MAP 21

48 6 0
                                    

[Shiela's POV]

Mystic Peak room 1-4

"Hoy ano yun ha?" tanong ko kaagad pagkapasok na pagkapasok ko ng room. Nakasalubong ko kasi kanina si Spencer nung papasok ako kaya nun pa lang nagtaka na ako.

"Wala yun, hinatid lang niya ako." sagot niya sa akin ng mya ngiti sa mga labi na alam na alam ko namang kilig ang ibig sabihin nun.

"Eh kung hinatid ka bakit may ganyan pang bulaklak?" turo ko dun sa hawak niya. Kinikilig din ako, bet na bet ko kasi yung dalawang yun eh hihi.

"Masama na ba akong bigyan ng bulaklak ngayon?" taas kilay niyang tanong.

"Ehhh, hindi naman. Aminin mo nga, nanliligaw na ba sayo si Papa Spencer ha?" 

"Hmm..ewan ko. Wala naman siyang sinabi eh, saka ayokong mag assume." sabi niya sabay pangalumbaba sa desk niya. Biglang dating naman ni Ella. 

"Bakit ka may ganyan saka sino may bigay?" tanong niya kaagad.

"Si Spencer." inunahan ko na sa pagsagot si Marga.

"Si Spencer? Dont tell me nanliligaw na siya?" gulat na tanong ni Ella.

"Hindi pa naman Ella, pero sa ganun din ang tuloy nun." pagpapatuloy ko.

"Hoy ano ba, ako tinatanong tapos ikaw sumasagot? Ikaw na ba si Margaux ngayon ha?" ang taray naman netong si Margaux kahit kelan.

"Oo nga, bakit ba ikaw ang sumasagot eh hindi naman ikaw ang tinatanong ko." -Ella

"Ako kasi ang nakakaalam  ng future nilang dalawa ni Spencer. Oh di ba, tignan mo nga naman ang pagkakataon, may gusto din sa kanya yung crush niya." -ako

"Ano ka sa tingin mo, manghuhula? Saka wag kang paasa, mamaya umasa nga itong si Marga." singit ulit ni Ella. 

"Totoo naman yung sinasabi ko ah.  Gusto din siya ni Spencer, nasesense ko yun." taas noo kong sabi. 100% sure kaya ako dun.

"Malala na talaga ang sapak sa ulo nitong si Shiela,hay." buntong hininga ni  Ella.

"Oy Ella, atras mo na yang batalyon mong team Spade kasi wala ng pag-asa yan." pang iinis ko sa kanya.

"Bakit naman ako aatras, di pa naman tapos ang laban." nakangisi niyang sabi, "saka na kay Marga ang huling desisyon."

"SHUT UP!" nagulat kaming pareho ni Ella ng sumigaw si Marga. Tinignan niya kaming dalawa ng masama. "Pwede ba, tumigil na kayo, rinding rindi na ako sa pag-aaway nyo eh."

"Sorry naman." sabi ni Ella.

"Sorry din daw si ako." sabi ko naman at dumiretso na sa upuan ko.

Pagkaupo namin ni Ella, tinignan kami ni Bettina saka kami binelatan.

"Binebelat belat mo diyan nerd?" mataray na tanong ni Ella. Pag tong dalawa na to nagsabong, laking tuwa ko lang haha.

"Napagalitan kayo ni Marga noh? Mga chismosa kasi eh." -Bettina

Abat tignan mo nga naman tong Bettina na to,makapang asar akala mo hindi chismosa eh. Mahanapan ko lang to ng butas o ng ipang aasar, lagot talaga sa akin to.

"Ikaw Bettina, may araw ka rin sa akin." sabi ko sa kanya. Nagshrug lang siya sa akin.

"Bungangera!" bigla namang kumabog ang dibdib ko. Kilala ko kasi kung kaninong boses yung sumigaw eh. Kanino pa ba adeh kay Gray ko. Napatingin ako kung nasan siya at nagulat ako ng nakatingin siya sa direksyon ko. OMG! Nakatingin siya sa akin at palapit siya.

I Ran To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon