MAP 3

150 8 1
                                    

[Margaux's POV]

Mystic Peak Hall

"Uyyy, friends alam nyo na ba?" tanong ko kila Shiela habang nakaupo kami sa hagdan. Wag na kayong magtaka kung bakit kami nandito dahil wala kaming klase. Tinamad si Ma'am Alvaro, music teacher namin.

"Oo alam na namin yan." masungit na sabi ni Ella.

"Weh pano mo naman nalaman?" -Ako

"Jusko naman, araw araw kaya ganyan sinasabi mo na nakita mo si Spencer sa gate, nakasalubong mo siya, nakita mo siya sa library, kumakain siya sa cafeteria. Ano pa bang bago dun eh alam na namin." -Ella. Ang sungit talaga nitong babae na ito kahit kelan.

"Eh hindi naman iyan ang sasabihin ko eh, pero meron din konting ganyan. Nakita ko kasi si Spencer my loves kanina lumabas ng men's cr. Hihi." -Ako

Napafacepalm na lang si Ella sa sinabi ko.

"Pero ano ba yung  bago mong kwento girl?" -Shiela

"Eto nga, kahapon nung pauwi ako, nadaan ako sa basic science classroom and guess what kung sino ang nandun?" 

"Di kami manghuhula Marga kaya sabihin mo na lang kung sino." -Ella sabay irap.

"KJ ka Ella, dukutin ko mata mo eh. So sino pa ba adeh si Spade at Lalaine." pagtutuloy ko sa kwento.

"OMG! Dont tell me may ginagawa silang milagro?!" Sabay na sigaw nila Ella at Shiela. Si Bettina, dedma.

"Green minded! Hindi iyon!" sigaw ko sa kanila. Mga utak talaga ng dalawang ito. Kapag ba kayong dalawa sa isang room ng boyfriend mo, milagro agad agad?! Di ba pwedeng nag uusap muna?

"Makasigaw naman kala mo nakalunok ng megaphone. Oh dali na kwento." sabi ni Ella habang hawak hawak yung tenga niya.

"Narinig ko silang nag-aaway. Galit na galit si Lalaine, muntik pa  ngang maiyak eh."

"Anong pinag- aawayan nila?" -Ella

[Flashback]

Matapos kong makuha yung naiwan kong book sa room, naglakad na ako pabalik pero nung madaan ako sa basic science classroom, nakarinig ako ng pag aaway. Pagsilip ko nakita ko sila Spade at Lalaine.

"Lets stop this Spade." si Lalaine yun.

"Pero bakit? Akala ko okay naman ang relationship natin? Good shot naman ako sa parents mo di ba?" si Spade. 

"Yun nga eh, akala ko din okay. Sorry Spade, hindi na kita kayang pagtakpan kila Mama, alam nila na madalas late kang pumasok, halos puro bagsak pa yung mga grades mo, puro pasang awa, tapos sobrang adik mo pa sa pesteng laro na yan!" naiyak na si Lalaine.

"Napag usapan na natin yung sa paglalaro ko di ba?" kalmadong sabi ni Spade.

"Spade ano ba! Alam mo kahit ako nahihirapan na eh, sawang sawa na akong magsinungaling sa parents ko, alam mo namang masisira ang reputasyon ng pamilya namin kapag nalaman nila na ang boyfriend ko eh may pangit na eductaional background."

Niyakap ni Spade si Lalaine.

"Ssshh, wag ka ng umiyak. Promise, magbabago na talaga ako, mag aaral na akong mabuti at babawasan ko na din ang paglalaro." pag-aalo ni Spade kay Lalaine. Biglang bumitaw sa yakap si Lalaine na ikinagulat ni Spade.

Tsk tsk, break up na kahahantungan nito. Sabi ko na eh, kahit si Lalaine, hindi tatagal kay Spade. May pagka perfectionist kasi ang family ni Lalaine kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganun na lang ang pagka-ayaw nila kay Spade. Sabagay, sino ba naman ang gustong magkaroon ng tamad na boyfriend ang nag-iisa mong anak na babae di ba?

I Ran To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon