MAP 15

69 6 0
                                    

[Margaux's POV]

Heinzrich House

Nagrereview ako kaharap itong laptop ko. Ganito talaga kasi ako, hindi ako sanay na habang nagrereview, nakatunganga lang. First examination na kasi namin bukas. Buti nga at hindi nagpatulong magreview si Spade eh,sasakit lang ang ulo ko sa isang yun pag nagkataon. Baliwala na din naman kasi kung pipilitin pa niyang tumaas yung grades niya eh wala na naman siyang babalikan.

Naka log in ako ngayon sa facebook at twitter ko, siyempre pag facebook, tambay sa timeline ni my loves. May nakita akong post niya sa fb ni Spade. Never ko pa nga pa lang nakikita yung fb ni Spade. Silipin ko kaya?

"Sino na naman yan?" napatayo ako sa gulat.

"Kuya Marco, nakakagulat ka naman eh. Kumatok ka naman minsan."

"Eh nakabukas na eh, bakit kakatok pa." dumiretso siya dun sa mga lagayan ko ng cds. "Pahiram ako nitong Transformers 3 mo ha."

"Nakuha mo na eh, makakatanggi pa ba ako? Umalis ka na nga dito." pagtataboy ko sa kanya.

"Makataboy ka naman, hindi naman ako pulubi. Makalayas na nga sa kadiri mong kwarto." at tuluyan na ngang umalis ng kwarto ko si Kuya Marco. Akala mo naman yung kwarto niya hindi nakakadiri, kung ano ano yung nakadikit sa pader. 

Pagkaalis niya, ibinalik ko yung tuon ko dun sa fb ni Spade. Binago na pala niya yung relationship status niya, naka single na. Ang dami ding nakapost na message sa wall niya, halos lahat ang sinasabi,"Okay lang yan Spade. Makakahanap ka rin ng iba." ,tapos ung iba naman siyempre mga ilusyunada,"Spade ako na lang ligawan mo." Mga ganyan yung nakapost sa wall niya.

Ibabalik ko na sana sa wall ko yung fb kaya lang nagloko yung mouse ko. Pindot ako ng pindot. Nagulat na lang ako sa nakita ko, Friend request sent. Kyahhhh, anyare? Ini-add ng peste kong kamay si Spade? Waah, hindi ako yun, kasi yung mouse ko nagloloko.

Bigla namang nagkaroon ako ng noti. Spade Norwich accepted your friend request. Waaahh, online siya at na accept na niya. Huhuhu, paano na lang ako nito, hindi ko naman talaga siya gustong i-add eh, baka kung ano isipin ng asungot na to kaya chinat ko siya.

Margaux: Hoy! Bakit mo inaccept?

Spade: Ini-add mo ako eh, kawawa ka naman kung hindi ko iaaccept.

Margaux: Hindi kita gustong i-add noh? Aksidenteng napindot ko lang kaya ganun.

Spade: Aha, iniistalk mo pala yung facebook ko ha >:)

"Hah!" napabuga ako ng hangin. "Sumobra na talaga kakapalan ng pagmumukha ng lalaking to."

Margaux: Kapal talaga to the highest level.  Bakit ko naman iistalk yung fb mo, di ka naman si Spencer.

Spade: Sige sabi mo eh.

Margaux: Ia-unfriend na kita, wag ka ng magchat.

Spade: i dont care.

Hinahanap ko yung unfriend button, pipindutin ko na kaya lang ayaw nung daliri ko eh. Nakatitig lang ako dun sa mouse at sa kamay ko.

After 10 minutes

Aishh, hayaan na nga. Friend lang naman sa fb, wala namang masama dun. Tinignan ko kung naka online pa siya at ayun online pa nga.

Margaux:  Hoy!

Spade: Oh, akala ko ia-unfriend mo na ako?

Margaux: wag na, maiyak ka pa eh.

Spade: Tsk, ang sabihin mo, ayaw mo lang kasi nanghihinayang ka.

Margaux: Ewan ko sayo. Nga pala, stop na ba yung pagtututor ko sayo?

I Ran To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon