MAP 10

99 7 1
                                    

[Margaux's POV]

Mystic Peak Room 1-4

Hay naku...gustong gusto ko na umuwi, last subject na namin ngayong araw. Gustong gusto ko na dumaan sa room nila Spencer at masulyapan na naman ang anghel niyang kagwapuhan. Kyaaahhh...ang saya saya ko na talaga nitong mga nagdaang araw dahil madalas na binabati na niya ako at nginingitian kapag nagkakasalubong kami. Oh di ba? Ang swerte ko noh? 

"Hoy babae, ikaw na."pagtapik ni Spade sa balikat ko pero halos bira na yung ginawa niya sa lakas kaya naman biglang naging active na naman ang mga cells ko sa ginawa niya.

"Ano ba?"iritableng sabi ko sa kanya. Kainis talaga itong asungot na ito kahit kailan panira eh. 

"Just say 2."sabi niya sa akin.

"Ayoko nga."Sabihin ko daw 2? Ano ako? Uto uto?

"Ms. Heinzrich, nakakacause ka na ng delay. Sabihin mo na kung ano number mo."mataray na sabi ni Ms. Alejandro sa akin na nasa may harapan. Siya ang teacher namin sa Home Economics. 

Ano daw? Hindi talaga ako makarelate sa kanila. Kayo ba alam nyo? Hindi ko din kasi alam anong nangyayari eh. Kasi naman busy ako sa pag-iisip kay Spencer my loves ko. Hayyy... >.<

Tumingin ako sa tatlong bruha kong kaibigan at humingi ng saklolo. Sa pamamagitan ng aming eye contact ay agad naman ako naintindihan nila Ella at Shiela habang si Bettina naman ay wapakels at nagbasa lang ulit ng libro niya. Sumenyas sila Ella at Shiela ng peace sign. Ha? Peace sign? Kailangan ko ba magpeace sign kay Ma'am.

"Eh...Ma'am. Peace."Nakangiting sabi ko kay Ms. Alejandro. (^_^)V

"Ms. Heinzrich, we're waiting. Wala akong oras makipagbiruan sayo."galit na galit ng sabi ni Ms. Alejandro sa akin habang yung mga kaklase ko naman ay tumatawa na. Nakita kong nagface palm yung dalawa. Bakit? Akala ko ba pinagpepeace lang nila ako kay Ms. Alejandro? Bakit galit na galit pa rin sa akin si Ma'am? (T.T)

"Tsk, stupid."narinig kong sabi nung katabi ko. Pabulong pa niya sinabi yun pero dinig na dinig ko naman.

"Aba't...Hindi ako stupid noh?"mahinang sabi ko sa kanya dahil baka makahalata si Ms. Alejandro sa amin ay magalit pa ito lalo sa akin ngayong nakatingin pa rin siya sa akin.

"Sige nga. 1+1=?"nakapalumbabang tanong niya sa akin pagkatapos ay tumingin sa akin. 

Tsss...yun lang ba itatanong niya? Wala na bang hihirap dun? Sabagay baka wala siyang alam na mas mahirap na itanong dahil hindi niya alam ang sagot. Hmmmp, ako daw tanga eh siya nga itong kailangan pa ng tutor para balikan ng gf niya.

"Edi Two."hindi ko namalayan na napalakas yung pagsagot ko sa kanya. Nakita kong nagsmirk naman siya.

"Finally."narinig kong sabi ni Ms. Alejandro na nasa harapan."Next."

"1"-Classmate 1

"2"-Classmate 2

"1"-Classmate 3

"2"-Classmate 4

Hala! Kaya naman pala. Pinagbibilang pala kami ni Ms. Alejandro ng 1 to 2. Nakakahiya naman. Bakit ba kasi ang slow slow mo Margaux? Tama na kasi day dreaming. 

"Okay Class, yung 1 and 2 ang magkapartner."sabi ni Ms. Alejandro at nagayos na siya ng gamit niya. "Prepare for our cooking class tomorrow. Bye Class."

"Bye Ma'am."sabay sabay na sagot ng mga kaklase ko at lumabas na ng classroom namin si Ms. Alejandro.

Habang ako na naman ay naiwang naguguluhan? Kapartner? Bakit kailangan ng may partner? Tsaka cooking class? May cooking class daw kami bukas? Ano naman lulutuin namin? Ang dami kong tanong. Ayan kasi napapala ng nagdadaydreaming sa klase. 

I Ran To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon