MAP 22

61 5 0
                                    

[Juan Carlo's POV]

Mystic Peak Room 1-4

"Nakakamiss naman si Spade. Bakit kaya hindi siya pumasok ngayon?"Nakapout na sabi ko habang nakadukdok sa desk ko. Haysss....ang boring boring talaga dito sa school tapos late pa yung teacher namin. Sarap pa naman matulog lalo na after lunch break at busog.

Umayos ako ng upo ko at tinignan ko yung katabi ko. Ayun busy sa pagdodoodle. Haysss...sana kasi magkakasama na lang kaming mga SSB sa isang classroom para hindi ganito na boring. Wala naman ako mapapala din kay Gray parang Spade the second ito eh.

"Uy...Gray."Kinalabit ko siya pero walang reaksyon at tuloy pa rin sa pagdodoodle. Pero syempre hindi ako papatalo. Ako pa? Kaya hindi ko siya tinigilan ng kalabit hanggang sa hindi niya ako pinapansin.

"Ano ba?"Singhal niya sa akin ng hindi na siya makatiis. O di ba? Edi ako din ang nanalo. Bwahahaha...

"Alam mo ba kung bakit absent si Spade ngayon?"

"Hindi kaya tigilan mo ako. Nababakla ka na naman."Napasimagot naman ako sa sinabi niya. Ayan na naman yung kabaklaan na yun? Hindi naman ako bakla eh. Lalaki po ako. (T^T)

"Syempre. Kayo kaya magbest friend nun."Nakasimangot na sagot ko sa kanya. Magsasalita pa sana siya ng biglang dumating yung adviser namin na si Sir Ferrer at may kasamang batang lalaki na kaedad namin at naka uniform namin. Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita.

Tinignan ko yung kasama ni Sir. Medyo maliit at chubby pero cute naman siya tignan pero syempre mas cute pa rin ako.

"Class, may ipapakilala ako sa inyo na bago ninyong kaklase."Anunsyo sa amin ni Sir Ferrer sabay tingin dun sa lalaking kasama niya.

Nakakapagtaka lang ah? Tapos na yung first grading at halos nasa second grading na kami pero tumatanggap pa rin sila ng transferee. Malakas siguro sa school yung bagong lipat na yun.

"U-hm...Hi. Ako nga pala si Maxwell Brown."Pakilala niya sa  aming lahat sabay kaway pa. Ang cute talaga niya pero bansot nga lang. Natawa naman ako bigla sa naisip ko.

"Max-well."Pabulong na sabi ni Gray habang titig na titig dun sa lalaking nangangalang Maxwell.

"Ayyyiiieee...wag mong sabihing type mo yun Gray?"Kantyaw ko sa kanya masyado kasi siyang seryosong nakatitig dun sa Maxwell na yun.

"Ulol. Hindi mo ba naiisip yung iniisip ko?"Kunot noong tanong niya sa akin. Ano naman yung iniisip niya na kailangan maisip ko din? B1 at B2 ba kami? Umiling ako sa kanya. Nagulat ako ng batukan niya ako.

"Aray ah!!!Ang sakit nun."Hinimas himas ko yung ulo ko yung likod ng ulo ko.

"Ang tanga mo kasi."Aray lang ah? Kung makatanga naman ito parang siya hindi din tanga. Hmmmp.

"Buti pa sila katulad ko din ang iniisip."Tinignan ko yung tinitignan ni Gray. Mga member ng Midnight Fury at nagbubulungan sila.

"Class, iwan ko na sa inyo si Maxwell at late na ako para sa next class ko."sabi ni Sir Ferrer sabay lingon dun sa Maxwell.

"Dun ka na umupo sa katabing upuan ni Ms. Heinzrich."Turo niya dun sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Margaux. Sabagay yun lang naman kasi ang bakanteng upuan pero hindi yung upuan ni Spade yun ah? Yung sa kabila.

"Ano ba kasi meron?"Nacurious na din ako ng makalabas si Sir Ferrer ng classroom ay lalong dumami ang nagbubulungan habang nakatingin dun sa Maxwell.

"Pakinggan mo kasi sila ng mabuti."Yun lang ay hindi na naman niya ako pinansin pero nakatingin pa rin siya dun sa Maxwell na ngayon ay nakaupo na.

Alam kong masama ang pagiging chismoso pero no choice ako kundi yun ang gawin ko. Ang makinig sa usapan ng iba.

I Ran To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon