MAP 16

67 8 0
                                    

[Margaux's POV]

Outside the campus

Naalimpungatan ako sa ingay sa paligid pati na rin sa mga ilaw na naaninag ko kahit nakapikit ako. Ano ba naman yan, hindi ba nila alam na may natutulog dito? Bumaling ako at niyakap ng mahigpit ung kung ano mang hawak ko.

"Hoy tama na yang pag picture mo."

"Waaaahhh! Sinasakal na ni Margaux si Spade. Dali dali, ilayo nyo si Spade."

Anong Spade? Eh teddy bear ko itong hawak ko.

"Iangat mo yung kamay, hahatakin ko si Spade."

Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko tapos parang unti unting nawawala  yung teddy bear kaya hinampas ko yung humawak sa kamay ko. Pati ba naman sa panaginip ko, ninanakaw tong teddy bear ko?

"Aray! Huhuhu, lakas humampas ni Margaux."

"Tsk, hampas lang nasaktan ka na. Bilisan mo, hatakin mo na si Spade, pag yan nagising lagot tayo. Lalo na kapag nakita niyang ganyan yung posisyon nila."

"Gisingin na lang natin sila Twin."

"Wag, hayaan na lang natin na magising silang ganyan."

"Sige ikaw ang sasalo ng galit ni Spade ha, basta ako, binantaan ko na kayo."

"Mang-iwan daw ba sa ere? Oo na, eto na hahatakin na nga eh."

Grrr, ang ingay. Ayaw ba talaga nilang tumahimik? 

"WAHHHHHH! Pwede ba manahimik kayo? Natutulog yung tao oh!"

Unti unti kong minulat yung mga mata ko at mga taong nanlalaki ang mga mata ang tumambad sa akin. Ang SSB.

"Ahehehe, anong ginagawa nyo?" tanong ko sa kanila.

Sabay sabay naman nilang tinuro ako tsaka yung katabi ko. Eh sino ba naman itong katabi ko? Tinignan ko at isang mahimbing na Spade ang nakita ko. At isa pa, nakayakap ako sa kanya. Oo nga pala, nakatulog kami ni Spade dito sa silungan. Medyo tuyo na siya.

"Bakit mo yakap si Spade?" -Gray

"Chansing yan noh?" -Karl

"Hindi ah, nanginginig kasi siya kaya niyakap ko, body heat kumbaga."

"Oo nga naman, kasi itong mga ito kung ano ano iniisip." pag sang ayon ni Juan Carlo.

"Tara na Margaux, mag hot choco muna kayo sa bahay baka magkasakit kayo niyan." -Spencer

Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. Yes naman,nag-aalala siya sa akin haha. Binuhat nila si Spade na tulog pa rin tsaka ipinasok sa sasakyan. Sa backseat si Spade tapos ako naman pinaupo ni Spencer sa shotgun seat. Feeling ko para akong gf niya hahaha. Yung iba naman sa kotse ni Gray sumakay.

"Bakit kayo nandun ni Spade?" tanong ni Spencer my loves habang nagdadrive.

"Ah, tinangay kasi yung payong namin tapos ayun, nabasa kami ng ulan tapos sumilong kami dun. Hinihintay sana namin tumila yung ulan kaya lang nakatulog kami hehe." sagot ko sabay kamot sa ulo.

"Ganun ba? Buti naman at  hindi kayo napano lalo ka na. Babae ka pa naman,buti at nakasama mo si twin." sabi niya at humarap sa akin ng nakangiti. Namula naman daw si ako.

"Ang tibay niyang kapatid mo noh, tulog mantika." sinulyapan ko si Spade na nasa backseat, ayun tulog pa rin. Naghihilik pa nga eh.

"Ganyan talaga si Spade kaya nga minsan madalas siyang pagtripan ni Ate eh, para kasing manhid kung matulog, walang nararamdaman." tumatawang kwento ni Spencer.

I Ran To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon