MAP 12

108 7 0
                                    

[Spade's POV]

Triumphant Road

"Ahhhh." paghikab ko. Ang aga ko naman kasi pumasok ngayon, hindi ako sanay. Hinihintay ko ngayon si Lalaine dito sa triumphant road malapit sa main gate. Nakakaantok lang maghintay, ang tagal niya. Tsk, nagtext pa naman ako sa kanya kagabi na hihintayin ko siya dito.

"Oh bro, ang aga mo yata ngayon?" -Gray sabay tapik sa balikat ko.

"Oo nga, nagbabago ka na ha. Thumbs up para sayo." Sabi ni bakla sabay pat sa ulo ko.

"Ulol. Alisin mo ngang yang kamay mo, nababakla ka na naman." 

Bigla namang ngumuso sa harap ko si Juan Carlo. Psh, nakakairita. Sa lahat ng ayoko yung pacute,lakas makabakla.

"Isang ganyan mo pa, puputulin ko yang labi mo." pagbabanta ko sa kanya.

"Ehhh, naman Spade eh, why are you so harsh to me?" nagpuppy eyes pa. Puta, gusto ko biglang manuntok.

"Sinong hinihintay mo?" -Gray

"My girlfriend."

"Ah oo nga pala, ngayon  yun noh." -Juan Carlo

"Goodluck bro, sana magkabalikan na kayo ng hindi ka laging pms." pagbibiro ni Gray.

"F*ck you."

"Alis na kami ni bakla, baka mapurnada pa yang plano mo." pagpapaalam ni Gray at naglakad na sila palayo ni Juan Carlo.

Napatingin ako sa relo sa kamay ko. Ughh, ang aga pa talaga, natutulog pa ako ng mga ganitong oras eh. Kung hindi lang dahil sa special ang araw na ito hindi ako papasok ng maaga at magpapakasarap sa pagtulog sa kama. (@_@)

"Ah talaga? Ang saya naman."

"Gusto mo sumama minsan? Tamang tama, gusto ka makilala nila Mama." 

"Sure. Gusto ko ding makilala sila Tita."

Napatingin ako sa dalawang paparating na nag-uusap. Si Lalaine at si Rusty. Tsk, panget alert.

"Lalaine.." napahinto sila sa paglalakad at tumingin sa akin.

"Uhmm..Rusty, mauna ka na, sunod na lang ako." ngumiti muna siya kay Rusty bago humarap sa akin. Damn, ako dapat ung nginingitian niya hindi yang gagong yun eh.

"Ano na naman ba ito Spade?" biglang nagbago ung expression ng mukha niya, kanina lang ang saya saya niya habang kausap yung gagong yun tapos sa akin nakasimangot siya?

"Lalaine, happy 1st anniversary." sabi ko sabay abot nung binili kong dress para sa kanya nung sabado.

Bored niyang tinignan yung hawak kong paperbag.

"Wala na tayo Spade, kaya anong 1st anniversary?" akmang aalis na sana siya pero hinawakan ko siya sa braso niya.

"Lalaine..please naman oh, makipagbalikan ka na sa akin. Hindi mo ba ako namimiss? Kasi ako miss na miss na kita."

"Spade, bitawan mo nga ako." nagpumiglas siya at tumingin sa akin ng masama. "Hindi mo ba naiintindihan yung sinabi ko sayo ha. Napapagod na ako Spade, paulit ulit na lang. Sabi mo magbabago ka, pero wala namang nangyayari. Puro ka lang salita kulang naman sa gawa.  Makikipagbalikan lang ako sayo kapag napatunayan mo ng kaya mo yang mga sinasabi mo."

"Ginagawa ko naman yung gusto mo, nag-aaral na akong mabuti...." kahit hindi naman talaga, katamad kasi..sabi ko sa isip isip ko.."balikan mo na ako." 

"Ayoko Spade." tumalikod na siya at naglakad palayo sa akin.

"Dahil ba sa kanya?" sigaw ko na nagpatigil sa kanya sa paglalakad.

I Ran To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon