay sabay na sabi ng mga SSB at sinugod na din ng yakap yung Ate nila Spencer habang magkayakap pa rin sila ni Spencer. Natuwa na lang ako ng parang nagulat yung Ate ni Spencer pero walang magawa sa kakulitan ng mga SSB habang ako ay naiwang nakatayo lang sa puwesto ko. Ang saya nilang tignan lahat, parang close na close ang Ate nila Spencer sa mga kaibigan nila.

"Hey hey hey. Tsansing lang kayo eh."Napalingon kami dun sa nagsalita. Si Spade pala na pababa ng hagdan.

"Inggit ka lang eh. Makisali ka din."-Juan Carlo

"Tsss....Shhuuuu...Alis alis."Nung makalapit siya sa Ate niya ay pinagaalis niya ang mga yakap ng mga SSB sa Ate niya kaya nakalas yung yakap nila. Kahit si Spencer ngayon ay kumalas na sa group hug nila kasi kanina medyo napipi na siya ng mga SSB.

"Hahaha...My overprotective little brother."Natatawang sabi ng Ate nila sabay gulo pa ng buhok nito.

"Ate naman eh!!!"Awat niya sa Ate nito sabay layo pa dito. Mukhang ayaw niya na gingulo yung buhok niya. Suplado talaga niya. 

"Hmmmp...sungit. Buti pa si Spencer."Nakangiting sabi ng Ate nito sabay hawak sa braso ni Spencer at sinandal pa yung ulo niya sa balikat nito. Bigla nagawi yung paningin niya sa akin. Nung magtama yung mga mata namin ay parang bigla akong kinabahan. 

I Ran To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon