MAP 20

60 5 0
                                    

[Margaux's POV]

Cafeteria

"Friend, saan ka ba nanggaling ah?"sabi ni Shiela sa akin ng makalapit ako sa table nila. Pagkagaling ko kasi sa CR para magayos at magpabango ay dito ako dumiretso dahil alam kong hinihintay nila ako.

"Grabe, ano ba yung amoy na yun? Ang baho?"Tinakpan ni Ella yung ilong niya at luminga linga para bang hinahanap kung ano yung mabaho. Huhuhu...patay ako nito. (>.<)

"Oo nga noh? Anong amoy ba yun?"Pagsangayon na din ni Shiela. Narinig ko pati yung mga estudyante sa katabi nilang lamesa ay nagrereklamo na din. 

Grabe naman sila kung makabaho. Huhuhu...hindi ko kasi talaga matanggal yung amoy na kumapit sa akin dahil sa mga basura kanina.

"Marga!!! Sa payatas ka ba nanggaling ah?"Sita na ni Bettina sa akin. Alam na niyang ako yung umaamoy. (T^T)

Sabay sabay namang tumingin sa akin si Ella at Shiela. Mabilis silang lumapit sa akin at inamoy ako.

"Yuck!!!"Exaggerated pang sabi ni Ella at nagmamadaling lumayo sa akin.

"Ikaw nga Marga yung umaamoy. Ewww..."Umaarteng sabi naman ni Shiela sabay turo pa sa akin.

"Nakakahiya ka Marga."Nakatakip ang ilong na sabi ni Bettina sa akin.

Hindi ko naman itatanggi na ako yung umaamoy na yun eh. Kailangan pa talagang ipangalandakan yun? Ang babait talaga ng mga kaibigan ko.

Napansin ko na nakuha na yata namin yung atensyon ng ibang mga estudyante na nandito sa cafeteria. Kaya mabilis nila akong hinila palabas ng cafeteria. 

Locker Room

Nagmamadali kaming pumunta sa locker room. Nakakahiya nga siguro talaga yung ginawa ko at yung amoy ko. Pero kailan pa naging mortal sin yung pagiging mabaho? Hindi naman di ba? Sa pagmamadali namin ay hindi ko sinasadyang may mabunggo.

"F*ck!!!"Pasigaw na sabi nung lalaking nabunggo ko. Napahinto tuloy kami at napatinggin sa kanya at hindi lang pala siya nag-iisa at may mga kasama pa siya.

"S-orry."Automatic na sabi ko dahil nakakatakot yung itsura ni Borg. Grabe yung tingin niya sa akin para bang lalamunin niya ako ng buhay. 

"S-orry? Well, sorry din sayo dahil hindi ako tumatanggap ng sorry."Lumapit siya sa akin kaya napaatras naman ako. Jusko, tulungan nyo po kami. (>.<)

"Parang natunggo lang eh."Pasigaw ding sabi ni Ella kay Borg kaya linapitan naman ito nung isang kasama ni Borg.

"Aba...matapang kayo ah?"Nakangising sabi ni Borg sa amin. Nakita ko ng hawakan nila sa braso sila Ella kaya naiinis na din ako.

"Bakit? Tama naman siya ah? Para kayong hindi lalaki kung makapagreact. Parang natunggo lang, ang arte arte nyo naman. Masakit ba ah? Ganon ba kayo kahina?"Taas noong sabi ko kay Borg at tinitigan ito mata sa mata. Nakakainis lang kasi. Nagsorry naman ako pero bakit ayaw na lang nila kami pabayaan?

"Sino ang maarte? Ginagalit mo talaga ako ah? At sino ang mahina? Naghahanap ka yata ng sakit ng katawan. Kahit babae kayo papatulan namin kayo."Pahilang hinawakan niya ako sa braso ko ng sobrang higpit. Pero kahit nasasaktan ako hindi ako dumaing.

"Sasampolan kita ng mahinang sinasabi mo."Akmang sasampalin niya ako ng biglang may humawak sa kamay niya sa may likod niya. Ready na nga sana ako na may dumapo sa mukha ko at nakapikit na ako pero naidilat ko ulit yung isang mata ko para tignan kung sino yung sumagip sa maganda kong mukha.

I Ran To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon