MAP 7

132 8 0
                                    

[Margaux's POV]

Heinzrich House

"I love you Spencer."

"I love you too, Margaux."

Ayan na magkikiss na kami, ito na ang pinakahihintay kong moment sa lahat. Ayan na, konting konti na lang, malapit na malapit na. Ramdam ko na ang hininga niya. Ayan na, didikit na, didikit na ang mga labi niya sa labi ko. This is it pansit. ^_^

*BOG BOG BOG

"MARGAUX HEINZRICH!"

"Ay kabayong sumisipa!" Napabalikwas ako sa higaan ng magulat ako sa kalabog at lakas ng sigaw na tumatawag sa pangalan ko. Sino ba yung istorbo na yun? Kita na ngang mahahalikan ko na si Spencer my loves eh, konting konti na lang eh. 

"Marga, ano ba? Tanghali na, late ka na sa school." sigaw ni kuya Marco sa labas ng kwarto ko. Hmp, siya pala yung agaw eksenang kumakalabog sa pinto at sumisigaw.

Matamlay at iritado kong binuksan yung pinto at tumambad sa akin ang lukot na mukha ni Kuya Marco. 

"Kanina pa kita ginigising, ayaw mong bumangon." 

"Eh, kuya naman eh, ganda ganda ng panaginip ko tapos naputol dahil sayo."

"Ako pa sinisi mo, baka nakakalimutan mo, may pasok ka pa, kung hindi kita ginising, malamang hindi ka na makakapasok. Ano ba kasing pinaggagagawa mo kagabi?"

"Ah hehe. Magdamag ko lang naman inisip ung future brother-in-law nyo." mahina kong sabi.

"Ano?"

"Ah wala. Sabi ko tara na, kumain na tayo kuya hehe."

Si Kuya Marco talaga, napakamaiinitin ang ulo. Laging nakasigaw,di uso sa kanya ang salitang kalma eh kaya pagpasensyahan na. Di tulad ni Kuya Marcus na mahinahon at malumanay magsalita. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ayaw sa kanya ni Ate Cass. Bumababa na kami sa kitchen at nakita ko dun si Kuya Marcus na naghahanda na ng breakfast.

"Good morning kuya bait." bati ko sa kanya.

"Good morning din bunso." -Kuya Marcus

"Bakit siya binati mo ng good morning ako hindi?" -Kuya Marco

"Eh ikaw kasi eh, umagang umaga nakabulyaw ka,imbis na mag good morning ka sa akin, sigaw agad."  -Ako

"Ikaw eh, ang batugan mo. Tutulog tulog ka ng late tapos hindi mo pala kayang gumising ng maaga." -Kuya Marco

"Tama na yan,kumain na tayo. Masamang pinaghihintay ang pagkain." yaya sa amin ni Kuya Marcus.

Yung dalawang kuya ko lang ang kasama ko sa bahay for 1 week. Sila Mama at Papa kasi umattend sa kasal nila tita sa states. Ang daya noh sila lang ang pumunta, may mga pasok daw kasi kami kaya maiwan na kami dito sa bahay. Di bale, hindi naman ako malungkot, kasi nandito naman si Spencer my loves, siya ang kaligayahan ko hahahaha.

"Tinatawa tawa mo diyan?" -Kuya Marco

"Wala." sabay irap ko sa kanya.

"Irapan mo pa ulit ako, dudukutin ko na yang mata mo." -Kuya Marco

"Kuya-one oh, si kuya-two inaaway ako." pagsusumbong ko kay kuya marcus.

"Tama na nga yan, kayong dalawa lagi na lang kayong nag-aaway. Osiya, kung tapos ka na bunso, gumayak ka na at pumasok. Ako ng bahala sa pinagkainan natin." sabi ni Kuya Marcus habang nakangiti sa akin.

"Kaya gustong gusto kita kuya-one eh, ang bait bait mo talaga." at yumakap pa ako sa braso niya.

"Ahem, Tarsier alert, tarsier alert." natatawang sabi ni Kuya Marco. 

I Ran To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon