MAP 5

143 6 1
                                    

[Margaux's POV]

Mystic Peak Main Gate

Napuyat ako kagabi kakabantay sa update sa SSB fansite.  Baka kasi nag update na ung admin about dun sa issue kay Spencer my loves. Sa kakabantay ko kagabi, madaling araw na ako nakatulog. Tinignan ko ulit yung site kanina at laking tuwa ko nung makita kong walang bagong update about kay Spencer, meaning wala pang nangyayari.

Nung papasok na ako sa gate ng school, napansin kong iniiwasan at lumalayo sa akin yung mga tao. Anong meron? Wala naman akong nakakahawang sakit ah. Ang ganda ganda ko tapos nilalayuan nila ako? Aba magaling. Nakita ko sa di kalayuan yung 3 bruha na mga tumatawa pa. Nilapitan ko sila.

"Uy friends, bakit ang saya nyo?" 

Pagkakita nila sa akin, nanlaki yung mga mata nila at agad namang nagsisisigaw si Shiela.

"Waaaaahh! May zombie, may zombie!" sigaw ni Shiela.

Bigla siyang binatukan ni Ella.

"Shunga, mukha yan na tinubuan ng eyebags. Hahaha." -Ella

Napatigil naman sa pagsigaw si Shiela at tinignan akong maigi sabay kamot sa ulo.

"Ay oo nga ano, akala ko zombie." -Shiela

"Panay kasi ang nuod mo ng The Walking Dead eh. Good morning Marga." bati sa akin ni Bettina. Nginitian ko lang din siya bilang pagbati.

"Marga?! Ikaw yan?" sabay na tanong ni Ella at Shiela.

"Ako nga, sino pa ba ang nag iisang dyosa dito sa school." sabi ko sabay flip ng aking magandang buhok.

"Dyosa? Eh mukha kang impakta, ang laki ng eyebags mo. Saang lupalop mo naman inani yan?" -Ella

"Eh kasi----" naputol yung sasabihin kong biglang sumingit si Shiela.

"Binantayan niyan ung SSB fansite o kaya naman yung fb ni Spencer. Ano tama ako noh?" -Shiela

Tumango naman ako.

"Friends , mabaho ba ako? Pakiamoy nga." nilapit ko yung katawan ko dun sa tatlo at pinaamoy yung sarili ko. 

"Shiela,sabi ko amoy hindi singhot." sita ko kay Shiela, akala mo aso kung singhutin ako eh.

"Mabango ka naman, bakit mo natanong?" -Ella

"Eh kasi kanina habang papasok ako ng gate ng school, pinagtitinginan at nilalayuan ako ng mga tao. Di ba sila makapaniwala na ganito ako kaganda. Friends, naiiyak ako, sa sobrang ganda ko, nilalayuan nila ako. Huhuhu." kinuha ko pa yung panyo ko sabay punas sa mata ko.

"Gaga, paanong hindi ka lalayuan at pagtitinginan, nakakatakot itsura mo. Ang laki na ng eyebags mo naka make up ka pa." -Ella

"Light make up lang kaya to, hindi katulad nung mga friends ni Lalaine na mukhang clown sa kapal ng make up." 

"Kahit na, ang pangit pa rin." -Ella

"Tse, basta maganda pa rin ako, di ba Shiela?" 

"Oo naman kahit hindi." nakangiting sabi ni Shiela. Minsan hindi ko maintindihan ugali nitong si Shiela, minsan ang tino kausap minsan naman, maloko.

"Kelan kayo magstart ni Spade sa tutorial session nyo?" tanong ni Ella habang naglalakad kami papunta sa room namin. Naikwento ko na kasi sa kanila yung deal namin ni Spade. Si Ella nga habang nagkukuwento ako kinikilig kilig pa, eh wala namang nakakakilig dun.

"Ewan ko dun kung kelan kami magstart. Wala naman siyang sinabi."

"Ang galing noh friends, hanggang ngayon wala sa SSB fansite ung break up nila Spade at Lalaine. Mukhang wala pang nakakaalam, ang galing nila Lalaine magtago ah." biglang sabi ni Shiela kaya napatingin kami sa kanya except Bettina, as usual, nagbabasa ng libro.

I Ran To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon