MAP 6

132 8 0
                                    

[Margaux's POV]

Norwich Mansion

Hayz...ano ba naman ito? Ganito pala feeling ng maout of place. Tinignan ko ang SSB at lahat sila ay busy sa kani-kanilang mga laptop. Hmmmp, para tuloy akong timang dito na mag-isa lang sa center table na nandito sa may sala. Ang tagal kasi magbihis ni Spade parang babae lang. Ano ba sinusuot niya? Gown? At sobrang tagal niya? 

Di bale na lang pagkakaabalahan ko na lang titigan si Spencer my loves ko. Napadukdok ako sa may center table habang hindi pa rin inaalis yung mga mata ko kay Spencer na tutok na tutok sa laptop niya. Nakita ko na napatingin siya sa akin kaya naman nagiwas agad ako ng tingin. Gosh, muntik na ako dun ah?

"Naiinip ka na ba?"nagulat ako ng biglang may masalita sa harap ko. Napaayos tuloy ako ng upo ko ng makita ko si Spencer sa tapat ko at linagay sa may center table yung laptop niya.

"Uhmm...hindi naman. He he he"nahihiyang sabi ko sa kanya. Nakita ko na ngumiti naman siya sa akin. Grabe, mukha talaga siyang anghel. This is it na talaga Lord? Ito na ba yung matagal kong hinihintay?

"May ibang ginagawa yata si Twin kaya natagalan."sabi niya sabay sulyap dun sa may hagdan.

"Ok lang naman."sabi ko sa kanya. Naku, ok na ok lang sa akin Spencer kahit hindi na dumating yung bwisit mong kakambal basta't diyan ka lang. Napatingin ako sa laptop niya nakita ko na online siya sa Ran Online. Tinignan ko yung ginagawa niya nakita ko siyang parang nakikipaglaban sa ibang players.

"Tsk, matatalo din kita bro."narinig kong biglang sabi ni Gray habang nakadapa sa may carpet ng sala. Nakita ko na kay Spencer siya nakatingin at ngumiti lang si Spencer sa kanya. Hindi kaya si Gray yung kalaban niya sa game? Grabe naman sila, magkakasama na nga lang pati ba naman sa game magkakasama pa rin sila?

Bigla namang napatingin si Spencer sa akin. Grrr, maraming beses na yata niya akong nahuhuling nakatingin sa kanya. Nakakahalata na kaya siya?

"Gusto mo maglaro?"biglang sabi niya sa akin at linapit pa niya yung laptop niya sa akin.

"Naku naku hindi. Hindi ko alam maglaro niyan. Facebook at Wattpad lang alam ko."umiiling na sabi ko sabay senyas ng dalawang kamay ko na ayoko.

"Tsss...try mo lang. Masaya ito."pagaaya pa rin niya sa akin sabay bigay na din sa akin nung lacer mouse. Dahil sa ginawa niya ay lalo pa siyang napalapit sa akin. Grabe ang lapit ni Spencer my loves ko at amoy na amoy ko yung pabango niyang Bvlgari. Medyo napapikit pa nga ako sa pagamoy sa kanya eh. Hehehe...

"Ay...palaka."hiyaw ko ng biglang may tumulak sa akin. Grrr...muntik na ako matumba nun.

"Oo. Mukha ka ngang palaka. Umusog ka nga dun."sabi ni Spade habang inuusad ako palayo. Umupo kasi siya sa gitna namin ni Spencer. Bwisit talaga itong Spade na ito, kahit kailan istorbo. Inirapan ko lang siya at sabay usod palayo sa kanya. Mukha daw akong palaka? Sa ganda kong ito? Duh! Huhuhu...sayang yung pagkakataon ko kay Spencer my loves dumating na yung asungot. 

"Twin, maglaro ka na lang dun kasama nila Ryuji. Tuturuan na niya ako."sabi ni Spade kay Spencer sabay balik nung laptop sa kakambal niya. Tinignan ko lang naman siya ng masama. Kung nakakamatay lang siguro ang mga tingin ko kanina pa siya bulagta. Obvious kasi na linalayo niya sa akin si Spencer my loves ko. Akala ko ba tutulungan niya ako?

"Sige Twin. Margaux, wag ka sana magsawang turuan si Spade."nakangiting sabi sa akin ni Spencer sabay tayo na at lumapit na kila Ryuji na busy sa paglalaro. Hay naku Spencer, basta sayo pagtitiisan ko itong demonyo mong kakambal.

I Ran To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon