MAP 13

82 8 0
                                    

[Margaux's POV]

Gymnasium

"Eh sorry na nga eh. Di ko naman sinasadya kung napalakas man yung pagsipa ko." reklamo ko kay Spade. Bwisit na lalaking to, kinaladkad ba naman ako dito sa gym. Pero thanks to him kasi hindi ako nahuli ni Spencer. Yun nga lang, patay naman ako sa kanya.

"Sinadya mo yun, para hindi na ako magkalahi. Sayang ang gwapo genes ko kung nabasag yun."

"Gwapo genes? Meron ka nun? Di ba si Spencer lang?" painosente kong tanong.

"Konting konti na lang, isasaksak na kita sa baga ni Spencer."

"Ay gusto ko yan." tuwang tuwa na sabi ko.

"Tsk, delusional girl." naupo siya dun sa hagdan sa may paakyat ng stage at isinandal yung ulo niya sa pader.

"Hoy, ano bang ginagawa natin dito?"nakapamewang kong tanong. Di siya sumasagot, nakapikit lang siya.

"Tsk, bahala ka nga, aalis na ako." tumalikod na ako nagsimulang humakbang.

"Stay."

Napalingon ako sa kanya, ganun pa rin nakapikit. 

"Anong stay?" takang tanong ko sa kanya pero hindi naman sumagot. 

"Pinagtitripan mo ba ako? Kasi kung oo, wag ngayon, may klase pa akong papasukan. Bahala ka diyan kung hindi ka papasok." tumalikod na ulit ako at nagsimula ng maglakad.

"Stay......with me." sambit niya na nakapagpakabog ng dibdib ko. Hala bakit ganito, biglang lumakas yung tibok ng puso ko. Anyare? Masyado ba akong kinilabutan at natakot sa mga sinabi niya kaya  ganito umakto ang puso ko?

Nakatingin lang ako sa kanya. Unti unting bumukas yung mga mata niya. Yung mga mata niya, ibang iba ngayon kaysa sa karaniwang nakikita ko sa kanya. Yung ngayon kasi, parang ang lungkot lungkot, puno ng pain. Ganit ba ang epekto ni Lalaine sa isang Spade Norwich?

Hindi ko napansin na naglalakad na pala ako papalapit sa kinaroroonan niya at naupo sa tabi niya. Kahit ako nagulat sa ginawa ko, para bang may sariling utak yung katawan ko. Tahimik lang kami walang nagsasalita, ang awkward tuloy lalo na at kaming dalawa lang ang nandito sa gym.  Tumingin siya sa akin. 

"Bakit nandito ka? Akala ko ba aalis ka na?" tanong niya habang kinukuha yung phone niya sa bulsa.

"Sabi mo magstay ako." 

"Eh bakit mo naman sinunod?"

"Aba malay ko, bigla na lang gumalaw yung paa ko papunta dito eh."

"Weird." tapos nagpasak na siya ng earphones sa tenga niya at pumikit na naman. 

Ano ba naman yan? Sasabihan ako ng stay with me daw tapos ganito lang pala ang gagawin sa akin, ang ngumanga habang nakatanga tapos siya matutulog lang. Nabobored tuloy ako. 

"Anong ginagawa  mo?" tanong ko sa kanya.

"Watching."

"Hoy ah, wala akong time makipagpilosopohan sayo. Ano nga kasi?"

"Tsk, isnt it obvious? Listening music. Use your head,idiot." kahit nakapikit siya, alam kong nanlilisik yung mga mata niya, halata naman sa kilay eh, salubong na salubong.

"Pakinig din ako ha." pagpapaalam ko sa kanya.

"Bahala ka." 

Agad kong kinuha yung isang earphone saka pinasak sa tenga ko. Ooh, nice song ha.  Akala ko puro rock song lang pinapakinggan niya, nakikinig din pala siya ng mga ganito.

I Ran To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon