MAP 14

81 7 4
                                    

[Spade's POV]

Lake Water Park

Dahil nasira yung araw ko kaninang umaga, nawalan na ako ng ganang pumasok pa. Akala ko pa naman parehas kami ni Lalaine na pinapahalagahan ang araw na ito pero mukhang ako na lang ang nagpapahalaga. 

Binuksan ko ulit yung lata ng beer na hawak ko at ininom yun. Pangalawang lata ko na ng alak ito habang nakaupo ako sa damuhan at nakatingin sa lawa. Medyo madami na din ang taong namamasyal dito dahil siguro labasan ng mga estudyante. 

Siguro hinahanap na rin ako ng mga mokong. Naalala ko na naman yung nangyari kanina at yung maarte kong kaklase. Naiinis talaga ako sa mga maarteng babae at yung mga pacute pa. Dalas ko pa mahuli siyang nakatulala at nakatingin kay Twin. Tsk...patay na patay talaga sa kakambal ko.

Nagulat ako nung iinom na ulit ako ng alak ay may umagaw nito sa kamay ko.

"Madaya ka bro. Nagsosolo ka."Napalingon ako kay Gray na nakaupo na sa tabi ko.

"Ang daya...hindi nagsasama."nakapout naman na sabi ni Juan Carlo sa akin. Tumingin ako sa kanya at nakita ko sa likuran nila sina Karl, Ryuji at Twin.

"Wag kang magalala bro. Madami kaming dala."Ipinakita sa akin ni Karl yung dala nilang plastic na naglalaman ng beer in can.

Ngumisi lang ako sa kanila at kanya kanya na din sila ng upo sa may damuha.

"Ok ka lang, Twin?"Tinapik ako ni Spencer sa balikat ko. Close naman kaming kambal pero madalas hindi kami pala kwento sa isa't isa. Tumango lang ako sa kanya.

"Kaya ayaw ko mainlove eh."iiling iling na sabi ni Karl. 

"Hindi siya deserving sayo bro."Hindi lumilingon na sabi ni Gray sa akin at nakatingin lang din sa may lawa.

"Yeah, she's not deserving."nakangising sabi ko. Kung ayaw niya sa akin edi wag, hindi siya kawalan. 

"Cheers to that?"nakangiting sabi naman ni Ryuji sa amin at tinaas pa yung lata ng alak.

"Cheers!!!"sabay sabay naming sabi at pinagdikit yung mga hawak naming lata ng alak.

"Happy Independence Day kay Spade."nakangiting sigaw din ni Juan Carlo. Binatukan ko naman siya agad.

"Aray naman."Nakahawak sa batok na sabi niya sa akin.

"Bro, balik normal ka na."nakangiting sabi sa akin ni Gray.

"Normal?"Nakakunot noong tanong ko sa kanya.

"Oo. Normal ka na nyan Spade. Nambabatok ka na eh."nakangising sagot sa akin ni Karl.

"Ulol."Nagtawanan naman na kaming lahat. 

"Tara na. Rock na."Tumayo si Ryuji at napatingin kaming lahat sa kanya."Midnight Cafe?"

"Oo nga. Kaysa naman magdramahan tayo dito. Laro na lang tayo."Tumayo na din si Karl.

"Gusto mo lang makita si Chelsea sa game eh."pangaasar ni Gray kay Ryuji. Nakita ko namang namula si Ryuji. Wala talaga. Isa na ding may tama. May tama sa pag-ibig.

"Twin?"Nakalahad yung palad sa akin ni Spencer. Tinanggap ko naman yun at tumayo na din. Mas mabuti pa nga makapaglaro na lang kaysa isipin ko ang letcheng pag-ibig na yan.

[Third Person's POV]

World of Ran Online

I Ran To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon