MAP 19

66 6 0
                                    

[Margaux's POV]

Mystic Peak room 1-4

*yawn*

Hay, buti na lang tapos na yung exam, pwede na ulit magliwaliw at magpuyat. Nakapanlalata naman pumasok, pwedeng bang umabsent kahit ngayong araw lang? Kaya lang pag umabsent naman ako, sermon na naman ang aabutin ko kila Shiela at Ella. Si Bettina, wala namang pakielam yun eh.

"May sakit ka?" tanong sa akin ni Shiela at umupo dun sa upuan sa harap ko.

"Wala. Nanlalata lang."

"Bakit ka naman nanlalata?" kunot noong tanong ni Ella.

"Masyado yata kasing nagamit yung utak ko nung exam, idagdag mo pa yung naging kilos ni Spade kahapon sa bar, mukhang may galit sa akin eh." dumukdok ako sa desk ko.

"Oo nga noh, ang sama ng tingin sayo kahapon." -Ella

"Baka naman bad mood lang kasi siya kahapon kasi walang nasagot sa exam." -Shiela

"Hmmm, baka nga." pang sang-ayon naman ni Ella.

"Based on my observations, it looks like he's jealous." napaangat ang ulo ko sa sinabi ni Bettina.

"Jealous? Eh bakit naman siya magseselos?" takang tanong ko.

"Aha, baka naman nagseselos siya kasi inaagaw mo na sa kanya yung kambal niya. Ganun daw kasi talaga kapag kambal, ayaw ng may kahati lalo na kapag close sila." pageexplain naman ni Shiela.

"Ano ba namang mga conclusions yan Shiela. Malamang selos yun kasi ang sweet nila Spencer at Marga kahapon." -Ella

"Eh ano naman kung sweet silang dalawa? Eh gusto naman ni Marga si Spencer, at saka wala namang gusto si Spade sa kanya." -Shiela

Hay eto na naman po kami, di na naman ako kasali sa usapan. Sige sila na lang ang mag-usap, makikinig na lang ako.

"Di ka ba nag iisip ha Shiela,may possibility na nadevelop na si Spade kay Marga." -Ella

"Naku, malabo yan Ella, di ba nga mahal na mahal nun si Lalaine?" -Shiela

"Bakit hindi na ba pwedeng magmahal ng iba?" -Ella

"Hep hep! Tama na nga, baka magkasabunutan pa kayong dalawa diyan." pigil ko sa kanila. Nagkakainitan na eh. "Balik na kayo sa upuan nyo pwede? Saka wag na nating pag-usapan yan, ang gulo lang sa utak eh."

Bumalik naman na sila sa mga upuan nila. Dumukdok na lang ulit ako sa desk ko. Sumasakit lang ulo ko dun sa dalawa eh. Nung feeling ko, dinadalaw na ako ng antok, may kumalabit naman sa akin. Bwisit naman oh, kita ng nakadukdok yung tao at nanlalata eh, nangungulit pa. Simangot kong inangat yung ulo ko at tinignan kung sino yung  nangangalabit na yun.

"Hi!" masiglang bati ni Juan Carlo. Si ganda lang pala.

"Bakit?" matamlay kong tanong.

"Punta ka daw sa gym sabi ni Spade."

"Huh?"

"Dont worry, iniexcuse na kita kay Sir. Punta ka na dun, baka magalit pa yun kapag pinaghintay mo." hinatak niya ako palayo at tinulak palabas ng room.

"Teka sandali lang." habol ko sa kanya kaya lang sinara na niya yung pinto ng room. Hanep ah, kung pagsarahan ako ng room akala mo sa kanya yun.

Tsk, ano namang gagawin ko dun sa gym? Matapos akong tignan ng masama kahapon, papapuntahin ako sa gym? Sira ulo talaga kahit kelan. Akala mo kung sinong boss kung makautos. Di na rin naman ako makapasok sa room, paano kasi nakabantay si Juan Carlo, nilock pa ata. Pumunta na lang ako sa gym. 

I Ran To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon