MAP 18

67 5 1
                                    

[Margaux's POV]

KTV VIP Room

Tinignan ko yung kabuoan nung kwarto. Dim light pero napaka colorfull nung kwarto merong mahabang sofa kung saan kami nakaupong lahat at sa tapat namin ay may isang malaking flat screen TV. Meron ding dalawang center table na pinaglalagyan ng mga pagkain at alak na inorder ng mga SSB.

Nung una akala ko hindi kami papapasukin dito dahil bawal ang mga minors sa ganitong lugar pero pinsan pala ni Karl Michael ang nagmamayari nitong KTV kaya nakapasok kami at nasa VIP room pa talaga kami.

Tinignan ko yung mga pagkain na nakalagay sa center table. Light drinks lang naman yung mga inorder nila pero kahit na may alcohol content pa rin yun tapos ang dami nilang inorder na pulutan.

"Madalas ba kayo dito?"Hindi ko mapigilang itanong kay Spencer na katabi ko. Kaming apat na babae ay magkakatabi tapos silang mga lalaki ang magkakatabi. Pero dahil kami ni Spencer ang nasa gitna ng pagkakahati ay kaming dalawa ang magkatabi sa gitna dahil na din sa pagtulak ni Shiela sa akin kanina.

Ganito seating arrangement namin sa mahabang sofa, simula sa kanan. Juan Carlo>>Spade>>Gray>>Karl Michael>>Ryuji>>Spencer>>Ako>>Shiela>>Ella>>Bettina.

Well, normal lang naman sa mga teenagers na katulad namin na magkahiyaan pa sa una lalo na kung ang kasama mo ay crush nyo, di ba?

"Yup. After ng exams dito kami palaging pumupunta. Hang out lang."sagot sa akin ni Spencer my loves. Ayyyiiieee...kinilig na naman si ako sa maikling conversation namin. Napakaswerte ko talaga ngayon dahil hindi ko lang siya nakikita ngayon kundi katabi ko pa. 

"Girls, wag na kayong mahiya. Kuha lang kayo ng drinks and foods. Pili na kayo ng kanta. Lahat dapat kakanta."Lumapit sa amin si Karl at inabot sa amin yung song book. Nakita ko na kinuha naman ito ni Ella. Teka, bakit parang iba yung tingin ni Ella kay Gray?

"Hindi ka ba umiinom?"Tanong sa akin ni Spencer habang nakatingin sa akin. Oh my, feeling ko maluluwas ako sa tingin niya.

"Hindi eh."Nahihiyang sabi ko sa kanya. Patay kasi ako kila kuya kapag umuwi ako mamaya na amoy alak, napaka istrikto pa naman nung mga yun sa akin dahil ako ang nagiisang babae sa amin.

"Don't worry Margaux. Hindi naman nakakalasing yan."Nakangiting sabi sa akin ni Ryuji na katabi ni Spencer.

"Gray, iorder mo na lang sila ng juice para yun na lang drinks nila."Utos ni Spencer kay Gray na sinunod naman nito. Tinignan lang ako ni Spencer sabay wink sa akin. Jusko po, kilig overload na naman ako. 

Naramdaman ko na mahinang tinulak ako ni Shiela."Kalma lang friend. Parang kakainin mo na si Spencer sa tingin mo na yan eh."

"Inggit ka lang."Pabulong na sabi ko sa kanya sabay irap.

"Game na. Ako na lang magsisimula."Excited na sabi ni Juan Carlo sabay tayo at pumunta sa may gitna kung nasan yung malaking flat screen tv habang hawak na niya yung mic.

"Ulol mo, ikaw naman talaga laging nagsisimula eh."Natatawang sabi sa kanya ni Gray.

"Yung kakantahin ko ay para sa mga chikababes na nandito ngayon."Nakangiting sabi ni Juan Carlo sa mic sabay kindat sa amin. Cute naman siya pero nakakaaliw lang talaga yung personality niya.

NP: Ale by Bloomfields

"Isang araw nagmamaneho sa Cubao"-Juan Carlo

"Bro, tara."Nakita ko nung inaya ni Karl Michael si Gray. Pumuwesto din sila sa gitna sa may likod naman ni Juan Carlo habang may hawak ding mic.

I Ran To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon