MAP 24

81 5 0
                                    

[Margaux's POV]

Mystic Peak room 1-4

"Hello Earth to Marga? Kinuha na ba ng alien yang kaluluwa mo?"  kumaway kaway pa ng kamay si  Ella sa harapan ko. Tulala ako at alam ko yun. Kaya lang tulala ako kasi hindi ako makapaniwala sa nangyari kahapon. Ipinakilala niya ako sa ate niya at nililigawan pa niya ako. Dream come true di ba.

"Baka naman comatose?" rinig kong sabi ni Shiela kaya nabatukan sya ni Ella.

"Mag isip isip ha. May comatose bang dilat?"

"Eh stroke na lang?" pacute pang sabi ni Shiela.

"WALA! Gusto mo try mo." naiinis na sabi ni Ella.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko maintindihan ung halo halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Di ko naman kasi akalain na ngayon na darating yung araw na matutupad yung mga pinapangarap ko eh. Sobrang nakakashock na masaya.

"Marga! Okay ka na?" nagulat ako ng biglang hawakan ni Shiela yung magkabilang pisngi ko.

"Oo naman, ano namang mangyayari sa akin?"

"Kanina ka pa kasi tulala, eh sabi ko kay Ella baka nacomatose ka na o kaya naman nastroke pero ang sabi niya wala daw nacocoma or nastroke ng dilat. Pero sa panahon ngayon meron na, at ikaw yun." mahabang litanya niya ng wala man lang hinto.

Tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa mukha ko.

"Ano ba Shiela, baka akalain nila hahalikan mo ako sa gingawa mo sa akin eh."

"Yuck, ikaw hahalikan ko? Hindi ako lesbian noh. Naka reserve na kaya tong lips ko." sabi niya sabay takip sa bibig niya.

"Siguro nung ipinagbubuntis ka ng nanay mo Shiela, may nainom siyang gamot noh? Kaya ka naging abnormal?" nakapangalumbabang tanong ni Ella.

"Nagsalita ang hindi abnormal. Eh siya nga tong taong ibon." pagpaparinig naman ni Bettina kaya tinignan siya ng masama ni Ella.

"Abnormal ka din, kaya wag mong ihiwalay ang sarili mo. " -Ella

"Paano naman ko naging abnormal eh normal na normal nga ako." -Bettina

"Ah talaga lang ha, tingin ka sa salamin, baka magulat ka pa. Apat kaya mata mo." -Ella

"Ah, away na to oh. Sabunutan na ng dalawang abnormal." tuwang tuwang na sabi ni Shiela, pumapalakpak pa.

"Hoy, isa ka pang abnormal ka." tawag sa kanya ni Ella.

"Normal kaya ako." -Shiela

"Akala mo lang, abnormal kaya yang utak mo!" sigaw ko kay Shiela habang tumatawa.

"Ah ganon, sabihan ba to ng mga kaabnormalan ha?" sabi niya habang nakapamewang pa.

"Hindi pa ba obvious?" -Ella

"Ikaw Ella, lagi kang pms, mukha ka pang ibon, ikaw naman Bettina, nag asawa ka ng libro, may apat ka pang mata, ikaw naman Marga..ano.. *isip* ano...isa kang...*isip* ano...." wala siyang masabi.

"Ano? Isa akong ano?" nakangisi kong sabi.  Ako lang naman talaga kasi ang normal sa aming magkakaibigan eh haha.

"Wala kong masabi eh. Osige na normal ka na." napipilitan niyang sabi kaya natawa ako.

Biglang bumukas yung pinto at nakita ko sila Juan Carlo kasama yung bago naming classmate na si Max. Close na agad sila ha, nakaakbay pa si Juan Carlo.

"Master, ito si Spade. Ung si Big Bird,hindi ka niya nakita kahapon kasi absent siya." pagpapakilala ni Juan Carlo kay Spade dun kay Max.

"Hello, ako nga pala si Maxwell." nakangiti at inilahad ni Max yung kamay niya para makipag apir pero tumango lang si Spade at dirediretso sa pag upo sa upuan niya. Kabastos talagang lalaki nito.

I Ran To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon